Chapter 2: No one understands

0 0 0
                                    



Jae's POV

Nakarating na ako sa bahay. May narinig ako sa office ni daddy na may sumigaw at umiiyak. Boses yun ni Vee.

"Alam mo kung bakit hindi kita ipapakilala sa mga tao bilang anak ko? Dahil anak ka lang sa labas!" Sigaw niya at alam kong paulit ulit niyang sinasaktan si Vee

Kaya binuksan ko ang pinto at nakita kong nakahiga si Vee sa sahig at may maraming mga bruise. Halatang halata na sinasaktan siya ni daddy sa hawak niyang bakal. Tinulungan kong tumayo si Vee but she shoved my arms at pinakita sa akin na kaya niyang tumayo kahit walang tumulong sa kanya.

"Ilang beses ko nang sinabi sa inyo na wag kayong mag uusap sa school!" Sigaw niya

"Bakit mo ba ikinahihiya si Vee?! Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit naging tao yan si Vee eh! Ikaw ang naglikha sa kanya." Galit kong sabi

Lumabas si Vee sa office ni dad.

"Hoy, manahimik ka. Kahit hindi kita totoong anak, ikaw ang susunod sa mga kayamanan ko. Dapat nga magpapasalamat ka kasi ikaw ang itinuring kong anak kesa sa totoo kong anak." Sabi niya

"Mas mabuti pa nga kung siya ang ituturing mong anak kesa sa ako ang ginagawa mong totoong anak." Sabi ko

Nag walk out ako at pumunta sa kwarto ni Vee.

"Vee! Mag usap naman tayo please." Pakiusap ko

"Wag mo akong kausapin!" Sigaw niya

Kaya pumunta nalang ako sa kwarto ko para magpapahinga. Hindi ko muna guluhin si Vee. Kailangan niyang magpapalusog. Kailangan rin niyang magpapalabas ng galit at lungkot sa kanyang kwarto.

Vic's POV

Sinundan ko si Troy dahil sa lalim ng gabi, nakita ko siya sa labas. Hindi pa ako umuwi sa aming bahay. Pero kaya nga ako nagtataka dahil nakita ko si Troy. Sinundan ko siya. Umabot pa talaga kami sa madilim na lugar at maikli lang ang space. Pero distansya pa rin ako sa kanya. May nakita akong mga lalaking nag sisigarilyo. Inakbayan pa siya. May nakita akong may ibinigay si Troy sa kanila at may ibinigay naman silang pera kay Troy.

Hinding hindi ako pwedeng magkakamali. Drugs yun. Dahil sa nakita ko, natataranta ako kaya may natumbang gamit na malapit lang sa akin. Napatingin silang lahat sa direksyon ko. Kaya napatakbo ako ng sobrang lakas.

Naramdaman kong may mga tumakbo para hulihin ako.

Troy's POV

Tumakbo sila at sinubukang kunin si Vic. Pero malakas tumakbo si Vic.

"Ako nalang ang bahala sa babaeng yun. Umuwi na kayo" Sabi ko sa kanila

"Siguraduhin mo." Sabi ng isang buyer ko

"Sisiguraduhin ko." Sabi ko at tumakbo. Naabutan ko siya dun sa malapit sa kalsada

Hinawakan ko siya "Let's talk." Sabi ko at pilit ko siyang hinawakan sa kanyang mga braso

"Let go of me! Wala na tayong dapat pag usapan, Troy! Nakita ko na!" Sigaw niya

"Ginawa ko yun dahil kay mommy!" Sigaw ko

"At si mommy pa ang ginawa mong dahilan gago ka?!" Sigaw niya at sinampal ako

"Hinding hindi mo ako maiintindihan." Sabi ko

"Talagang hindi kita naiintindihan! Binigay ni mommy sa'yo lahat! Pero kahit kailan, hindi ka marunong maawa!" She shoved me away from her kaya nakawala siya at pumara ng taxi


The Angel And The Goddess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon