Silver Blade
-----------
6th Slash
Taz's POV:
"Boy! Boy! Boy! Gising hoy!"
Naalimpungatan ako ng marinig ko ang isang boses ng malaking mama.
"Po? Nasaan ako? Bakit ako nandito?"
Nagising ako na nasa isang tulay ba ito? Para saan ang tulay? Sino sila?
Andaming tanong sa utak ko, parang malaking bahagi ng pagkatao ko ang nawala.
"Ang mabuti pa bata ay sumama ka samin sa DSWD. Aalagaan ka nila doon."
"Sige po."
Pagsang-ayon ko. Wala na rin akong magagawa. Andaming tanong na gusto kong masagot pero pati na rin yata mga tanong ay hindi ko rin alam.
Sinakay ako ng dalawang "pulis" yata ang tawag sa kanila (nakasulat sa t-shirt nila) sa isang sasakyan na may apat na gulong at malalambot na upuan.
"Manong! Ano pong tawag sa sinasakyan natin?"
"Hindi mo alam? Saang planeta ka ba nanggaling at iniwan ka ng mga magulang mo? Teka, ilang taon kana?"
"Pito po."
Yun lamang ang tanging naaalala ko sa sarili ko. Wala ng iba.
"Eh ang pangalan mo iho? Marunong ka bang mag gitara at dala dala mo yan? Iniwan siguro sayo ang gitara mo."
"Ah eh opo!"
Sagot ko nalang sa mga pulis.
Umandar na ang sasakyan. Ang galing! Andaming mga gusali ba yun? May mga sasakyan pang iba at ang daming tao!
"Manong anong lugar ito?"
"Ito ang syudad ng Quezon. Taga saan ka ba talaga?"
Nanahimik nalang ako hanggang sa makarating kami sa DSWD ba yun?
"Baba na diyan boy."
Utos sakin ni manong pagkarating namin sa DSWD? Ano yun?
"Teka, nasaan po tayo mamang pulis?"
"Dadalhin ka namin sa boys town ng DSWD. May mga madre at pari doon. Maaalagaan kang mabuti doon at mapupunan ang pagmamahal sanang para sayo."
"Opo."
Tipid kong sagot. Hindi ko maapuhap kung ano ang tamang sagot.
"Good morning po Mother Superior, may bago po kaming nakitang bata sa overpass. Isa nanaman siguro siya sa mga inabanduna ng magulang niya. Aayusin ko lang po ang mga papeles niya doon sa secretary's office."
"Oh sige iho, pagpalain ka."
Umalis ang mamang pulis at pumasok sa loob. Samantalang ako nandito parin sa tapat ng kotse at nagmamasid masid sa paligid.
Maraming bata. Maraming puno at maraming bata ulit.
"Iho, anong pangalan mo?"
Nilapitan ako ng madre yata ang tawag sa kanya.
Napatunga nga ako. Hala, hindi ko alam ang pangalan ko. Wala akong maalala.
Hanggang sa mapatingin ako sa gitarang hawak ko simula pa kanina pag gising ko mula sa tulay.
Allen's Instruments.
Nabasa ko mula sa tatak ng gitarang hawak ko, na hindi ko talaga alam kung bakit hawak ko pag gising ko.
BINABASA MO ANG
Silver Blade
VampireHanda ka na bang saliwain ang iyong katinuan? Iunat ang iyong imahinasyon, at alamin ang mga katotohanan sa likod ng mga misteryosong nilalang ng impiyerno. Ang mga Bampira...