the untold stories

29 0 1
                                    

Chapter  6

Chau’s POV

Wala nang nagawa pa si Maru, sumama na sya sa akin. Kailangan lang naman naming kumbinsihin si Papa na totoo ang relasyon namin at wag kami tumira dun dahil kapag nagkataong hindi siya pumayag, lagot ako! Mabibisto talaga kami nitong chonggong to, hindi pa naman kami good vibes.

“Eto na ba bahay nyo?? Wow ang ganda naman at ang laki. Sing laki nang bahay naming sa Korea.” Binaba ni Maru ang bintana habang papasok kami sa Mansion nang mga Ynchausti.

“May nagtanong?? Epal kadin eh noh??”  huminto na ang sasakyan at pinagbuksan ako nang driver nang pinto. Kasi naman ang peke kong asawa abala sa paglilibot nang mga mata niya.

Pagbukas nang main entrance nang bahay agad kong nakita si Papa. Napatakip ako sa bibig ko. Hindi ko akalaing ganito kalala ang nangyari kay Papa, akala ko mild stroke lang siya. Hindi ko nakita si papa nang dumating ako sa hospital dahil bukod sa ako ang pinaka huling nakaalam na na stroke siya ay nilabas na siya nang bruhang si Sauset bago paman ako makarating.

“AAaaaakknnnaakkk… haaaaLLiirr kaakk riitto.” Hirap na hirap na sabi nang Papa. Naluluha ako, napaka tanga ko naman hindi ko man lang siya nagawang bisitahin dito.

“Papa.. im sorry!!” At yun na nga napayakap na ako kay papa at napaiyak. Ang sama ko namang anak.

“Ssshhhhhh.. ok lang paapaar. Shhhssiya baa aasssaawaa mo??” tanong nang  Papa.

“Opo Papa siya po si Maru.” Saka naman lumapit si Maru kay papa at kinuha ang mga kamay niya.

“Maru Kang po Sir.” Wow ha, ang galang nang mokong ngayon ah. Hindi man lang nagawang mag biro.

“Aanng gggalling naaman nanng aaannaakkr kko anng gwapoo nanng aaassaaawa mmo.” Natawa kaming pareho ni Maru sa sinabi nang Papa.

“Hindi naman po Tito.” Sagot naman ni Maru habang nakangisi parin. Feel na feel nyang tinawag siyang gwapo nang Papa.

“Wa—aag na Tiiito, Paaapaa na. tuuutall dddiitttto nna maan kayo titiraa.” Bigla naman akong naalerto sa sinabi ni Papa nakalimutan ko ang tunay na pakay namin kaya kami nandito. Nang tingnan ko si Maru halatang namumutla na siya.

“Ah Papa kasi--- ah  eh.. hindi po kami pwedeng tumira dito. May trabaho pa po si Maru at tyaka ako rin po, makaka abala lang kami dito. Mas mabuti po kung sa bahay nalang kami.

“PLLllleeeeaaasssee aaannaaak, kaahhit iiisaang buuwan laaang gguussto kitta maakaaassasama. Gusstoo koo maakabawi sa pagkukuullang koo.”  Naawa ako kay papa.

“Papa kung gusto mo ako nalang may trabaho po si Maru. Hindi po siya pwede rito.” Pagpupumilit ko dahil hindi naman talaga pwede dito si Maru. May sariling buhay yung tao.

Pagkasabi ko nun ay bigla nalang nangisay si Papa at biglang nag seizure. Hindi namin alam ang gagawin nagsi datingan naman ang mga katulong at maya maya pa ang personal doctor nang Papa. Halos isang oras din kaming naghintay sa labas nang kwarto ni Papa, saka namang pagbukas nang pinto at iniluwa ang doctor.

“Ija, you’re the daughter right?? Ayaw sana tong ipasabi nang Papa mo pero I think you have the right to know. Isang buwan nalang ang itatagal nang Papa mo maliban sa na stroke siya ay meron siyang brain tumor. Wag nyo sana siya masyadong e stress. Baka hindi niya kayanin ang susunod niyang atake.”

Yun lang ang sinabi nang doctor halos mawalan naman ako nang malay sa narinig ko. Bakit hindi sinabi ni Papa sa akin ang lahat? bakit niya tinago sakin ang totoo. Ang sakit palang malaman  na ang tanging taong natitira sayo ay malapit nang mawala.

“ Nasaan si Roberto??”. Tiningnan ko lang si Tita Sauset habang niyuyugyug niya ang balikat ko.

“ Pag may nangyaring masama sa Papa mo, humanda ka sa akin Nica!”

“Diba yun naman ang gusto mo? Ang mawala si Papa. Para makuha mo na lahat nang kayaman namin. Pwes malapit ka nang magtagumpay. Malapit kanang lumigaya!” isang malakas na sampal mula kay Tita Sauset ang inabot ko.

“Wag mo akong itulad sa iba Nica. Don’t you ever judge me! Bakit nasaan kaba nang nagkasakit ang Papa mo ha? Nasaan ka nang mga oras na kailangan ka niya? Nang mga oras na nagluluksa siya sa pagkamatay nang Mama mo, na alam na alam mong ikaw ang dahilan? Wala ka Nica! Wala ka!” galit na galit na turan ni Tita Sauset.

“Tandaan mo to, kung meron man satin dito ang walang pakialam sa Papa mo, Ikaw yun at hindi ako! Hinahawakan ni Tita Sauset ang braso ko at halos mamaga  nayun sa higpit nang pagkakahawak niya.

“Stop it! Don’t you ever lay your hands on my wife!” nagulat ako nang biglang tanggalin ni Maru ang kamay ni Tita Sauset at akayin ako papunta sa kanya.

“Ayo kong makisali sa away pamilya niyo, pero wag na wag mo na ulit pagbubuhatan nang kamay ang asawa ko kahit lamok nga hindi ko pinapadapo diyan. Isang iyak pa ang marinig ko sa kanya nang dahil sayo, mawalang galang na pero baka hindi ako makapag pigil at maglanding ang kamao ko sa mukha mo!”

Yun lang ang sinabi ni Maru at hinila ako palayo sa labas dun sa may garden nang mansion. Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko akalaing gagawin niya yun para sa akin.

“Wag kang pumayag na ganunin ka nang stepmom mo. Papa mo nga hindi ka sinumbatan nang ganun eh, wala siyang karapatang sabihin sayo yun.” Bigla niya nalang ako hinila at niyakap. “Sige iyak kapa, ilabas mo lang yan, para wala nang matira.”

Hindi ko alam pero bigla nalang rin akong napayakap sa kanya at umiyak nang todo todo. Hindi ko pa nagagawa ang ganito ang umiyak sa harap nang isang taong kahapon ko lang nakilala. Ang gaan gaan nang loob ko sa kanya I feel safe in his arms kaya hindi ako bumitaw kahit ngayon lang kahit ilang minuto lang, maramdaman ko namang there still someone who cares for me.

“Payag na akong dito tayo tumira. Isang buwan lang naman diba? Pagbigyan na natin ang Papa mo. Isa pa ang gaan nang loob ko sa kanya and I want him to be happy kahit for the last days of his life nalang.”

Lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko at naiiyak. May good side din pala tong si Maru akala ko puro pamimilosopo lang ng alam niya. Wala na akong iba pang nasabi sa kanya kundi….

“Thank you.”

Masaya ako, Masaya akong sa kabila nang paghihinagpis ko ay meron akong nakilalang taong makakarmay ko. Hindi niya man alam ang buong estorya nang buhay ko, hindi niya man ako lubos na kilala pero he believes in me. And he doesn’t judge me

Ramdam na ramdam ko ang concern niya, kahit pa alam kong nagpapanggap lang kami kahit pa hindi to totoo, im glad I did that accident. Dahil dun nakilala ko si Maru Kang.. Sino nga ba talaga si Maru Kang? At anong papel niya sa buhay ko.

****

Thanks for reading.. hehehe hanggang dito lang muna di ko pa alam kasi kung magugustuhan niyo to pero sana magustuhan niyo. Comment po kayo kung gusto niyo ha? At tyaka mag suggest din po kayo para mapaganda tong story thank u po.!! Mwaaahh..

Love lots.. author!!

"Im glad I made that Accident."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon