Find the Killer [4]

4.2K 94 17
                                    

Patuloy na nagsusulat si Jade sa kanyang Kuwaderno gamit ang pulang ballpen. Halos mapunit na ang bawat pahina sa sobrang diin niyang magsulat.

Nagkalat ang mag salitang “Mamatay ka na..” sa notebook ni Jade.

“Die. Die. Die. Die! You bitch! Both of you!!” sigaw niya. Siya pa lang kasi ang tao sa loob ng kuwarto. “nakakinis ka Marcus! Kayong dalawa nung babae mo!”

“Jade?” biglang bukas ng pintuan si Trish.

Agad naman na tinago ni Jade ang hawak-hawak na notebook sa ilalim ng kanyang unan. “Oh T-Trish! Ikaw pala!” sambit niya.

“Hmm, wala pa si Katrina?” tanong ni Trish.

“M..May nakikita ka bang Katrina?” pilosopo niyang taong kay Trish. Tumayo siya sa kinauupuan at nagtungo sa mini kitchen.

Tumuloy na lamang si Trish sa loob ng kuwarto at nilapag ang mga gamit sa kanyang kama.

“Buti nagkakasundo kayo ni Katrina ano?” Sabi ni jade bago inumin ang tubig na nasa baso na hawak hawak niya. “Sabagay.. Hindi naman kayo nagkaiba.. pareho naman kayo… Patay na bata..” sabi ni Jade.

Pero may tinatagong baho din naman! Napagisip isip pa ni Jade.

“Maliligo muna ako ah.. hindi ka ba gagamit ng banyo?” tanong na lamang ni Trish sa kanya.

“Sinabi ko bang gagamit ako?” mataray naman na sagot ni Jade.

“A—ah sige, ako na lang muna ang gagamit.” Kinuha na ni Trish ang kanyang tuwalya at iba pang gamit sa pagligo. Nasa tapat na siya ng pintuan at nag-iipit ng kanyang buhok.

Dahan dahan naman na nilapag ni jade ang baso na hawak niya. Inabot naman niya ang isang maliit na kutsilyo na nasa kanan niya. Dahan dahan siyang lumalapit kay Trish…

Ang sarap mong patayin!! Sigaw niya sa kanyang loob.

Kayong   dalawa ni Marcus! Ang lalandi niyo! Nanginginig niyang sinabi. Akala niyo ba forever niyong matatago yung relasiyon niyo? Puwes nagkakamali kayo! Mga bwiset. Mgas ahas!!

Hindi lingid sa kaalaman nila Trish at Marcus na matagal nang alam ni jade ang kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Matagal nang nagtitimpi si jade at kung hindi nga lang masama ang pumatay eh matagal na niyang ginawa iyon.

Susugudin na dapat ni Jade si Trish nang bigla namang bumukas ang pintuan at bumulaga sa kanila si Katrina. Kaya naman mabilis na itinago ni Jade ang hawak hawak niyang kutsilyo sa kaniyang likuran.

Masuwerte ka Trish.. at hindi mo pa panahon…

***

“I swear! Wala akong kasalanan!” sabi ni Jade. “Nakuwento ko na sa inyo! Dati gusto kong patayin talaga si Trish! Dahil iyon sa galit ko sa kanilang dalawa! Pero kilala niyo ako, hindi ko naman kayang gawin iyon!!” sigaw pa niya matapos maipaliwanag yung sinabing eksena ni Katrina.

“So alam mo na pala?” tanong ni Katrina.

Tumingin naman si Jade kay Katrina ng masama. “Hindi ako tanga at manhid Katrina! Sa totoo lang nga eh natutuwa ako at namatay na yun si Trish!!” bulalas niya.

“Jade??!!” awat ni Clint. Kapag talaga tungkol sa nangyaring pagpatay kay Trish ay nag-iiba ang mood niya.

Nanahimik na lamang si Jade. Hinihintay niyang matapos ang imbestigasyon. Alam niyang hindi agad siya makakauwi... lalo na’t isa siya sa mga ititnutring na suspect..

~~

Takot na takot si Genine.

Hindi niya malimutan yung pag-talsik ng dugo sa kanyang mukha habang sinasaksak si Marcus… Nakasalampak siya sa sahig. Umiiyak na din siya…

“Hehehehe..” lalo siyang kinilabutan. Nanlalamig na din ang kanyang katawan.. Pumapatak ang bawat butil ng pawis mula sa kanyang noo.

“heheheh..” narinig na naman niya ang tinig na iyon.

“Tigilan mo na kami!!” sigaw niya…

“Hehehehe…” Isa pang halakhak. Ma echo ito.

“Omygosh! Omysgosh! Maygossh!!” nakatakip na ng kanyang mga palad ang kanyang tenga. Pilit iyang pinipigilan ang sarili para marinig ang isang nakakakilabot na tawa. 

“hehehe..” papalapit na sa kanya ang tinig.

“tigilan mo na ako!!!” Humahagulgol na siya… “tumigil ka naaa!!” tumayo siya at nagtatatakbo. Hindi niya alam kung saan siya tutungo sa loob ng kanyang kuwarto. Sinara na niya lahat ng dapat isara. Bintana, pintuan, cabinet.

Nagpunta siya sa CR. Naisip niyang magkulong doon. Pero pagkabukas niya nito, bumungad sa kanya ang isang babaeng duguan at may hawak na kutsilyo.

Nanlamig at hindi siya makagalaw. “Ahhhhhhh!!!” sigaw niya saka bumagsak sa sahig.

 ___

Nagmamaneho si Clint kasama si Katrina. Sinama niya muna ito at dun niya muna papatulugin sa kanyang apartment dahil alam niyang hindi tama na iwan niya ito sa dorm. Lalo na’t sunod sunod ang hindi magandang pangyayari sa kanilang magkakaibigan.

“Kuya Clint..” wika ni Katrina.

“Huwag kang mag-alala, magiging maayos ang lahat..” sabi ni Clint, patuloy pa din ito sa pagmamaneho.

Napabuntong hininga si Katrina. Gusto na niyang magsalita. Ilang araw na din siyang hindi makatulog. “Kuya... Hindi eh.. May hindi tama..” sabi ni Katrina.

Napatingin si Clint sa kanyang pinsan pero nakatuon pa din ang tingin niya sa daan. “B..bakit mo naman nasabi ‘yan?”

“Hindi talaga tama eh..” sabi ulit ni Katrina. “May alam ka ba..?” tanong nito sa kanya.

Nagulat naman si Clint sa sinabi ng pinsan. “Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Malamang wala akong alam!” natatarantang sagot niya.

Umupo ng maayos si Katrina. Bumuntong hininga na naman siya.. “Kasi nung nakaraan… nakita ko si Trish.” Pag-amin niya. Sa wakas, nasabi na din niya.

Hininto agad ni Clint ang kanyang kotse sa gilid ng daan at saka tumingin kay Katrina. “A—anong ibig mong sabihin?”

“Nakita ko siya. Nung araw na pinatawag kayo para pumunta sa dorm dahil nahimatay ako... nakita ko siya dun Kuya. At parang... parang hindi siya mukhang multo. Tingin ko nga hindi pa siya patay eh.” 

At doon nanlaki ang mga mata ni Clint…

---

 Itutuloy...

Find the Killer [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon