Find the Killer [3]

4.7K 102 29
                                    

“So?” sagot ni Jade sa kanya. Sumandal pa siya sa pader at humalukipkip. Hindi magsink in sa utak niya ang sinasabi ni Marcus. Ano naman ngayon kung malapit na itong gumraduate sa school nila?

“Let’s break-up.” Sabi naman ni Marcus.

“Whoa there.. what did you just say??” Parang nabingi na tanong ulit ni Jade kay Marcus. Napaayos tuloy siya ng upo at hinawakan ang lamesa. “Ano ito lokohan? Wala akong time na makipag joke-an kaya naman gawin mo na lang yan assignment ko!” sigaw niya dito at saka siya lumabas ng kuwarto.

Nasa dorm nila Jade ngayon si Marcus -- sa iisang kuwarto na tinutuluyan din ni Katrina at ni Trish dati. Iisang building din na tinutuluyan ni Genine.

Napayuko naman si Marcus at kumalumbaba sa lamesa.

Panigurado, tatawag si Genine mamaya sa akin at tatanungin kung ano na ang nangyari sa amin ni Jade…

Sabi ni Marcus sa kanyang sarili. Kung hindi nga lang siya talaga playboy, malamang wala siyang masiyadong iisipin.

Pero puwede ko namang iwan si Jade!  umiling siya. Kahit papaano nama'y minahal niya ito. At ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nilang lahat dahil don. Napabuntong hininga na lamang siya.

Binalaan na siya ni Genine.. Kung hindi niya iiwanan si Jade, malamang may gagawin si Genine dito.. Kung iiwan naman niya si Jade, baka naman ito ang magpakamatay. Alam naman niya na patay na patay sa kaniya si Jade. 

Kaya nga napilitan siyang maging boyfriend nito ay dahil sabi niya'y magpapakamatay siya kapag hindi siya pumayag.

Bumuntong hininga ulit siya. Hindi na niya alam ang gagawin.

Inilapag ni Marcus ang kanyang hawak na ballpen… Pagod na siyang magsulat simula kanina pang hapon. Napasandal siya sa may upuan nang biglang tumunog ang kanyang cellphone…

“Si Genine!” bulalas niya nang makita ang pangalan na nasa screen.

“Hello?” sagot niya dito.

‘Nagawa mo na ba?’ tanong ni Genine sa kabilag linya.

“Hindi ko pa nagagawa.. Humahanap pa ako ng tiyempo.” Paliwanag niya dito. Hindi niya sinabi na nasabi na niya at ayaw pumayag ni Jade.

‘Tiyempo na naman? Kung ayaw mo, ako na lang ang gagawa!!’ sabi niya saka inend ang call.

“Sh*t!! Ano naman ang gagawin non??” napatayo na si Marcus. Ano na naman kaya ang gagawin niya kay Jade?

Dadamputin na sana niya ang bag para lumabas ng pintuan nang bigla siyang makarinig na isang malakas na tunog.

Brag!!!

Napatingin naman si Marcus sa pintuan na bumalibag… at agad na nanlamig ang kanyang katawan nang makita niya kung ano ang nakatayo sa may pintuan…

“Hindi mo kaya? Edi ako na lang ang gagawa para sa iyo nang matapos na ito.” At saka niya sinunggaban si Marcus.

* *

“Let’s break-up!” sigaw ni Marcus sa kanya.

“Why? I didn’t do anything!” naiiyak na sagot naman ni Trish. "Marcus, please. Huwag mo namang gawin ito oh. Gusto talaga kita eh. Okay lang kahit tatlo kami. Okay lang sa akin--"

“Gaga ka ba talaga? Alam mo namang hindi kita mahal 'di ba? And yeah napagtripan lang kita... pero ayoko na.” sagot niya dito.

“I don’t care..” sabi ni Trish. “You’re the only one I love! Ngayon lang ito…” paliwanag ni Trish. Hinawakan din niya si Marcus sa braso at pilit niya itong niyakap.

Find the Killer [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon