Buntis?? Ako??

80 0 0
                                    

Chapter 9

Chau's POV

Tuloy tuloy ako sa pagpasok sa mansion habang ngingiti ngiti. Nakita ko si Maru kinakausap si Papa. Lumapit ako sa kanila para halikan si Papa sa pisngi.

"Magandang gabi Papa." sabay halik.

"Si Papa lang ba ang may kiss?? Panu naman ako wifey?" naka pout pang sabi nang unggoy na si Maru.

"Kiss??? Ayan oh dingding e KIS-KIS mu yang mukha mo dyan."

"Sungit naman ng asawa ko, lagi naman nating ginagawa yan ah lalong lalo na pag nasa kwarto tay-- . Awww aray!!"

Hiyaw ni Maru tinapakan ko kasi ang paa niya. Panu ba naman kasi kung ano ano ang sinasabi, napaka manyak gusto lang maka score eh.

"Papa oh, si wifey nang aapak." abat talagang ako pa ang sinumbong niya kay papa ah feeling tunay na anak.

"Ang sweet sweet nyo naman. Parang tayo diba Roberto? haha I remember the old times." Biglang sulpot ni Tita Sauset sa usapan.

Bigla namang nag change ang mood ko, dumating na kasi ang bruha. Nakaka inis ang happy happy ko pa naman sana. huhu.

"Maam Nica nasa labas po yung lalaking kausap nyo kanina sa village. Sa tingin ko may crush po sa inyo yun" sabi pa ni mang Carding sanhi para mamula ako. Blush blush din pag may time.

"Sinong lalaki? ang malas naman niya at nag ka crush siya ky Nica. tsk!" biglang sabi ni Tita Sauset

"Abat anong akala mo sakin?? ikaw?? walang nagkaka gusto kaya nang aagaw nalang!" pabalang kung sagot. Tyaka umalis na para salubungin ang bisita.

Halos umusok na naman ang ilong ni Tita. Bagay lang yun sa kanya no, napaka pakialamera kasi.

Pag labas koy agad kong nakita si Aron na nakangiti. shoot!! sa isang ngiti lang na alis ang lahat ng sama nang loob ko, napalitan nang kilig. eeehh sagad sa buto, eh kasi naman ang gwapo.

"Hi." sabi pa nito.

"Naligaw ka ata? anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya halos mamula na ko sa kakapigil ng sarili ko gusto ko nang tumili.

"Kung ikaw ang laging makikita ko sa tuwing maliligaw ako mas gugustuhin kong araw araw nalang akong maligaw." syete ang ganda nang speech makalaglag panga. Hindi ko na talaga mapigilan mga te! Ang haba nang hair ko kahit hindi ako naka rejoice.

"Ehem!! Sino ka?" Sabay kaming napatingin sa likod ang asungot na Maru lang naman pala ang nag tanong.

"Ai magandang gabi po, kayo hu ba kuya ni Nica? Dumadalaw lang po sa kapatid nyo sir."

Bigla naman umusok ang ilong ni Maru sa galit. Mapagkamalan ba naman siyang kuya ko.

"Anong kuya kuya ang sinasabi mo! Tingnan mo nga, mas mukha kapa ngang matanda sakin maka po ka parang ako ang ama nang dinalaw mo ah!"

"Ai sorry po, i mean sorry brad."

"Anong sorry brad? hindi ako si brad. Tingin mo sakin si Brad Pit? mas gwapo ako dun ulol. Tyaka wag kang didikit dito sa asawa ko kung ayaw mong maligaw ang landas mo!" sabay pihit sa akin palapit sa kanya. Napaka possessive naman nitong si Maru, maka react parang tunay na asawa lang ang peg.

"Asawa mo sya?? may asawa kana??" gulat na tanong ni Aron.

"Oo at magkaka anak na kami, buntis na nga sya eh, diba wifey?"

"WHAT???" halos mag chorus kaming tatlo ni Aron at Tita Sauset na hindi ko namalayang nakasunod lang pala sa amin.

"Mabuti.... na--man magkak--apo na ko." tuwang tuwang sabi ni Papa.

"Papa nagkaka mali po kayo hindi po ako buntis, ito talagang si Maru mahilig mag joke, diba hon joke mo lang yun?" pinandilatan ko sya. Ang mokong na to, talagang ipapahamak nya kami.

"Hindi po papa. Sa tingin ko buntis na si wifey kasi nagsuka sya nung nakaraan." Anong nag suka?? nauntog ba ang ulo nang lalaking ito, o talang trip lang nyang asarin ako

"Ai naku ano bang pinagsasabi mo Maru. masakit ang tyan ko nun may kabag ako nun eh. hehe." isang pilit na ngiti ang ginawa ko nininerbyos ako sa lalaking ito humanda sya sakin mamaya.

"Eh bakit hindi pa dumadating ang regla mo? mahigit isang bwan na." naka smirk na sabi pa nang unggoy. Na eenjoy nya ang sitwasyon hindi ba nya alam kung anong gulo ang maaring mangyari dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Delayed ako kasi irreg..." Di paman ako natatapos bigla nang sumagot si Tita.

"Kailangan mong mag pa check up Nica. Bukas na bukas din ay mag pa OB ka."

"Hala? sino ka para sabihan ako ng gagawin ko? wag ka ngang pa papel, if i know kumukulo na ngayon ang dugo mo dahil alam mong pag nagkataong buntis ako mababawasan na naman ang kayamanang makukuha mo sa  pamilya ko."

"Ofcourse not! masaya nga ako. hehe. Dahil may bago na naman akong aalilain." pabulong pero narinig ko ang sinabi ni Sauset.

"Anong sabi mo?"

"Wala sabi ko masaya nga yun the more the merrier."

"I think  i should not be here. By the way you forgot your phone in the clinic." Sabay abot nang cp ko. Nagpa alam si Aron kay papa at umalis na. Ni hindi mn lang tumingin sa akin.

"Yan tama nga yan. Umalis kana at wag kanang babalik." Sigaw ni Maru sa papalayo nang si Aron. Binigyan ko sya nang isang matalim na tingin. At nagdabog paakyat sa kwarto.

"Ano? wala naman akong ginawa ah!" pa inosenteng effect na sabi ni Maru.

"Che!" nakakainis umuwi na tuloy ang prince charming ko. Walang hiya ka Maru napagkamalan pa tuloy akong buntis. Grrrr humanda ka sakin mokong ka!

"Im glad I made that Accident."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon