Chapter 4

1K 39 5
                                    

Pambabawi sa tagal ng aking update. Sorry late parin. 😂 at least hindi na katulad ng dati. 😂 Just a short update and sorry for the lame update. This chapter is boring.

Chapter 4

Nakarating kami sa M.A cafe bar at iniwan 'ko sa sasakyan si Draven dahil kukuhain ko lang naman ang gamit ko. Nandun kasi wallet at saka cellphone ko. All though alam ko namang walang kukuha 'non sa staff room kasi nasa locker ko 'yun.

Hindi na muna ako papasok sa afternoon shift 'ko. Sa night shift ko nalang pagpapatuloy oras ko mamaya. Alas dos palang naman ng hapon at mamaya pang alas siyete ang open ng bar.

Binuksan ko ang entrance door kasabay din nang pagtunog ng bell sa pinto. Nakita agad ako nila Myla at Ashley na nasa counter.

"Georgie!" Napangiwi ako at saka lumapit patungo sa kanila.

Tumingin ako sa paligid. May mga customers na at ayon na naman sila, napapatingin sila sa gawi 'ko.

Nahiya tuloy ako. "Hi!" bati ko sa kanila.

"Ang sexy mo, beh! May pakita pusod pa!" Hinampas ako ni Myla sa pwet kaya napausod ako. Nakakahiya! May mga tao eh!

"Tambok oh!" Humalakhak silang dalawa kaya napailing nalang ako. Sanay narin ako sa dalawang 'to kaya wala na sakin mga pinaggagawa nilang kalokohan.

"Mga loko! Hindi ako papasok ngayon hapon. Mamaya na pag night shift ko nalang." Anya ko. Naiisip ko rin baka kapag nagsimula na ang klase night shift nalang kukuhain ko kasi siyempre may pasok ako umaga at hapon kaya baka hindi na ako p-pwede.

Bawas income din 'yon pero dodoblehin ko pagtratrabaho para kumita.

Nagpapasalamat talaga ako at nakakuha ako ng scholarship sa isang elite school. Sa DLVG University pa, san ka pa?

"Sayang! Mababawasan customer dito! Ikaw pa naman lagi hanap nila." Nanghihinayang na sambit ni Ashley.

Tumango tango si Myla. "Kaya nga! Hindi mo ba napapansin kapag nandito ka rumarami kalalakihan pumapasok sa cafe? Swerte ka dito, our bebe!" Natawa ako. Mga kalokohan talaga nila.

Marami naman mga customer talaga dito. Masarap kasi ang gawa ng kape at gatas dito kaya hindi mauubusan nang customer ang cafe na ito. Bukod sa malapit ito sa mga eskwelahan ay may mga building din dito.

At saka medyo malapit rin dito 'yung school na papasukan ko sa lunes. Excited na'ko.

"Hindi no! Sadyang masasarap kayo magtimpla ng kape!" Bola ko sabay tawa. Pumasok ako sa loob ng staff room at kinuha sa locker ang bag 'ko. Nakita ko rin sa gilid 'yung locker ko. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang at walang nangielam.

Binuksan ko phone ko at nakita ko ang iilang message sakin. Hindi ko muna ito binasa at lumabas na, hila hila ang maleta.

Oh shit! Biglang lumitaw sa isip ko si Draven! Kasama ko pala siya. Haist! Napatampal ako ng noo. Bat ko ba siya nakalimutan? Baka naiinip na 'yon. Mukha pa namang mainiping tao.

Lumabas ako at hinarap sila Myla. "Mga bes lalabas lang ako ah! Teka!" Paalam ko sa kanila at lumabas, narinig ko pa nga silang tinawag ako pero di ko na nilingon.

"Hoy san ka pupunta!"

Tinungo ko 'yung kotse ni Draven at nakita ko siyang nakasandal sa hood ng kotse niya at naninigarilyo.

Lumipad kaagad ang tingin niya sakin gamit ang malalamig niyang mata. Napalunok tuloy ako.

He looks like he would just punch you straight in the face if you said something he doesn't like. Bad boy.

She's The Bad boy's PrincessWhere stories live. Discover now