5th Slash

197 16 10
                                    

Silver Blade

-----------

5th Slash

Whistler's POV:

"Darating na ang araw na iniiwasan nating lahat. Hindi dapat magkaroon ng katuparan ang balak ng Noah's Clan. Hindi dapat mabuhay ang La Magra."

Sinasabi ko na nga ba at dito rin hahantong ang pagtitipon ngayong gabi. Ngunit para sa ikabubuti at ikatatahimik ng buhay ko at ng sa apo ko ay dumalo ako rito, upang hindi ako mapaghinalaan. Ngayon pa't pitong taon ng nakalipas ng mawala ang Daywalker. Ang siyang itinakda sana na labanan ang napipintong pagsakop ng Noah's Clan sa mundo.

"Bilang Prime Minister ng Dark Order ako ang in-charge para sa iniwang responsibilidad ng Daywalker at ng mga magulang niya. Hindi tayo dapat umasa sa kanya. Kailangan nating tumayo sa sarili nating mga paa. Ngayon pa't isang dekada na ng maglaho ang ating ExorKing at ExorQueen."

"Hmmn. Hindi ba nararapat lamang na hanapin at panagutin ang ExorKing at Queen sa kasalanang kanilang ginawa? Dapat silang maparusahan!"

Sabat ni Frost. Isa sa mga pinakapakialamero sa 7 spirits. Palibhasa'y bata pa siya---

I mean, bata pa ang kanyang katawan. Nasa pagitan ng 20-25 years old siya ng maging bampira. At si Rodrigo ang creator niya. Lately nalang nalaman ng ginoo na capable siya maging kasapi ng 7 spirits dahil sa kapangyarihang naipasa ng Minister. 7 spirits ang tawag sa 7 highly vampire creatures in the world of blood suckers.

But actually, hindi kami yung tipong mga bampira na patay gutom sa dugo, kami yung mga bampira that can withstand the thirst for human blood. Kanya kanya ng diskarte yan mabuhay. Dugo ng hayop o kahit anong dugo, liban lang pag sa tao.

"Oo naman Mr. Prime, paano ang responsibilidad nilang iniwan? Hahayaan nalang na natin sila?"

Sumunod naman na sabat ni Blaze. Magka edad lamang yan sila ni Frost. Halos magkapalit na nga sila ng mukha ng dalawang lalakeng yan. At same age silang naging bampira at sa pagkaka alam ko isang ancient vampire ang creator naman nito ni Blaze.

Ang hindi ko maintindihan dito ay kung bakit malalakas na mga bampira ang dalawang yan, since convert lang sila o mula sila sa pagiging tao. Mayroon akong hindi alam dito.

BLAG!

Ibinagsak ni Rodrigo o ng Minister ang libro ng code of conduct sa mesa. Hugis oblong ang mesa kaya't iimpact talaga hanggang dulo ang lakas ni Rodrigo.

"Manahimik kayo! Hindi ba kayo marunong gumalang?! Mga dati natin silang pinuno, at wala kayong karapatang sumbatan sila!"

"Patawad po Mr. Prime."

Chorus na nagsorry ang dalawa.

Ngunit bulungan parin silang dalawa ng bulungan.

Out of place talaga ako kapag nagkakaroon ng meeting ang konseho. Dahil hindi ako sumasabat o ano, nakikinig lamang ako. Upang malaman ko ang susunod kong hakbang at. Mukhang ito na nga ang hinihintay ko.

Nagtaas ng kamay si Katerina. Ang nag iisang Nature Manipulator ng 7spirits. May katandaan na siya ngunit makikitaan mo ng kakaibang lakas ang kanyang nga bisig. Kapansin pansin din ang tatak na krus sa itaas ng kanyang palad.

"Minumungkahi ko po na ipasuri ang mga batang 7 taong gulang pababa. Hindi niyo po ba naaalala na may kakaibang tatak at palatandaan ang Daywalker?"

"Tama ka diyan Katerina. Sumasang ayon ako."

Eto na yung kinatatakutan ko. Ang paghahanap sa Daywalker.

Bumukas ng kusa ang mga ilaw sa bulwagan ng palasyo. At pumasok ang mga Nuntius. Ang mga mensahero ng Dark Order.

Isang daan lamang ang mga Nuntius. Bawat isa sa kanila ay hinihirang ng palasyo depende sa kapangyarihan nila. Sila ang mga descendants ni Hermes; ang diyos ng mga mensahero.

"Ipahayag niyo ngayon din sa bayan ng Solatrum na bukas ng gabi ay pinapatawag ang lahat ng mga bata na may edad pito pababa sa plaza. At walang sinuman ang excempted, maging ang konseho."

Sabay lingon samin ng prime minister.

"Ang pagpupulong na ito ay tinatapos ko na ngayundin. Malapit na mag-umaga. Vale Lamia."

Tumayo na kami sapagkat nagpa alam na ang Prime.

"Vale Minister."

Sabay sabay naming pagpapa alam.

Latin ang mother tounge ng mga bampira dahil doon unang umusbong ang mga sinaunang bampira na kung tawagin ay Ancient Vampire. Sila ang mga lahi ng bampira na pinaka makapangyarihan at kasama na ang Prime doon.

May kanya kanyang buhay ang 7 spirits sa labas ng palasyo. Ang iba'y lumalabas ng dimension at namumuhay na parang normal na tao sa labas. Samantalang ang iba nama'y nanirahan na ng tuluyan sa Solatrum; ang dimensyong ginawa para sa mga bampirang may mabuting layunin at ninanais ang kapayapaan ng mundo. Hindi lang naman tao ang may karapatang mamuhay ng normal diba?

Paglabas ko ng palasyo ay dumiretso ako agad sa bahay namin ni Taz. Mag aalas kwatro na ng umaga kaya't malamang maya maya lang ay gising na siya.

Pumasok ako ng bahay at dire diretso sa kwarto ni Taz. Kaya kong iwan si Taz tuwing gabi ng hindi nag iiwan ng bantay dahil sa isang permiso.

Lahat ng bampira ay affected ng permisong iyon. Hindi makakapasok ang sinuman sa bahay ko ng walang direktang permiso mula sa akin. Sinaunang sumpa pa iyon ng mga bampira ng ama naming si Zeus.

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit napakatagal ng nabubuhay ng mga diyos ng griyego?

Sapagkat mga bampira sila, at ang dugo na kanila lamang iniinom ay ang sa mga mag nanakaw at masasama.

Mahimbing na natutulog si Taz sa kanyang kama ng abutan ko siya aa kanyang kwarto. Nakayakap pa siya sa kanyang gitara.

Sa tingin ko'y tama lamang ang gagawin ko. Walang sinuman ang nakaka alam na may apong iniwan sakin ang mga dating hari't reyna ng Dark Order.

"Dormire Suaviter."

Isang sleeping spell iyon para lalong lumalim ang tulog niTaz.

Kailangan ko na palang magmadali! at mag uumaga na!

Dali dali akong lumabas at pumalakpak ng dalawang beses. Buhat buhat ko pa ang natutulog na si Taz.

Dagliang nagmanipesto sa harap ko ang dalawa kong alipin.

"Anong maipaglilingkod namin sa inyo MyLord?"

Sabay yukod sa akin.

"Dalhin niyo ako ngayon din sa kahit anong parte ng siyudad."

"Opo panginoon."

Humawak ako sa kamay nila at sabay sabay kaming naglaho nila Syril, Tricia at Taz sa kagubatan.

Ilang sandali pa'y nasa isang overpass na kami ng high way.

Sana maintindihan mo ang gagawin ko Taz. Para din ito sa iyong kapakanan.

Iniwan ko si Taz na nakahiga sa ilalim ng tulay. Nakayakap parin siya sa kanyang gitara. Sa tingin ko ay mas mabuting makipag sapalaran siya sa buhay kesa sa buhay naming mga bampira.

"Paalam Taz. Mahal na mahal kita."

"Memoriam Amiserit."

Binura ko ang ala ala ni Taz, sa tingin ko ay mas ikabubuti niya ito.

Paalam Taz...

Umalis na kami at iniwan si Taz na nakahiga sa ilalim ng tulay.

-----------

Silver Blade

By: TheDaywalker ©2014

Silver BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon