Chapter 1

25 0 0
                                    



Chapter one: hubby <3

Apollo POV

"Lord, patawarin niyo po ako sa aking mga sala. Panginoon sana po gumaling nasi Inay, Alam ko pong matanda na siya. Pero sana po ay patagalin niyo pa po ang buhay niya, malayo man ako sa kanila ay alam po nilang lagi kong ipinaparating sa inyo ang kanyang kaligtasan sa probinsya. Lord sana po ay makakuha na akong magandagandang trabaho na kaya po tugunan lahat ng mga pangangailangan namin. Yun lamang po. Amen" nag sign of the cross na ako at tumayo.

Palabas na sana ako sa may pintuan sa simbahan ng biglang isang di inaasahang pang yayari ang nangyari...

*Tsup*

"Yehey!! I know you will came back, hubby!!" natulala ako sa ginawa ng babaeng na ngayong yakap-yakap ako.

Teka sino ba ito?

Hubby? sa pagkakaalam ko ang aking civil status sa buong buhay ko ay malaking SINGLE ang nakalagay?

"Teka,teka lang...hindi kita kilala miss, Sino ka ba?"pinagmasdan ko yung babaeng humalik sa aking virgin na mapupulang labi. Matangkad, maganda, Maamong mukha at mistulang mala angel ang itsura.

Lord trabaho po ang kailangan ko hindi Asawa....

"ganun? Hindi mo na ko natatandaan? Ako ito si ang mapapangasawa mo!! hubby uwi ka na satin... please *sniff*" maluhaluha niyang sabi sa akin pero, mukhang budol lang ito! Kay gandangbabae ng gagantyo!! O baka ma wa-wow Mali lang ako?

Tumingin ako sa paligid kung may Camera man or cctv na nakabit sa paligid pero wala naman?

"Miss baka napagkamalan mo lang akong asawa mo..." Medyo tinutulak ko siya papalayo sa akin dahil baka anong gawin nito.

"Wahhhhhhh!!!!! Ikaw ang Hubby ko! Ikaw! Ikaw! Ikaw! Bakit may iba ka na ba para ipagtabuyan ako?"

"Kawawa naman yung babae" sabi ng bading

"Parepreho lang talga ang mga lalaki" sabi nung broken hearted na babae

"Grabe nasa simbahan na nga, nakakapag sinungaling parin?" sabi nung matanda

"Kaawaan siya ng Panginoon" sabi ni Father

Nakakahiya!! Hindi ko naman ito kilala pero mukhang nakakakuha nakami ng atensyon sa loob ng simbahan. Wala akong naging choice kung hindi ang hilahin itong babaeng ito.

"Ano ba ang pinag sasabi mo?!" nagagalit na bulong ko sa kaniya, galit na talaga ako dahil sa kahihiyan, parang tuloy tinatakbuhan ko ang babae na ito

"Ikaw ang asawa ko!! Ikaw yung lalaking minahal ko!! Ikaw yung taong nag sabi sa akin sa altar na hindi mo ko pababayaan pero ano ito?! Tinataboy mo ko!!" nan laki ang mga mata ko sa mga sinigaw niya!!

"Pero miss hindi talaga kita kilala at asawa wala pa akong asawa! Hindi nga ako makabili ng mamahaling damit tapos mag a-asawa pa ako!?" sinabayan ko na siya sa sigaw dahil kanina pa rin naman kami pinag titinginan ng mga tao dito sa labas ng simbahan

"Hindi asawa kita!! Asawa kita at wala kang magagawa kung hindi sumama sakin!!"

Na babaliw na itong babaeng ito, kaya umalis nalang ako sa harapan niya. Uuwi nalang ako sa bahay ko para makakain.

"Saan ka pupunta?" sabi niya pero hindi ko siya nilingon

"Hubby!!!!" sigaw niya at alam kong papalapit na siya sa akin

"Hubby....*sniff*" na tigil ako sa paglalakad ng bigla niya akong yakapin sa likod, hindi ko alam pero bakit ganito ang pakiramdam ko?

Parang may kumirot dito...

My Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon