O fudge guys. Sorry for the super duper late late update. I've been really busy with my practices and clearance for my graduation. Sorry guys. Saka medyo nawalan ako ng ideya kaya pabago bago isip ko sumulat. I hope you understand me and please keep on reading and commenting coz it makes me really happy and inspired. Gusto ko makita mga reaksyon niyo. Here's the update.
Simula
Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng katok sa pintuan ng maliit kong apartment. Unti kong dinilat ang mata ko at natamaan ng sinag ng araw. Tumingin ako sa luma kong relo at ala syete na pala ng umaga.
"George! George!" Napaupo ako sa kama ng marinig ko ang boses ni Aling Maricar. Shit! Yung upa ko! Mabilis akong tumayo at lumapit sa pintuan. Nagaalinlangan kong binuksan iyon at bumungad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Aling Maricar.
Nakataas ang kilay nito at handa ng bulyawan ako pero napatigil ng nakita ako. Ngumiti ako pero nauwi sa ngiwi.
"Magandang umaga, Aling Maricar!" Pinasigla ko ang boses ko saka ngumiti ng malapad. Nangunot bigla ang noo nito saka namaywang.
"Aba hija hindi mo 'ko madadaan sa ngiti mo ha! Asan pambayad mo?" Nilahad nito ang kamay at tinignan ako ng mariin. Napabuntong hininga ako. Wala pa akong sapat na pera para makabayad. Hindi naman kasi ako kumikita ng malaki sa part time job ko. Nagastos ko pa ang kalahati dahil namili ang ng mga gagamitin sa school ko.
Nakakuha kasi ako ng scholarship sa isang unibersidad. Hindi ko nga inaakala na makakapasok ako doon. Sino bang hindi gugustuhin makapagaral doon hindi ba? Pero wala naman sakin yun, basta makapagtapos ako ng pagaaral at makapagtrabaho ay ayos na sakin.
"A-ah, kasi po nagastos ko iyong pambabayad ko ng renta sa kakailanganin ko sa eskwela." Kumamot ako sa aking kilay at tumungo.
"Aba ay sana hindi ka nalang rumenta dito sa apartment kung hindi mo rin kayang bayaran ng maayos! Anong silbi ng mukha at katawan mo?" Malakas na sabi nito. I frowned. Anong meron sa mukha at katawan ko? Iniisip ba niyang magbenta ako ng laman?
Ramdam ko ang pagdaan ng inis sa aking damdamin. Pumikit ako ng mariin saka dumilat.
"Pasensya na, Aling Maricar. Nakikiusap naman po ako. Bigyan niyo ako ng dalawang linggo para makakuha ng pambayad ng renta sa inyo." Halos pakiusap ko. Wala akong pwedeng matirhan dito. Wala ako ni isang kapamilya na kakilala ko.
"Hindi pupwede! George naman, hindi lang ikaw nangangailan ng matitirhan. Marami diyan. Kaya kung hindi ka magbayayad ay umalis kana lang. Tatlong buwan kanang hindi nakakapagbayad ng upa! Ilang beses narin kitang pinagbigyan kaya sana lumayas ka nalang at maghanap ng ibang titirhan." Mahaba nitong sabi at bakas sa mukha nito ang pagkainis. Napayuko nalang ako. So I really don't have a choice. I need to leave.
Tumango nalang ako kaya tumalikod na ito at pinaypayan ang sarili. Sinarado ko ang pinto saka napaupo. Ano na gagawin ko ngayon? Wala akong matitirhan. Jusq, ano gagawin ko?
Wala ako nagawa kundi balutin lahat ng gamit ko. Pagkatapos ay naligo ako saka nagbihis. Bumuntong hininga ako. Sana may mahanap kagad ako ng mas murang matitirhan. Ginala ko ang paningin ko sa sulok ng apartment. Hay. Mamimiss ko to. Halos dalawang taon narin ako dito nakatira kaso kinapos talaga ako ngayon.
Dumiretso ako sa cafe bar na pinapasukan ko. Isa akong waitress doon na ayos lang naman sakin. Pagkarating ko ay naabutan ko sila Myla at Ashley na nagpupunas ng lamesa. Pumasok ako sa loob at binati sila.
"Oh! Ang aga mo ah!" Myla
"Kaya nga! Saka ano meron at bakit ang laki laki ng bag na dala mo?" Curios na tanong ni Ashley. Ngumiti nalang ako at napatingin sa paligid. Kita ko ang pagtingin ng mga customers sa akin kaya nailang ako. Mabilis ako pumunta sa staff room saka nilapag ang mga gamit ko. Sumunod sakin ang dalawa.
"Pinalayas na kasi ako sa apartment ko." Anya ko.
"What!? Anong nangyari, beshy kong maganda?" Myla
Wala ako nagawa kundi ikwento ang nangyari kanina at bakas sa mukha nila ang paghihinayang. Nagtanong ako kung may alam sila ngunit wala naman daw sila alam. Hay. Pano kaya ito? Winaglit ko nalang muna ito sa isip ko at sinuot ang uniporme. Nagumpisa ako magserve at lahat sila ay hindi sa malamang na dahilan ay napapatitig sa akin lagi pero kahit naiilang ay hindi ko nalang binigyan ng pansin yon.
Nang dumating ang gabi ay mas dumami ang customers. Buti at nakakain ako ng tanghalian.
Kung kanina ay cafeteria ito ay isa na itong bar. Dumarami ang mga customers at mas lalong umingay ang paligid. Nagpalit narin kami ng suot.
"Hey, miss." Napaigtad ako ng may humawak sa bewang ko. Napalingon ako rito at lumayo. Umiling ako. "Anything you need, sir?" Medyo nautal kong sabi. He looked at me manically making me nervous. Obviously this guy is drunk! Umiwas nalang ako saka tumakbo papunta sa bar counter. Naabutan ko si Daniel na nagsasalin sa baso. He smiled when he saw me. Ngumiti ako ng pagod.
"Kahit pagod ka na bakit sobrang ganda mo parin, George?" Wala sa sarili nitong sabi na nagpatawa sakin ng malakas. Hindi naman ako nahiya tumawa ng ganoon dahil malakas ang music sa paligid. He laughed too and give me some liquor. Dinampot ko iyon saka ininom ng diretso. Hah! Mabilis gumuhit sa lalamunan ko ang init at tapang ng inumin.
"Masarap?" Kahit medyo matapang ay tumango ako. Binigyan niya pa ako isa hanggang sa nakakalimang baso nako. Shit. Pakiramdam ko umiikot na paningin ko. Tumaas ang balihibo ko ng may mataman ako na nakatitig sa akin at may hawak hawak itong baso na batid ko g may laman ng alak. Lumunok ako saka umiwas ang tingin. Hindi ko ito masyado maaninag dahil bukod sa umiikot na paningin ko ay patay sindi pa ang ilaw.
Nakarinig ako ng tawa. Napalingon kagad ako doon at nakita si Daniel na may basong hawak at iniabot ito sa babaeng katapat niya lang.
"Ano lasing kagad, George?" Ngumisi ako saka napailing. Tumingin ako sa relo ko. Malapit narin pala matapos shift ko. Hmm. Inantok ako bigla.
Nagpaalam ako saka naglakad patungo sa banyo. Pakiramdam ko kasi masusuka ako. Nakaramdam ulit ako ng titig kung kanino. Nanlaki mata ko ng may humawak sa braso ko at hinarap.
"Hey gorgeous, let's dance." Humawak ito sa magkabila kong balakang at idinikit ito sa harap niya. I felt something poking my tummy. Fuck! Kadiri!
"Damn, you're sexy." Naamoy ko dito ang amoy alak nitong hininga at nahahalata mo ring lasing na ito. Sinunukan kong kumalawa ngunit dahil sa nahihilo ay wala akong lakas.
"Bitawan moko!" I tried to pull his hands on me but he pushed me harder to his. Shit! Somebody help me!
Napasigaw ako ng may humila sa akin saka sinapak ang kaharap ko. Nakarinig ako ng sigawan sa paligid ngunit di ko na napansin iyon dahil sa pagkahilo. Mas lalong umikot ang paningin ko.
"Don't you dare fucking touch her, fucker!" Rinig kong sambit ng nasa harap ko. Hindi ko makita ng maayos ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa akin. Napapikit nalang ako ng maamoy ko ang panlalaki nitong amoy at nakakaadik sa ilong. Nakaramdam ako ng pananahimik at napatili ng may bumuhat sakin saka ako nawalan ng malay pero bago iyon may narinig pa akong sinabi nito ngunit hindi ko masyado naintindihan.
"Try to touch her again and you're dead! She's mine!"
YOU ARE READING
She's The Bad boy's Princess
RomanceWarning: Some scenes are not suitable for young readers. [R-16] "Being with you makes me damn happy." Marahan niyang hinaplos ang bewang ko at ang buhok ko. Hindi ko napigilang mapangiti at kiligin. Hindi ko alam kung ano nag-udyok sakin at mabilis...