Chapter 9

6 0 0
                                    

Aaliyah's POV

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay, hinanap ko agad sina Mommy para mag paalam. I am so excited kasi first time akong pupunta sa bahay nina Hunter. I can't imagine kung gaano kaganda ang bahay nila. After all, Tito Joshren is famous in architectural field.

Umakyat na ako papunta sa ikalawang palapag at kinatok ang office room nina Daddy dito sa bahay. Kapag wala pa sila sa hapag, I am very sure na andito pa sila. They are so busy pero parang hindi ko naman iyon maramdaman kasi  they always have a time for me. Never silang nag kulang and I am so happy for that.

"Hi baby! Hon, Aaliyah's here." Salubong ni Mommy sa akin. Agad ko naman siyang nginitian at niyakap.

Andito na ako sa loob at nag-uusap usap lang kami if how was my day. If did I enjoy or how it went well.

Habang ako naman ay nahihirapan kung kailan magkakaroon ng lakas ng loob para mag paalam. Ever since my car accident, hindi na nila ako masyadong pinapayagan. Siguro ayaw nilang maulit uli ang nangyari noon. And I understand them. I don't have the guts to disobey them because it's for my own sake. They are my parents and they know what's best for me.

Kahit kailan hindi ako nalulungkot pag hindi nila ako pinapayagan. Alam kong takot sila because after all I'm their only child. I am the heiress of Cullen's chains of businesses. Pero hindi naman ako hipokrita para hindi malungkot. But I'm still lucky kasi sinasamahan ako ng mga kaibigan ko. Kapag hindi ako pinapayagan, hindi din sila aalis kahit na gustong-gusto nila 'yong pupuntahan sana namin.

"Ah Mommy, Daddy?" Pagtatawag ko sa attention nila. Agad naman nila akong nilingon at tinanong.

"Yes baby? You need something?" After sabihin ni Daddy iyon, kinakabahan na ako. Jeez. Ayoko talaga sa lahat iyong nagpapaalam ako. Para kasing may krimen akong ginawa kasi 'yong kaba ko parang ang OA masyado.

"Ahm.. mag papaalam lang po sana ako.." Now I got their attention, even my Mom. "Hunter invited me to come to their house to have dinner with them.." Papikit kong sabi at nilaro-laro na lang ang mga daliri. Panay rin ang pagkakagat ko ng labi kasi baka ayaw nila akong payagan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Hunter.

"Sure baby. Ipapahatid kita sa driver okay? Hindi ka namin mahahatid doon kasi ang dami pa naming ginagawa. I hope you understand."

Pagkasabi na pagkasabi ni Mommy, agad ko'ng binalingan si Daddy at ginawaran niya lang ako ng isang malaking ngiti. And because of that, I got their permission. Yay!

I immediately run to their direction and hugged them tightly. I murmured my thank you's at dali-dali ring lumabas para makapag-ayos.

I am wearing a plain white dress and I paired it with my heels. I let my long curly hair to be on its place. I also don't put any makeup's because I am not used on wearing that. Agad naman akong pumunta ulit sa office room nina Mommy para mag paalam. We bid our farewells at I'm on my way to Hunter's house. I already texted Hunter at sinabi kong were on our way.

Pagkababa ko sa sasakyan, I feel dejavu. Parang nakarating na ako dito. Parang palagi akong pumupunta dito. All of this are familiar. Napakunot naman ang noo ko dahil alam kong ngayon lang ako nakadating dito. Or maybe, this is one of the deleted memories of mine..

"Hi Aaliyah! You're so gorgeous." Napabaling agad ako sa banda ng Mommy ni Hunter na papunta na dito sa akon. Agad ko naman siya hinalikan sa pisngi at binati.

"Hello Tita. How are you?"

Kung hindi ako sinalubong ng Mommy ni Hunter, baka hanggang ngayon nakatulala pa ako. Our conversation went on and on habang papasok kami. I don't know where is Hunter kasi hindi ko pa siya nakikita. Napasimangot naman ako kasi hindi niya man lang ako sinalubong. Tss.

One thing I can only say after I entered to their house, this is so beautiful and elegant! May mga paintings at and daming babasagin na mga gamit. Wow. Parang nakalimutan ko na lang agad ang iniisip ko pagkapasok na pagkapasok sa bahay nila. Even their doors are so detailed, what do I expect even more pagkapasok ko?

"Hija, wait here for a while. I'll just prepare our foods. Pababa na rin dito si Hunter." Tumango na lang ako at nginitian si Tita. Nasaan na ba si Hunter?

"Hey." Speaking of the devel, he's here!

"Hunter! Saan ka galing? Hindi mo man lang ako sinalubong sa labas ang sama mo." He just give me a soft chuckle and I look him in awe.

Hunter is so gorgeous for a man. He's tall and have a rough features. Even though hindi ko pa nakikita ang katawan niya, alam kong may ibubuga. His hair is so messy na para bang kagagaling niya lang sa tulog at parang inagrabyado ko pa ang tulog niya. His jawline is well defined and he has a pink soft lips.

Napakurap naman agad ako sa mga iniisip ko. What the hell Aaliyah?

"I'll tour you in the house. If you want." Agad naman akong ngumiti at tumango. Pero hindi ko alam kung saan unang pupunta. Ayaw ko namang i-tour niya ako dito kasi mapapagod lang ako panigurado. Hmm.

"Can you bring me to your favorite place here in your house?" Nilingon ko siya at nakita kong parang nagulat siya sa sinabi ko. "Hey? Are you okay?"

"Ah.. yeah. Let's go." Tumango lang ako and I let him lead the way.

Sunod lang ako ng sunod sa kanya hanggang makalabas kami sa bahay. Nakabusangot na rin ako kasi parang niloloko niya lang ako. Ano ba ang maganda dito sa likod ng bahay nila at ito yung pinakagusto niya? Tss.

"Here. This is my favorite place." Nilingon niya ako at nginitian.

Napatingin naman ako sa harap at napakamot sa ulo. A tree? Hindi ko masyadong makita kasi madilim na dito sa labas. Ano ang espesyal sa kahoy na ito? Narinig ko siyang tumawa kaya napabaling ako sa banda niya.

"You're wondering what's in this tree huh?" Pumunta siya sa likuran ng puno at parang may hinahanap. Pagkarinig ko ng tunog, agad na lumiwanag ang buong puno. Wow. A tree house!

The tree is full of lights. It looks so magical dahil ang mga ilaw ay parang mga alitaptap. Napatingin din ako sa tree house at ngayon ko lang nakita na may hagdan pala sa gilid.

"Wanna go there?" Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad na akong pumunta sa hagdan.

Dali-dali kong tinanggal ang straps ng heels ko habang si Hunter naman ay nauna ng umakyat. Pagkatapos kong matanggal, sumunod na rin ako. Hindi pa ako makapaniwala kasi parang sanay na sanay na akong umakyat dito at hindi man lang ako natatakot kahit na walang kapitan sa gilid. Hinayaan ko na lang 'yon at nag patuloy sa pag-akyat.

Pagkarating ko, sinalubong ako ni Hunter ng ngiti. And I didn't expect na dahil sa tree house na ito, bumalik ang mga ala-ala kong nawala.

My First Ever Heart BreakWhere stories live. Discover now