Im so excited and I just cant hide it.

12 0 0
                                    

Chau's POV

Nang makapasok kami sa kwarto ay agad akong ibinaba ni Maru.

"Hay ang bigat mo. Grabe! San mo ba tinatago yang taba mo at mukhang di halata?"

"Kainis ka! Ang sexy ko kaya." sabi ko habang naka cross arms pa.

"In your dreams!"

Aba talagang nang iinis ang koreanong to ah. Magaan na kaya ako 45 kilos hindi na katulad noon 99 isang kilo nalang pwede nakong ibenta sa palengke.

Nakita kong hinuhubad ni Maru ang damit nya Oh my gas na may butas ang ganda nang katawan nya grabeeee!!! ang sarap tingnan parang gusto kong pisil pisilin. yum yum yum.

"Ka babae mong tao ang manyak manyak mo." sabi pa ni Maru habang naka ngiting nakatitig sa akin.

"Oi hindi ako manyak ha." Sabay talikod sa kanya. Umupo ako kama at pasimpleng sinulyapan sya at laking gulat ko nang hubarin nya ang pantalon nya. Napatakip ako sa mata.

"Hoi ano yang ginagawa mo? baliw kaba?"

"Naghuhubad obvious ba?" pilosopong sagot nang mokong.

"Alam ko nag huhubad ka pero bat dito ka naghuhubad sa harap ko lumayas ka nga nakaka dire eeewww."

"Kunwari kapang ayaw mo eh pero sa loob kinikilig na yan."

"Yuck asa kapa. Lumayo ka sa harap ko kung hindi itatapon ko tong lampshade sa pagmumukha mo!"

Akmang kukunin ko ang lampshade nang kumaripas nang takbo papuntang banyo si Maru pero hindi niya agad yun isinara sumilip sya ulit at may pahabol pa.

"Ang arte mo nakita mo na to noon ng mag tabi tayo sa kwarto mo, yung nalasing tayo. Wala rin akong damit nun."

Bigla kong naala yung eksenang yun at namula ako tatawa tawa naman ang gago nainis ako kaya kinuha ko ang unan at ibinato sa kay Maru pero agad niya ring naisara ang pinto.

Nakakainis. Humanda sya sa akin akala niya ba sya lang ang may kakayahang tuksuhin ako pwes nagkakamali sya. Tingnan lang natin kung hindi tumulo ang laway nya.

Pagkatapos ng sampung minuto ay lumabas na si Maru sa banyo. Ito na ang pagkakataon ko. Operation Plan to Seduce Maru Kang begins.

"Ang tagal mo! Para kang babae ah." sabi ko sabay tayo sa kama ako naman ang maliligo. Unfair naman kasi kung sya lang diba?

"Ganun talaga pag gwapo, panget ka kasi kaya hindi mo maiintindihan yun."

"Che! feeler ka! unggoy!" nakakainis pabagsak kong isinara ang pintuan ng banyo. Humanda sya sakin mamaya paglabas ko siguradong bukas na bukas din sasambahin ako nang unggoy na yun.

Maingat kong nilinis ang sarili ko at bago ako lumabas nang banyo ay sinigurado ko munang mabangong mabango ako, nabasa ko kasi sa isang libro na mas naaakit daw ang mga lalaki kung mabango ang babae. Parang ako yung bulaklak at si maru ang paru paru. hahahaha. Ano ba yan parang baliw na ako.

Pinihit ko ang door knob. Alam ko na ang dance step na gagawin ko kanina ko pa yun inuulit ulit sa isipan ko habang naliligo. Napanood ko yun sa movie na Dirty Dancing noon inaaakit ng babaeng bida ang mga lalaki sa pamamagitan ng pagasayaw.

Sayaw ako ng sayaw habang naka pikit. Dinadama ang bawat dance step na ginagawa ko. Nag lower lower ako hanggang sa ma abot ko na ang sahig, sabay gapang papunta sa kama dahan dahan akong napa angat and then ....

Tada!!! Ang magaling kong asawa ayun tulog na pala. Aish! Ano ba naman kasi pumasok sa utak ko at may pa sayaw sayaw pako. Baliw na ba ako? Bat ako pa yung lumalapit sa unggoy na to? Na iinlove na kaya ako sa kanya? No way! Erase! Erase! Erase! Hindi pwede. Ikakasal sya sa iba at ginagawa ko to para sa mana.

Magbibihis na sana ako ng may mahagip ang paningin kong naka tayo malapit sa pintuan ng kwarto nmin ni Maru. Namilog ang mata ko.

"Sh*t! Papa bat ka nandyan? Kanina ka pa ba?" Bwesit nakakahiya baka nakita ni papa yung ginawa ko. Sheyyte end of the world na!!!

"Oo anak kanina pa, ang galing mo palang sumayaw ppffffttt!!!" Pagpipigil ng papa sa pagtawa nya. "Para kang bangkay na sinemento, mabuti nalang tulog na yung asawa mo kun hindi baka nag iimpake na yan ngayon dahil sa pinanggagawa mo. Hahaha"

"Papa naman eh!" Hinagis ko sa kanya ang unan sa kama na nasalo naman nya agad. "Bat po ba kayo nandito". Hindi ko matingnan ng diretso si papa dahil hiyang hiya ako.

"Wala lang anak, gusto ko lang sabihin sayo na aalis tayo bukas pupunta tayong Surigao dahil may papakilala ako sayong mga relatives natin. Matagal kana nila gustong ma meet."

"Ok po Pa. Well be there for ilang weeks bah? Para alam ni Maru kung kailan tayo babalik".

"Two weeks, at kasama natin ang asawa mo."

"What??? " May trabaho yan." Hindi ko pwedeng dalhin dun si Maru dahil alam kong may fiancee sya dito at alam kong magtataka yung girlfriend nya pag umalis sya nang wala man lang dahilan. At kailan pako naging concern sa girlfriend ng mokong na to? Psshh, siguro kinokonsensya lang ako kaya na iisip ko yun.

"Maru said yes anak, actually ikaw nalang ang di nakaka alam. Pati si Tita Sauset mo alam na yun."

"Ano kasama si bruhilda?? Este Sauset?? Ayo ko mag rarambol lang kami dun. Dito nalang ako." Padabog akong naupo sa malapit na sofa sa kwarto

"Ah sige, ayaw mong sumama? Ipapakita ko nalang tong video mo nag lo-lower lower sa asawa mo bukas, o di kaya e upload ko nalang to sa youtube sigurado trending to.." Tatawa tawa pang sani ni papa habang hawak yong phone nya.

"Papaaaaa!!!!" Akma akong pupunta sa kanya ng isara nya bigla ang pinto sabay sabing...

"Goodnight anak! See you tomorrow hahaha."

Nang lumabas ako ng kwarto ay tuluyan ng nakababa si Papa kaya hindi ko na sya hinabol. Hay! Nako, may sakit ba talaga yun? Bat ang bilis nyang naka baba ng hagdan? Tsk!

Lumabas ako sa veranda ng kwarto at tyaka nag isip. I know this will be a tough hell week lalo nat kasama namin si Sauset sa mga susunod na araw, pero bahala na. 2 weeks nalang naman pagkatapos ng bakasyon namin sa Surigao ay matatapos na rin tong pagpapanggap namin babalik na kami sa dati. Ang tanging hindi ko lang maibabalik ay ang buhay ni Papa na malapit na rin mawala. Bakit ba ang unfair ng buhay, bakit isa isang nawawala mga mahal ko una si Mama tapos si Uram(yong boyfriend nyang iniwan sya remember nyo pa ba?) tapos ngayon naman may taning na ang buhay ni Papa, bakit ganun?

Napa yakap nalang ako sa tuhod ko at marahang umiyak. Umiyak ng umiyak hanggang sa wala na akong maalala.

Author: Hey guys!! Im so sorry kun hindi ako nakapag update for almost 2 years na.. I deleted kasi my wattpad app on my phone since 4th year ako nun at tyaka ang dami2 kong iniisip, thesis projects and all and then after that I took my pharmacist licensure exam pa. Ang hirap guys promise!! But then luckily I passed yehey!! Kaya ngayon balik wattpad na.. Im sorry sa mga nabitin ko tyaka natuwa naman ako kasi kahut isa lang may nag comment din may na appreciate.. Yehey thank u poh. At sa stars thank u rin.. Sana poh kun sino man nag babasa nito mapaligaya ko po kayo.. Feedback pls kung buhay pa ba mga nagbabasa nito para maganahan naman akong mag sulat thanks again love lots 😍😍😍😘

"Im glad I made that Accident."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon