Silver Blade
-----------
9th Slash
Allen's POV:
Paggising namin ni Moses kinaumagahan, nakatunganga kami sa habang nakaupo sa sidewalk, pinapanood ang mga sasakyang dumadaan. At binibilang pa yata ni Moses yung iba.
"Brad sana hindi na pala tayo umalis sa ampunan, wala ng starbucks sa umaga, wala ng chickenjoy sa tanghali at wala ng cokefloat sa merienda."
"Gago, Allen! Yung starbucks, Nescafé original, yung Chickenjoy yung tigsasampu sa kanto, tapos yung cokefloat, sorbetes na pinatong sa rc!"
"Ahh ganun ba? Hmmn, tama pala na lumayas tayo."
"Halika Allen."
Tumayo si Moses at hinatak ako.
"Teka saan tayo pupunta?"
"Saan pa? Edi mangangalakal!"
"Ano yun?"
"Basta sumama ka nalang Allen!"
Hindi ko alam kung anong gagawin ni Moses, ang alam ko lang gutom na talaga ako. Tangena.
Pumunta kami sa isang tapunan ng basura sa may poste.
Wala talagang common sense ang mga Pinoy. Kung tutuusin ay nasa kabilang kalye lang yung basurahan talaga. Tinatamad pa itapon, samantalang tatawid ka lang.
Kapareho ng sa pagtawid sa kalsada. Nilagyan na nga ng sign na:
Bawal Tumawid Nakamamatay
Ngayon:
Bawal Tumawid May Namatay Na Dito
Pero wala padin. Sige padin sa pag tawid ang mga pinoy, aba kung ako lang ang maglalagay ng sign ay eto ang ilalagay ko:
Putangina! Sige Tumawid Ka!
Kung may mabibilhan lang talaga ng common sense magpapa feeding program pa ako.
Nagsimula ng magtreasure hunt si Moses, at Viola!
May nakita kaming totoong chickenjoy, sa basura nga lang. Yak.
Nang matapos na kami sa paghahanap ng kayaman ni Yamashita. Ay naupo muna kami sa tabi ng kalsada at pinanood ang mga sasakyang dumadaan.
"Sa tingin mo Allen, naaalala pa kaya tayo ng mga magulang natin?"
Drama mode activated nanaman si Moses.
"Sa tingin ko brad hindi na eh, nagawa nga nila tayong iwan sa kung saan man."
Minsan naisip ko rin na hanapin ang totoong mga magulang ko, kaya nga lang buti pa si Moses kahit papano ay may ideya pa siya sa kung sino ang mga magulang niya, samantalang ako ni ha ni ho ni ho ni ha wala talaga. Teka parang nasabi ko na to noon ah.
"Wala naman tayong mapapala sa ganitong estadi natin eh, kailangan nating maghanap ng trabaho."
"At saan ka naman maghahanap Moses? May natapos kaba?"
"Wala, pero titingin tingin ako sa mga poste at baka may nakapaskil na pwede nating pagtrabahuan kahit boy lang okay na yun."
"Sige, tutulungan kita. Maghahanap din ako, basta mamayang hapon magkita tayo ulit dun sa tinutulugan natin Moses."
"Okay."
Naghiwalay na nga kami ng landas ni ungas. Aba, swerte namin kung may tatanggap pa saming magtatrabaho, kahit taga punas lang ng sapatos. Lahat na papatusin namin, ngayon pang ni singkong bulag, wala kami.
BINABASA MO ANG
Silver Blade
Ma cà rồngHanda ka na bang saliwain ang iyong katinuan? Iunat ang iyong imahinasyon, at alamin ang mga katotohanan sa likod ng mga misteryosong nilalang ng impiyerno. Ang mga Bampira...