Chapter 1: Protect her by not protecting her

0 0 0
                                    



Jae's POV

Nandito ako sa school namin. Marami akong mga kaibigan. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang itago ni daddy si Vee. Walang nakakaalam na kapatid ko si Vee at walang nakakaalam na anak siya ni daddy. Alam ng lahat ng estudyante na si daddy ang owner ng school na toh kaya halos lahat ng estudyante ay rumespeto sa akin. Nandito kami sa cafeteria ng mga barkada ko at nakita kong nag iisa lang ang kapatid kong si Vee.

Loner si Vee. Meron naman siyang best friend na babae pero dalawa lang. Yung isa absent at yung isa naman ay lumipat sa ibang bansa. Walang nakakaalam sa totoong apilyedo niya dahil si daddy mismo ang nag cover nun. Ang may alam lang ay yung principal pati na rin yung mga teachers.

Yes. She has friends. Pero hanggang smile at nod lang. Iba naman kasi ang friends kesa sa best friends. Saka wala siyang mga barkada. Ako merong mga barkada, merong best friends, merong close friends at merong friends.


May isang childhood best friend si Vee. At si Darrel lang yun. Alam kong mahal nila ang isa't isa. Pero hindi pwede. Kasi may isang lalaki nang nakatakdang pakakasalan si Vee. May mga bullies si Vee. Kaya naaawa ako sa kanya.

She did exactly what dad asked her to do. She stayed away from me kasi yun ang utos ni dad. Baka kasi mahalata raw. Kahit sa pagtingin lang, hindi pwede. Dumating na dito sa cafeteria ang mga feeling donya. Mga bullies yan. At isa si Vee sa mga biktima nila.

"Hey, bitch!" Narinig kong bati ni Alyana kay Vee at hinampas niya ang ulo ni Vee kaya nalagay sa plato ang mukha ni Vee. Galit na galit ako pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Umalis ka nga dyan! Place namin yan!" Sigaw naman ni Akira

Nagsimula na ang chismisan. Nagsimula nang tumayo si Vee upang lumayo pero nakita kong hinarangan ni Rina ang kanyang paa kaya napatumba si Vee. Tinawanan si Vee ng ibang mga estudyante.

Biglang dumating si Darrel at tinulungan si Vee para makatayo.

"Awww, ang sweet naman." Saka nag evil laugh pa si Alyana

"Tama na Alyana! Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo?" Tanong ni Darrel

"Bakit naman ako mahihiya?" Tanong ni Alyana

"Aside sa katotohanan, nagmumukha ka pang clown. Dapat nga ikaw ang binubully eh." Sabi ni Darrel kaya napatawa naman kaming lahat

"Sino naman siya para respetuhin ko ha?" Tanong ni Alyana

"You don't need to know. Pero tao lang tayo. We're all equal. Kahit anong status ng mga pamilya natin, dapat tayong rumespeto sa isa't isa." Sabi pa ni Darrel

"Ha! Akala mo kung sino siyang anak? Anak siya ng presidente? Anak ng owner ng school? Ano?!" Sigaw niya

Tumayo na ako kalmado akong lumapit sa kanila at inihagis ko sa kanilang mga mukha ang kanilang mga pagkain. At ngumiti na parang sinasapian.

"J-Jae?" Tanong ni Alyana

"Paano kung sasabihin kong kapatid ko siya? Will you stop bullying her?" Kalmadong sabi ko pero intense ako makapag bitaw ng salita

Hindi sila nagsasalita

"At sino ka para makapag salita ng ganyan kay Valerie?" Galit kong tanong kay Alyana

Tinignan ko si Rina at hinila yung uniform niya palapit sa akin "Subukan mong ulitin yun, ikaw ang papatayin ko." Kalmado kong sabi at itinapon ko siya sa sahig

Bumalik ako kay Alyana at Akira

"Anak ba kayo ng presidente? Anak ba kayo ng hari at reyna? Anak ba kayo ng may ari ng school na toh? Anong sinabi niyong place niyo? Kayo ba ang nagpapagawa sa cafeteria na toh?!" Sigaw ko sa kanila

"Boo!" Ayan na, tinatawanan na nila sina Alyana, Akari at Rina

"Kung gusto niyong mananatili pa ang scholarship niyo, matuto kayong lumugar. Swerte kayo at gold medalist kayo sa sports nyo. Kung hindi, hindi kayo mapunta sa school na toh. Tandaan niyo yan." Pagkatapos kong sinabi yun, narinig ko ang mga chismisan ng mga tao

"Scholar lang pala. Akala ko mayaman.."

"Scholar lang dahil sa sports. Kung grades lang ang binabase, hindi rin yan makarating dito."

"Kung makaasta parang mayaman at matalino."

"Feeling magaganda pa."


Marami pa ang mga narinig ko pero I won't mind them. Hinila ko si Vee pati na rin si Darrel. Pero before kami makalabas ng cafeteria, lumingon ako sa tatlong inggetera.

"Go to the principal's office right away!" Sigaw ko

Dinala ko sina Darrel at Vee sa secret place ko.

"Okay ka lang ba, Vee?" Tanong ko sa kanya at sa laking gulat ko, she shoved my hand away from her

"Hindi mo nalang sana yun ginawa." Cold niyang sabi

"Anong gusto mo? Hahayaan nalang kitang masaktan?" Tanong ko

"Dahil sa ginawa mo, ako na naman ang mapapahamak!" Sigaw ni Vee at tumakbo

"Protect her by not protecting her." Sabi ni Darrel

"Huh?"

"Gusto mo siyang protektahan, diba? Wag mo siyang pakealaman kung ayaw mo siyang masaktan. Ako nalang ang bahala sa kapatid mo." Sabi ni Darrel

"Bakit? Ano bang mangyari sa kanya kung protektahan ko siya?" Tanong ko

"Masasaktan siya sa mga ginagawa mo." Sabi ni Darrel at nag walk out

Bakit naman siya masasaktan kung protektahan ko siya?

The Angel And The Goddess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon