Ch. 1 - Pt. 1 - Shopping with him

237K 4.7K 338
                                    

SNLTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 1 - Pt. 1


"Ilang notebooks?" - tanong ko habang busy sa paghahanap ng notebooks.

"Twelve?" - Gosu.  

Charice POV.

  

Nasa SM kami. Daming tao, daming namimili, daming nagpapalamig lang, daming nagpapahili ng iPhone at iPad at -- ang daming nakatingin na babae sa kasama ko -__- 

"Filipino, English, Math IV, Trigo, Precal, Mapeh, Economics.." - Gosu na nilalagay ang mga notebooks dun sa basket.

"Accounting.. Physics, Research in Physics I, Computer IV.. ano pa?" - tanong ko habang tinutulungan s'ya.

"Re.. Reminders notebook?" - Gosu.

Reminders notebook? =__= 

"Wala ng ganun -__-" - Ako.

"Writing notebook?" - Gosu. 

"Grade 1 ka? Ba't ka mag gaganon?" - Ako.

"Eh.. ano pang kulang?" - tanong n'ya.

Ako yung nagtanong pero pinasa n'ya lang din sa'kin. Psh!

"11 lang ata." - konklusyon ko.

"Di, ang alam ko 12 ang notebooks eh" - pagpipilit n'ya.

"Baka pang first day na notebook" - sabi ko sabay kuha ng dalwang notebook (isa sa'kin isa sa kanya). Hindi namin maisip kung ano pang kulang pero 24 ang binili naming notebook para sure.

Tsinekan ko naman yung nasa listahan ng bibilhin (na s'ya yung gumawa): 

4 Red Mygel Ballpens - Check ; 4 Gtecs - Check ; 2 FriXion pen ; 20 notebooks - Check ; 4 math notebooks - Check

Eto naman yung di pa namin nakukuha: 8 intermediate pads *set* ; plastic cover ; tape ; 2 rulers ; 2 scissors ; 4 black whiteboard markers; 2 permanent markers; 2 mechanical pencils ; 2 black erasers ; 2 casio scientific calculators ; 4 touch n go's (ballpoint) ; 2 stabilos ; 2 rings of bond paper ; Refill ng whiteboard marker ; Refill ng ink ng printer (Epson)

"Ano pang bibilhin?" - Gosu. 

"Intermediate pads" - sagot ko habang nakatingin dun sa checklist namin. 

Pumunta naman kami sa section ng mga papel. 

"Eto gusto mo?" - Gosu na hawak hawak yung intermediate na may design na rabbit sa gilid. 

"First year ka ba?" - sarcastic kong tanong.

Tumahimik na lang s'ya sabay tingin sa'kin. Di ko tuloy alam kung matatawa ba ako o ano. Pero ang binili na lang namin ay yung 'Best buy' na pad tutal yun na gamit ko simula 1st year (ewan ko na lang kung anong brannd ng papel ng mga mayayaman).

Anyway, kaya naman ganyan yan ay dahil first time daw niya kasing bibili ng school supplies. Kaya ayun nga, kaninang umaga, hindi pa s'ya mapakali't excited na excited siya. Ano bang nakaka-excite sa pagbili ng school supplies?

Kumuha na rin kami ng 2 rings ng bondpaper. Yung makapal kapal ang texture para maganda. Nung nachekan na lahat ng bibilhin, binayad na namin tapos dineposit muna para hindi mahirap. magbitbit. Mamasyal pa kasi kami-- este.. ok. 

Pumunta kaming Department store. Maghahanap ng bag. Kung walang mahanap, wag na lang, yung luma na lang.. tutal last year na, ayos lang yung luma -- parang kasama mo yung bag na yun sa saya't lungkot ng highschool life (Ansave?)

  

Naglalakad kami nung may tumawag sa'min na may mic kaya napatingin kami sa kanya.

"Hi Ma'am, Sir! Ito po ang latest naming jewelry! for Php 99.75 pesos po! Murang-mura na po di ba? Bagay na bagay po sa girlfriend niyo po :D" - sabi niya.

Hindi naman namin siya pinansin. Dumiretso lang kami sa paglalakad pero napatingin ako kay Gosu -- at nakita kong nakkangiti na naman s'yang malapad na parang aso =__=

"Bakit?" - tanong ko.

"Wala lang" - sagot naman n'ya sa'kin.

Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad ng magsalita s'ya out of the blue, "Ang galing. Kulang na lang anak!" - Gosu sabay tingin sa'kin. "Gagu" - agad kong sabi sa kanya habang naglalakad. "Pero you know, I can wait" - Gosu. 

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng, "Pero anae, sabi nga nila -- time is gold!" - Gosu. Agad ko naman s'yang sinapok sa balikat n'ya. Anong time is gold?! Adik!

Mamaya pa'y nagdiretso na kami sa section ng mga bags. Nagmamasid lang, kung may nakitang maganda, lalapitan. Mga 30 minutes din, nakakita kami ng simpleng bag. Yun na lang yung binili namin. Jansport. May pambabae kasi at may panlalaki. 

"Chaaaaa!!!" - rinig kong tawag ng baliw este ni Bianca.

"Musta ang buhay may asawa?" - tuloy n'ya.

"Masaya! ^ ^" - sagot ni Gosu kahit hindi naman s'ya ang tinatanong.

"Mag-asawa ka d'yan? Di kami mag asawa" - sabi ko naman. 

"Dun din naman yun pupunta!" - Bianca.

"Bianca!" - rinig naming tawag ng isang lalaki kaya napalingon kami sa likod. 

At ayun, nakita namin si Ji. 

"Andito ka lang pala!" - Ji. 

"Ay sensya! Hindi na ko nagpaalam kanina.. kasi, mahahanap at mahahanap mo naman ako eh, di ba?" - Bianca. 

"Yown!" - Gosu sabay akbay sa'kin. "Ang sweet nila, di ba wifey?" - dagdag pa n'ya. Chansing lang din eh no?

"Labanan na ba ito kung sino ang mas sweet?" - tatawa-tawang tanong ni Ji habang nakatingin kay Bianca. Napansin ko naman ang pag roll eyes ni Bianca kay Ji.

(Book 2) She's No Longer the Ice Princess (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon