Exorcists' History

106 5 3
                                    

Silver Blade

-----------

Exorcists' History

A/N: Dahil nga sa haba na ng oras na naconsume ng story na to. Pati akong author eh nalilito narin. Kaya lilinawin natin ang lahat para hindi naman maguluhan ang mga readers nito (kung meron man :3)

Bweno let's start.

-----------
3rd Person:

Nang matapos likhain ng Diyos ang mundo ay nagpahinga ito sa ika pitong araw. Ng mga panahong iyon ay isang anghel sa kalangitan ang nagnais na maging kagaya ng Diyos Ama. Ang maging makapangyarihan, matalino, at malakas kagaya niya. Dahil sa hangaring ito ay nabuo ang salitang kasalanan. Sinumulan niyang hikayatin ang lahat ng anghel sa kalangitan para umanib sa kanya at kalabanin ang Diyos na lumikha sa kanila. Halos 1/3 ng mga anghel sa langit ang nayaya ni Lucifer. Ngunit, alam ng Diyos na mangyayari ang lahat ng to kaya't bago pa man mangyari ang lahat ay may plano na Siya.

Sinimulang ipatapon sa lupa ang lahat ng mga anghel na nagtaksil at nawalan sila ng kakayahan na taglay nila noon nung nasa langit pa sila, ngunit lumaki silang parang mga higante sa lupa. Nakisiping sila sa mga magagandang babae sa lupa at ang kanilang mga anak ay lumaking mga higante, sakim at gahaman. Kaya't bandang huli ay napagpasyahan ng Diyos ama na lipulin ang lahat ng makakasalanang tao sa lupa. Ang lahat ng tao sa panahong iyon na halos ilang libong taon na ang nakalipas ay lumaking makasalanan at walang takot sa diyos maliban sa isang pamilya. Ang pamilya ni Noah.

Kaya't ilang araw bago maganap ang malawakang pagbaha sa lupa ay nagbigay ang Diyos ng babala kay Noah. Pinagawa sya ng isang malaking arko na kasya ang ilang lahi ng hayop noong panahong iyon. Kada hayop ay dalawang pares ang sakay ng arkong iyon, isang lalaki at isang babae.

Maraming humamak kay Noah at pinagtawanan siya ng mga tao dahil kasagsagan ng tag-araw iyon at imposible raw na umulan ng 40 araw. Ilang araw pa ang lumipas at naganap na nga ang baha sa lupa. Maraming namatay at nalinis ang mundo dahil dito. Makalipas ang 40 araw ay bumaba na si Noah kasama ang kanyang pamilya at ilang pares ng mga hayop sa kanyang arko.  Dito isinilang ang bagong Earth.

Muling dumami ang lahi ng mga tao at hayop sa pamamagitan ni Noah. Isang maling akala na si Noah at mga pamilya lamang niya ang naligtas ng panahoong iyon.

Mayroon pang isang tao ang kinausap ng Diyos Ama tungkol sa magaganap na pagbaha. Ang pangalan niya'y Hebraska. Isa siyang lalaki na magbubukid lamang ng mga panahong iyon. Nang maganap ang baha ay kusang nawala ang katawan nu Hebraska at napunta ito sa isang pribadong espasyo na ang Dyos lamang ang may alam. Kinausap siya ng Ama sa loob ng 40 araw. Ngunit ito'y katumbas lamang ng 5 minuto sa tao. Dito ay may sinabi ang Ama tungkol sa mangyayari sa hinaharap. Kinausap si Hebraska ng Ama sa anyo ng apoy.

Habang nagliliyab ang apoy sa harap ni Hebraska ay ganito ang sabi sa kanya.

"Hebraska, alam ko at minanmanan kita sa loob ng mahabang panahon. Lubos ang nalulugod sa iyong katapatan sa akin. Kaya't iniligtas kita mula sa delubyong hatid ko. Nais kong malaman mo na darating ulit ang delubyong ito dahil lubhang magpapakasama ang tao sa darating na panahon at muling babangon ang nga demonyo. Ikaw ang inaatasan kong labanan ang mga ito. Heto ang Innocence."

May iniabot na kapiraso ng dyamante ang Ama kay Hebraska. Ito ay hugis krus at nangingintab ito sa puti at kinang.

"Ano po ito Panginoon ko?"

"Iyan ay isang armas laban sa mga Akuma. Kokontrolin iyan ng iyong isip at magiging isang armas base sa iyong nais. Halimbawa'y isang espada o kung ano pa man."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Silver BladeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon