So its you

31 0 0
                                    

"Ayan ok kana! Wag ka munang magbubuhat ng mabibigat na mga bagay medyo may bali pa yung kaliwang braso mu. Sorry nga pala ulit."

Hindi ako makapagsalita. Speechless ang lola nyo sa kagwapuhan ni Mr. Doctor.

"Oi? pati ba ulo mo nasagasaan ko? mukhang na dislocate yata yang utak mo ah. magsalita ka naman dyan."

Hindi ang ulo ko ang nasagasaan mo, kundi ang puso ko. Itong puso kong mapagmahal ang puso kung mapagparaya ang puso kong mapagkumbaba.eeeeehhh charot nagdadrama lang. Hindi yan ang sinabi ko sa kanya.

" Pwede na ba akong umuwi?" tanong ko baka kasi hinahanap nako sa bahay.

"Sige hatid na kita, saan ba bahay niyo?" tanong niya habang naka smile. takte naman oh sino bang mga magulang nang lalaking ito at bakit nuknukan ito nang kagwapuhan.

ako namang si tangA hindi napigilan ang mapanganga at imbis na sabihin ko kung saan ako nakatira ay tinuro ko gamit ang kamay ko ang ewan ko kung kaninong bahay yun.

"Pepe kaba? mukhang hindi naman eh kasi narinig kita kaninang nagsalita, siguro shy type ka noh?"

ano daw?? ako??? shy type???kailan lang?.Eh sa bungangera nga akong klaseng babae eh. Pero ewan ko pag dating sa lalaking to natatabil ang dila ko hindi ako makapagsalita.

nakita kung kumuha sya nang susi. siguro sasakay kami sa kotse niya. sumunod ako sa kanya papunta sa labas nang clinic. Tapos kinalas niya ang kandado nang isang naka paradang bike sabay sabing....

"Angkas na!"

"Dyan??" tinuro ko ang bisekleta.

"Oo. may nakikita kapa bang iba?"

Wala na nga akong nakitang iba kaya sumakay nako. Habang naka angkas ako sa kanya ay syempre sinasamantala ko na ang pagkakataon, sabi nga nila "hold thy abs" eto ang motto ng mga babaeng katulad kong manyakin. hehehe.

"Saan ba dito bahay nyo?" tanong nya.

"Actually sa pinaka dulo kami sa zone 4."

"Zone 4?? mga Ynchausti ang naka tira dun diba? Sila yung may ari nang buong village na to at nakalaan ang buong zone 4 para lang sa bahay nila. Natatandaan ko wala ngang nakakapasok dun at maraming guardia ganun ba talaga kalaki yung bahay? hindi pako nakapasok dun eh."

"Ah hindi naman masyado". nahihiya kong sagot. Malaki yung sakop nang bahay dahil may dadaanan kapa munang hardin at mula sa gate nang bahay ay kailangan mo pang sumakay nang sasakyan. Pwera nalang kung hindi ka tinatamad mag lakad. Ganun kalapad ang nasasakupan ng bahay namin imaginin nyo nalang.

"Uhm, kaano ano kaba nila? Alam mo kilala ko yung kaisa isang anak ni Mr. Rodrigo. Sa iisang skul lang kami noon pumapasok, crush ko nga sya noon eh, pero secret lang natin yan ah wag mo kong isusumbong. Suplada yun eh." Sabi pa niya.

Teka sinong anak?? ako ba tinutukoy niya? malamang ako lang naman ang nag iisang anak nang papa and as far as i know wala akong kapatid.

"Alam mo siya ang dahilan kung bakit ako naging doctor. Tinangka ko kasing gamutin yung sugat niya noon, abat ako pa yung pinagalitan di raw ako doctor hindi ko daw sya magagamot. Simula nang araw na yun nag promise ako na magiging magaling na doctor ako tapos babalikan ko uli sya at sasabihin ko sa kanyang kaya ko na syang gamutin. Kaya lang nung umuwi ako rito wala na sya. Hindi na raw sya nakatira sa kanila. Sayang nga eh."

Sino sya?? ako ginamot niya? kailan?? saan?? bat wala akong matandaan. Sinubukan kong balikan ang nakaraan ko.

FLASHBACK

"Nica dumudugo yung sugat mo."

Hindi ko pinansin ang nagsalita patuloy lang ako sa pag iyak. Ngayon ang araw na inilibing si Mama. Hindi ako umuwi sa amin lalo na nung nalaman ko mula sa yaya ko na may inuwi si Papa na babae sa bahay, Sauset daw ang pangalan. Masakit ang loob ko dahil wala na si Mama pero mas masakit ang loob ko kay Papa. Paano nya nagawang palitan ang mama nang ganun ganun lang, kalilibing lang nang mama sana pinalipas man lang nila nang ilang buwan bago sila nagsama.

Nagulat ako nang biglang may humawak sa paa kong may sugat.

"Kailangan mong magpa hospital Nica ang lalim nang sugat mo." natatarantang sabi nang lalaki. Binawi ko naman ang paa ko mula sa pag kaka hawak niya.

"Pwede ba hindi kita kilala so please LEAVE ME ALONE!!" tinulak ko ang lalaki.

Imbes na lumayo ay hinubad niya ang damit niya tyaka pinunit kinuha niya ang paa kong may sugat at tinalian yun.

"Ayan, pansamantalang matitigil niyan ang pagdurugo." Sabi nang lalaki sabay ngiti.

"Tumigil ka nga! Hindi ka doctor para sabihin yan, lubayan mo ko dahil kahit anong gawin mo hinding hindi mo ako magagamot!!"

Iniwan ko ang lalaki dun sa park, paika-ika akong naglakad. Nag iisip. Tama ang sinabi ko walang sino man ang makakagamot sa akin. Dahil hindi ko kailangan ng Doctor ang kailangan ko ay si Mama. siya lang ang makakagamot sa sugat ko. Sugat sa puso ito ang karamdamang kailan man ay walang lunas.

END OF FLASHBACK

"Oi ok kalang? bat di kana nagsasalita dyan??" hininto nya ang bisekleta at tumingin sa akin. sinalubong ko naman ang mga mata niya at dun ko na confirm sya nga yung lalaki.

"So its you. Ikaw pala yung payatot na yun. Pasensya kana tinarayan kita, masama kasi loob ko nun."

"Ha?? what do you mean?? kung ang tinutukoy mo ay yung tinarayan mo ako nang na bangga kita kanina, ok lang yun kasalanan ko naman eh."

Ano ba tong lalaking to ang hina pumick up! Hindi man lang na gets ang ibig kong sabihin.

"Ako si Nica!" tiningnan ko ang reaction niya mula sa pagkaka intsik ang mata niyay biglang bumilog,pero bigla rin namang bumalik sa dati. Nagulat pa ako nang tumawa ito nang napaka lakas

"Joker kaba? nakakatawa naman yang joke mo, pero inaamin ko medyo napaniwala mo ako dun ah, may pagka pareho kasi yung  features nyo siguro mag pinsan kayo no?"

"Ako nga sabi si Nica! bat ba ayaw mong maniwala?"

"Panung magiging ikaw yun e ang taba taba nun tapos ang sungit sungit."

Ouch sakit naman nun.. mabait naman ako ah. Pag tulog nga lang. hehe. Pero kahit sabihan akong mataba hindi na ako affected ngayon dahil ang sexy sexy ko na kaya at mukha na akong dyosa nang kagubatan, este kagandahan pala.

"Ikaw lang ang kilala kong may crush sa tao pero iniinsulto mo!" bumaba ako sa bisekleta niya. Nakakainis naman kasi ayaw pang maniwala. Kung hindi lang to gwapo eh baka nag walk out nako. Maya maya pay may humintong van sa harap ko.

"Maam Nica bat po kayo naglalakad dito sa labas madilim na poh. Kanina pa po kayo hinahanap ni Sir Maru.' sabi ni Mang Carding driver namin.

Oh himala? bat ako hinahanap nang mokong na yun? siguro na miss ako. haha lumalabas na naman ang sintomas nang pagiging ambisyosa ko. Pagkarinig ko nang pangalang Maru ay na excite akong umuwi, nakalimutan kong nandito pa pala si Dr  quack quack este Aron pala.

"Sandali, ibig sabihin si Nica ka talaga pwera biro??. tanong nya habang nakahawak sa braso ko.

"Oo nga. Ang kulit mo naman eh. Sige mauna nako bye." dirediretso ako papuntang van nang mag salita sya ulit.

"Matagal kitang hinintay Nica its almost 10 years. Yung sinabi kong crush kita totoo yun. kahit pa nung mataba kapa. oh baka ma offend ka nanaman ha? what im trying to say is that, gusto kita kahit sino kapa o kahit ano pa ang itsura mo. Walang nagbago sa feelings ko sayo. Until next time Nica mag ingat ka pauwi." yun lang ang sinabi nya tyaka sumakay ulit sa bisekleta nya at nag drive palayo.

Naiwan naman akong naka nganga. Umamin ba naman sayo ang isang Oh so yummy mr hunk na gusto ka niya hindi kaba niyan mapapa nganga?? Ang swerte swerte ko naman may gusto sa akin si crush. At talagang crush ko na talaga siya to the highest level, hindi ko mapigilang mapangiti yan tuloy nahalata ako nang unggoy. Wag na kayong mag taka, sino pa ba ang makulit na matsing sa buhay ko? walang iba kundi si Maru.

"Im glad I made that Accident."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon