Chapter 9

14 0 0
                                    


Apollo (AKA Sky) POV

Kanina pa ako nag hihintay sa tatay ni Nami, Bago ako pumunta dito ay hinatid ko muna si Nami sa kaniyang silid. Na tapos ng maayos ang plano ko at sa wakas ay nag kabati na kami.

"Well done kid" tumingin ako sa may pintuan at nakita ko doon ang kanina ko pa hinihintay. "here." May binato siya sa aking isang bagay.

Nang tinignan ko ito ay nanlaki ang mga mata ko. Puro pera ang laman ng isang sobre na hawak ko!

"ayan ang unang sahod mo." Umupo si Mr. Del Vega sa kaniyang upuan at sumimsiim ng kaunti sa kaniyang isinalin na wine.

Hindi ko alam kung mag sasalita ba ako o hindi. Ngayon lang kasi ako nakahawak ng malaking pera sa tanang buhay ko.

"Kamusta na kayo ng anak ko?" hindi parin ako makapaniwala na ganito kalaki ang sasahurin ko

"Ah-ahm sir? Masyado po atang Malaki itong pa sahod ninyo."

"ayan ba ang tanong ko?" Na wa-wala ata ako sa aking sarili, dahil iba pala ang nasagot ko

"O-opo, ay hindi po pala! M-maayos na po kami ng anak niyo" agad kong sagot sa kaniya kasi mukhang beast mode nanaman ang isang ito

"Mabuti naman kung ganoon." Pinanatili kong nakatingin ang aking mga mata sa sahig, ayoko na kasing makita ang mga nanlilisik na mata ng kausap ko.

Kung ganito din pala kalaki yung isasahod ko sab hay na ito, maari akong makapag padala kayla Inay ng malaking pera.

"Iho, kamusta ang bago mong paaralan?" Napahinto ako sa aking iniisip at tumingin muli kay Mr. Del Vega.

"M-aayos naman po" sabi ko ng tapat, buti nalang ay nakatalikod na siya sa akin at nakatingin sa malaking bintana ng kaniyang opisina.

Yung paaralan na pinapasukan ko ay ibang-iba sa pinapasukan ko noon, Sobrang laki kasi ng pinapsukan kong paaralan ngayon at talagang matuto ako sa mga Professor doon na satingin ko ay may mga pangalan ding pinagmamalaki.

"Mabuti naman kung ganoon" lumingon siya sa akin, kung kaya na patayo ang ng tuwid muli.

"Pwede ka ng umalis Mr.Cruz." pag kasabi niya ay nag paalam na ako para umalis sa nakakakilabot na kwartong iyon.

"Woooh" pag buga ko ng malalim na hinga

Napahawak ako sa aking puso at napapikit ng mariin. Pag nadoon talaga ako sa loob ng opisna ni Mr. Del Vega feeling ko laging may taning ang buhay ko.

"Hubby....." Napaigtad ako ng marinig ang matining na boses ni Nami, na ngayon ay papalapit na sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at sinalubong ko siya ng yakap.

"Hubby, let's go na" nakalabing sabi niya sa akin at sumiksik sa aking dibdib.

Siguro kung malaman niyang hindi ako yung totoo niya asawa ay mandiri nalamang siya sa akin. At sana kapag ng yari iyon ay huwag siyang magalit sa akin ng sobra

"Hubby...?"

Tumingin ako sa kaniya "Saan ba tayo pupunta?" Nag tataka kong tanong sakniya.

"Were going Home na! Yeah Hey!" napapalakpak siya sa sobrang tuwa

"eh? Andito naman na tayo sa Bahay ah?" sabi ko sa kaniya na nagtataka paring tumingin sa kaniya

"eh.... Hindi sa sarili nating bahay, ikaw Hubby ah mas gusto mo talgang nandito sa Mansion..." mariiin niyang sabi, lalo tuloy ako nagtaka

My Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon