Chapter 1

3.6K 56 1
                                    

i have questions  ( chapter 1 )

Jho's POV

"JHO!"

"JHO!"

"JHOANA!"

Hay, ano ba? antok pa ko eh. Tinanggal ko yung unan na nakapatong sa ulo ko at dahan- dahang bumangon para buksan yung pinto ng room ko.

At pagkabukas ko, I was met by a frustrated Jia Morado aka captain Ji. Gusto ko siyang pagtawanan tas asarin ng asarin hangga't sa sumabog yung mukha niya sa inis, pero I guess now is not the time, kase mukhang naunahan na nung inis niya bago ko pa maasar jusko baka pahirapan ako neto sa training namin mamaya.

"ABA ABA BAKIT NGAYON KA LANG GUMISING?!" aray ah sakit sa tenga. Medyo nag- bleed eardrums ko don.

"Sorry na Ji, eh kase late na ko natulog kagabi kaya bumawi ako tsaka five minutes lang naman yun eh!" dipensa ko, sabay pout at inirapan niya naman ako.

"Oh gising kana pala ate?" Sabi ni Deanna.

"Ay hindi beh, picture lang to nukaba". Natawa naman si Jia at si Maddie na kakarating palang na kasama si Deanna umakyat.

"Maligo kana Jhoana, may training mamaya tsaka wala kabang class today?"

"Ji naman eh! Sabing Jho nalang itawag nyo sakin eh nagmumukha kaya akong matanda!"

"Whatever, Jho". Sabi ni Jia, at sabay sabay silang tatlong nagka- yayaan na bumaba para mag breakfast.

"Yiee, love mo kaya ako Ji! alam mo yan!" Sigaw ko, at pagtapos sinara ko agad yung pinto ng kwarto ko and then dumeretso sa banyo.

It didn't take long naman for me to get ready kase baka lalong magalit sa akin si Ji, pero if ever na gumising ako ng maaga hay nako dai maiinis ka sakin sa tagal kong kumilos.

"Oh, ayan na pala si Jho eh! kain kana!"

"Ayun natapos rin!"

"Tagal talagang kumilos"

Inaasar na nanaman nila ako ang aga aga eh pero wala yun tsaka sanay naman na ako kase halos lahat kami dito nag- aasaran.

"Shet, pancit canton! hati tayo D!" Umupo naman ako sa tabi niya at dali- daling kinuha yung tinidor na may pancit canton na dapat isusubo na niya, kaso inagaw ko.

"Ate naman, that was for me eh!" Simangot niya, hay cute cute. Binigyan ko siya ng thumbs up at sabay kinindatan ko siya.

"Huy guys, nabalitaan niyo naba yung nangyari sa dalawang mag best friends?" Sabi ni Maddie na hawak hawak yung phone niya, hula ko may ichi- chika na nanaman to sa amin na nakita niya sa twitter.

"Ano na naman yan ha? Ano? fall in love sa isa't isa ba yan? tapos hindi sila nagkatuluyan? Sus Mads old school na yan! ". Singit ni Ana, dakilang bitter saming lahat.

"Hoy sama, grabe ka naman ate Ana!" Sigaw ni Ponggay.

"Hoy maka- Hoy ka dyan ponggay ah!" Natawa nalang si Ponggay sa kanya tas dali daling tumakbo kay Ana tas niyakap niya sa tagiliran.

I Have Questions (JhoBea) Where stories live. Discover now