Savvanah's POV
Pagkauwi ko sa bahay, as usual wala na naman akong kasama. Sinalubong ako ni Manang para kunin ang bag ko but I refused it. "It's okay po Manang. Pwede po ba na bigyan mo na lang ako ng food instead at dalhin sa room ko? Doon na lang po ako kakain Manang." I smiled at her and tumango naman siya.
Umakyat na ako sa room ko and naligo. As I submerged my self on the bathtub, nilamon na naman ako ng isipan ko. I'm thinking deeply if papayag ba ako or not sa second favor ni Tristan? But for what, right? May balak ba siyang pagselosin and he'll used me ba para mag selos ang girl? I really don't know.
After kong maligo, lumabas na ako sa CR at nakita ko na nandito na ang mga pagkain ko. Maybe pumasok dito kanina si Manang and hindi ko man lang na noticed.
I just ate my dinner and sleep afterwards. I still have classes tomorrow and bawal akong mag puyat baka pumangit ako.
Pagkagising ko ay kumain lang ako ng breakfast at umalis din agad. I'm the early bird of this group at ako ang nagbabahay bahay sa kanila. And yes, I know how to speak tagalog fluently. Iniinis ko lang sila sa pa conyo conyo ko.
"Hi Becca girl Good Morning." I kissed her cheek pa and next na sinundo namin ay si Chase, Sofia, Kurt and lastly, Liyah girl na ang tagal kumilos.
We are on our way na pa school. Nag aasaran at nag kukulitan pa rin sina Chase at Liyah. That's their daily routine.
"Are you okay na ba girl? Baka mamaya you'll be passed out na naman ha." Tanong ko naman kay Liyah.
Kinabahan kami noong nawalan siya ng malay. Kahit si Chase na babae pa kung kumilos kesa sa amin, nawalan ng posture at dali daling tumakbo papuntang Clinic. Kahit nagbabangayan sila palagi, I know that they cared for each other.
"Yes Savv. May gamit din akong iniinom. Mommy was so worried kaya may monthly check up na naman ako." Nalungkot naman siya.
I feel sorry for her. When she got into accident before, na trauma na siya at may mga taong hindi na niya kilala. The Doctor said that her brain refused those memories to be remembered. Dahil din doon, nag home schooled kaming anim. Ayaw namin na may nalulungkot na isa sa amin kaya dinamayan namin si Aaliyah. Nag enjoy naman kami those times kasi kaming anim lang ang nag papataasan ng scores.
"It's okay Aaliyah. If you want, sasamahan ka namin. Kahit kami na ang sasama sayo every check ups mo." Sabi naman ni Sofia. Aside from Chase, Sofia and Aaliyah are so closed to each other.
Tumango naman kami sa sinabi ni Sofia at napangiti na lang rin si Liyah. Kahit si Becca na napakasungit, nakita ko rin kung gaano siyang nag alala kay Liyah.
"Thank you girls, and Kurt." Awe so sweet. We just hugged her so tight dahil alam namin na natatakot na naman siya.
Tumigil lang kami nang dumating na kami sa school. Shit. Ibig sabihin, magkikita na naman kami ni Tristan nito. I didn't even know na classmate pala namin sila. Tss.
Aaliyah's POV
Pagkarating namin sa school, dumiretso agad kami sa classroom namin. Nandito na rin pala ang boys kaya binati namin sila. Nagkatinginan kami ni Hunter at nginitian ko naman siya. I didn't know na siya pala ang anak ng sikat na designer dito sa Pilipinas na pinagmo modelan ko.
Nagbangayan lang kami ng unti unti na rin dumadating ang mga classmates namin. We're not closed with them kasi ayaw naman nilang kumausap sa amin. Lalo na noong naging close ang grupo namin sa group nina Hunter.
Nagsimula na rin ang klase kaya nakinig na lang ako. I take down every important details na sinasabi ng teacher ko. Nag dismissed na rin agad ang teacher namin. Kapag talaga nakikinig ka sa discussion, ang bilis ng oras. Pero kapag nakatunganga ka lang, parang ang tagal matapos. Kaya 'yan ang gawin niyo, makinig kayo.
Inayos naman namin agad ang mga gamit namin at lumabas. Maybe tatambay sa cafeteria o kakain na lang?
"Hey Savv. Are you okay?" I asked Savvanah.
Ano ang nangyayari dito? Parang hindi siya mapakali at hindi pa niya ako narinig. Kinalabit ko na lang siya kaya she faced me with her confused look.
"Yes girl?" I asked her again. "Yes I'm okay." She smiled at me. Tinawag naman siya ni Tristan kaya hinayaan ko na lang.
"Alam mo ikaw na babae ka, napaka chismosa mo." Nagsabi ang hindi chismosa.
"At bakit? I'm just concerned, you know. After all, that is Savvanah. Duh. Palibhasa puro lang kalandian ang alam mo." I just rolled my eyes at Chase and nagbangayan na naman kami.
Pagkarating namin sa Cafeteria, pinagtitinginan na naman kami. Hindi na lang sila namin pinansin at nag hanap na lang ng mauupoan.
Sina Savvanah and Sofia naman ang nag order. Bukas kami na naman ni Chase. Nag arrange talaga kami ng schedule para hindi kami mag away at mag turoan.
"Hey. Sa Saturday pala sabi ni Mama pumunta ka raw sa bahay." Lumingon naman ako kay Hunter.
"Huh? Bakit?"
"Dinner daw, if it's okay to you?"
"Oh. Sure! Mag papaalam lang ako kay Mommy." Nginitian niya na lang ako at bumalik sa upoan niya.
Hindi pa tapos ang shoot namin pero konting polished na lang matatapos na rin. Later magpapaalam ako kay Mommy. Hunter's Mom is so nice. She really accompanied me lalo na at nahihiya pa ako nung una. She's my Mom's friend and I didn't know na anak pala ni Tito Joshren si Hunter. Kaya siguro kinausap ni Mommy ang Mama ni Hunter. And I'm really glad na naiintindihan niya ako.
After our lunch ay umalis na kami at bumalik na sa room. The classes went on and tinatamad na akong makinig. Maybe because uwian na kaya nawawalan na ako ng gana para makinig. Lumilipad na rin ang isip ko sa sinabi ni Hunter.
I really like her Mom. Parang matagal na kaming magkakilala dahil naging close agad kami at panatag ang loob ko sa kanya.
***
YOU ARE READING
My First Ever Heart Break
Teen Fiction"Love can leave a memory that no one can steal, but love can also leave pain that no one can heal." Aaliyah Quencey Cullen the almost perfect girl that everyone loves and adore. But in just one snap she will have her greatest nightmare. She will fa...