Chapter 10

8 0 0
                                    


Nami POV

Paakyat na kami s kwarto ni Hubby...

Hihihi at biglang may kapilyahan akong naisip.

Hinila ko siya papasok sa master bedroom, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at ngumiti sa kaniya ng napaka tamis.

"Hubby..." malambing kong tawag sakaniya pero hindi siya lumingon sa akin sahalip ay nagtungo sa kama.

Perfect

Sumunod ako sa kaniya at inilingkis ang aking mga braso sa kaniyang leeg. Medyo inilapit ko ang aking bibig sa kaniyang tenga at bumulong ng

"Hubby... do you wanna play?" I ask with a husky voice, sabay upo sa kaniyang kandungan.

Tumingin siya sa akin ng nanlalaki ang mga mata at pasimpleng tinanggal ang aking mga braso sa kaniyang leeg.

"a-ahm... Nami Gutom kana?" tanong niya sa akin, pero ibinalik ko sa kaniya ang aking mga brasong nakakawit sa kaniyang leeg kanina.

"N-Nami tara sa kusina at nagugutom ako!" bigla siyang tumayo sa kaniyang pag kakaupo sa tulugan kaya napatayo rin ako bigla.

Ngumuso ako sa kaniya. Hindi naman ako manhid alam kong tumatakas siya sa akin.

"Pero kumain na tayo kanina!" Sigaw ko sakaniya at namewang sa knaiyang harapan

"E-Nagugutom Ako Nami, Alam mo naman kaming mga lalaki mabilis magutom, hehehe" napapakamot niyang sabi

"Talaga?" Tumingin ako ng maiigi sa kaniya at mukha naman siyang nag sasabi ng totoo dahil namumutla na siya sa sobrang gutom

"O-Oo" nanginginig niyang sabi.

"Okay tara na para makabalik na tayo sa kwarto agad." Ngumiti ako at hinila siya pababa sa kusina

Akala mo makakatakas ka? hindi...

Ang tagal kitang hinintay, Mahigit two years din iyon, Hubby

Apollo POV (AKA Sky)

Muntikan na iyon!

Pero grabe pinagpapawisan parin ako ng malapot hanggang ngayo, paano ko ba ito malulusutan? Ang hirap naman ng sitwasyon namin.

Hindi pa ako handa isuko ang pagkalalaki ko! Sa mapapangasawa ko lang.

Conservative kaya ako!

Pero kanina pa gumugulo sa isip ko kung nagawa bana talaga iyon? Ang ba-bata pa nila ah. Iniisip ko palang na ginawa nila iyon ay nasasaktan na ako.

Dahil hindi naman niya alam na hindi talga ako ang kaniyang tunay na asawa, parang kabit nga ako kung nagkataon eh. With pasahod ngalang ang pagiging third party ko sa kanila.

Nalukot ang aking noo sa kakaiisip sa mga bagay na iyon.

"Ang lalim naman ng iniisip mo hubby" biglang singit ni Nami sa aking pwesto.

Nasa Island counter kasi kami ngayon habang ako ay kumakain ng inorder kong pagkain sa isang sikat na fast food chain.

Ang sarap ng manok nila, yum-yum!

"Hubby...Pansinin mo naman ako" nagulat nalamang ako sa ginawa ni Nami dahil kinagat niya ang aking tainga.

Diyos Miyo Lord lalaki lang po ako...

"A-aray ko naman Nami!" medyo masungit kong saway sakaniya.

"Hmp.sungit" sabi niya at ipinag krus ang kaniyang mga braso sa ilalim ng kaniyang dib-dib.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon