A/N: (Dedicated to sheinNaBelle / SaiDiisheng Hahahaha salamat sa paghihintay ng mga UD's namin! Lovelots 😘)
Sofia's POV
Matapos namin mag usap tungkol sa club na sasalihan namin, naghiwahiwalay rin kami agad. Habang naglalakad ako papunta sa room kung saan gaganapin ang election ng Music Club ay nakasunod ako sa bultong kilala ko. Tristan.
Naka pamulsa ito at naka headset. Naghehead bang pa ito habang naglalakad. At nakikita ko na maraming babae rin ang nagtitilian dito. Oh well, I can't blame them. Tristan is hot and hondsome. For sure he's incredibly rich too. A Young eh. Marami akong kakilalang mga Young kaya sa tingin ko isa si Trista sa mga Young na kilala ko.
"Hey Tristan." Tawag ko sa kanya. Maraming babae naman ang napatingin sa akin. Curious if papansinin ako. Others are glaring too. Tss.
Patuloy pa rin ito sa paglalakad at paghehead bang at tila hindi ako naririnig. Tsk! Nilapitan ko siya at narinig ko naman na kumakanta siya. That song is familiar. Fall huh? Kinalabit ko na lang siya dahil alam kong hindi niya naman ako maririnig.
Napalingon naman ito sa akin na naka salubong ang mga kilay. "Oh. Hi Avery!" Napasimangot naman ako sa paraan ng pagtawag niya sa akin samantalang naka ngiti naman ito ng matamis. "Don't call me Avery, Blake." Emphasizing the word BLAKE.
Siya naman ang napasimangot. "Tsk. Don't call me Blake too. I hate it. It's not cool. I prefer Tristan over Blake." I just rolled my eyes at sumabay na lang sa kanya lumakad. Though hindi ko naman alam kung saan siya pupunta.
Narinig ko naman ang mga nagbubulongan kaya nilingon ko sila at pinagtaasan ng kilay. So what kung kinakausap ako nito? Sino naman si Tristan para hindi ako pansinin o kausapin? Duh.
Nilingon naman ulit ako ni Tristan at tinanong kung saan ako pupunta. "Pupunta sana ako sa Music Club kaso hindi ko alam kung saan. Can you please hatid me there?" Oh it's bad. Pati ako nahahawa na sa ka conyohan ni Sav.
"Sure. I'll lead you the way." I smiled dahil at last! Sinundan ko na lang siya at pagdating namin doon marami na ang nakaupo at naghihintay for audition. I'm excited!
Tristan's POV
Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa room ng Music Club nang kinalabit ako ni Sophia. Papunta rin pala siya sa room ng Music Club kaya sinabay ko na lang.
Pagpasok namin ay sinalubong agad kami ni Sean. "Hey bro! Akala ko ba umalis ka na?" Compared to me, mas active si Sean when it comes to music. Sa music lang kasi tamad 'tong pumasok sa klase. Tss.
"Hi Sean! Nandito ka rin pala? Wow. At least kapag na tanggap ako may makakasama ako." I almost forgot, may kasama nga pala akong human keychain.
Napalingon naman agad si Sean sa kanya at nagbatian. Sinabi rin niya na simula nung Grade 7 kami sa Music Club talaga kami sumasali. Eh Grade 9 na kami ngayon kaya two years na rin pala simula nang sumali kami rito.
Napatigil naman kami sa pag uusap ng dumating na si Isabella. Our senior and also the Club President.
"Good morning everyone. I am Isabella Choi, the President of this Club. Now that I will be a senior high student, I want to take over this throne to the responsible one. So guys, choose the responsible one na sa tingin niyo, hindi papabayaan ang club na 'to. So, let the election begin!" Pag-uumpisa ng dating club president. Isabella Choi. Napakabait at responsable na president nang club na 'to. Sayang nga at Senior High na 'to sa susunod na School Year.
Paglingon ko, nakita ko naman ang human keychain na parang na excite. Ano kaya ang kakantahin nito mamaya?
Chase's POV
Katatapos lang ng club election na sinalihan ko at hinihintay ko na lang ang mga bruha. Ang tatagal. Naiinis naman ako sa mga babaeng haliparot na nasa paligid ko. Akala naman nila ang gaganda nila. Baka gaga oo. Tss.
Paglingon ko, nagulat naman ako ng nakita ko si Rebecca sa tabi ko. Wala lang tahimik lang. Isa pa 'to. Mahal ba talaga laway nito? Napakunot na lang ang noo ko at bubulyawan sana siya ng biglang dumating si Savvanah dala ang kaartehan niya.
"Chasie girl what's with that kunot kunot noo of yours? Did you forget na ba na you'll be ugly kung nakabusangot lang ang face mo?" Magsasalita na sana ako nang nakita ko kung sino ang nasa likuran ni Savvanah. Sina Tristan, Sean and Sophie. Shit. Baka narinig nila ang Chasie Girl ni Sav. Tsk.
"Hey bro." Tinangoan ko lang sila at nag aktong parang straight. Nag uusap sila at hindi na lang ako nakisali baka madulas pa ang bibig ko. Agad naman na dumating si Kurt at tiningnan ko na lang kung sino pa nga ba ang wala. And Oh My G! Si Liyah!
Asan na ba 'yon? Kaya pala parang walang maingay dito na ang boses abot pa sa ibang kanto. Minsan 'yang si Liyah matalino pero kadalasan bobita talaga. Baka nawala na ang gagang 'yon. Nilingon ko na lang sila at nag cleared voice muna bago nagsalita.
"Ah guys? Si Aaliyah pala wala pa. And also Hunter." Sabay naman tingin kina Sean at Tristan.
Magsasalita pa sana sila ng biglang tumunog ang cellphone ni Tristan. "Excuse muna guys, sasagutin ko lang 'to." Tumango na lang kami at inutusan ko naman si Kurt to try dial Alliyah's number.
"Guys hindi sinasagot ni Liyah. Dapat na ba akong kabahan? Shit lagot ako kay Tita nito." Bruhang 'yon! Sabi na mag tanong kung nasaan ang Drama Club at huwag pairalin ang hiya kasi wala naman siyang hiya!
"What?! Why?" Napalingon naman kami kay Tristan. Ano ang problema? "Okay I'll tell them. Pupunta na rin kami dyan." Pagkatapos nang tawag ay tiningnan kami agad ni Tristan.
"Guys.. Si Aaliyah nasa Clinic. Nahilo raw siya kanina at biglang nawalan ng malay. Magkasama sila ni Hunter ngayon."
Hindi ko na sila hinintay pa at tumakbo na agad ng mabilis patungo sa clinic. Lumalabas ang pagkalalaki ko basta ang bruhang 'to ang pinag-uusapan! Walang hiya ka Aaliyah! Nawawala na ang posture ko!
But please.. Sana okay lang ang impaktang 'yon.
***
YOU ARE READING
My First Ever Heart Break
Roman pour Adolescents"Love can leave a memory that no one can steal, but love can also leave pain that no one can heal." Aaliyah Quencey Cullen the almost perfect girl that everyone loves and adore. But in just one snap she will have her greatest nightmare. She will fa...