Ch. 2 - Pt. 2 - Virgil

163K 3.1K 187
                                    

SNLTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 2 - Pt. 2

Ji's POV. 

Minulat ko ang mata ko. Pagkatapos ko kasing ulamin sa hangin ang monggo, tumulog na lang ako. Tumayo ako at bumaba. Tahimik ata? At puro sarado ang bintana't pinto? 

"Hoy first.." - tawag ko habang hinahanap tsinelas ko. 

Pero, walang sumagot. Kainamana talaga! Kinuha ko ang cp ko at tinawagan si First. Matagal tagal din bago nya nasagot.

"Nasan kayo?" - tanong ko.

"Ah, nasa simbahan" - sagot naman n'ya.

"Bakit nyo ko iniwan?" - Ako. 

"Tulog ka eh. Di ka na namin ginising" - sagot n'ya.

Kainamana?! Nagdadasal din naman ako ah! 

"Kasama nyo si Bianca?" - Ako.

"Yeh. Sinabi nga naming wag na lang s'ya sumama at samahan ka eh pero mapilit at gustong sumama. LQ ba kayo?" - tanong n'ya.

"Hinde. PMS ata." - pagtanggi ko. 

Mamaya, binaba na nya yung tawag ko. So anong gagawin ko dito? Gabi pa ata yung mga yun dadating?

Lumapit ako dun sa computer at sinaksak. 3 minutes na ata akong nag aabang na bumukas ang monitor pero walang nalabas ni ilaw. Sira ba to? Mapukpok nga to! Pero wag pala, mukhang antique na s'ya eh. 

Sinaksak ko rin yung TV. Bumukas naman sya, pero bakit wala atang antenna? Grabe tong bahay na to, napag practice-an na ata ng mga suntok at halos lahat ng appliances may sira! 

Anong magawa? 

Nagmasid ako sa paligid... Ref.. ba't ngayon lang kita nakita? Tamang tama, gutom na rin ako eh! Syempre nilapitan ko. Katunayan, hawak ko na yung hawakan para buksan. Kaya lang may malaking papel ang nakadikit. 

"Bawal kumuha ng pagkain pag walang paalam." - yung nakasulat. Pero, wala naman sila dito eh, kaya heto na, bubuksan ko na! 

*hila like a boss*

.

.

.

.

.

*sara like a boss*

.

.

.

.

.

Bakit pa kailangang magpaalam? Eh pitsel na may tubig lang ang laman nitong ref na to eh! @#$%!!! Ay nako! Ngayon, para kong t_ngang nakasilip sa bintana. Grabe Ji, kinakaya mo, para kay Bianca!

Ika nga ni Virgil, "Love conquers all things; let us too surrender to Love" 

*dingdong* - biglang tunog ng doorbell. Aba, buti nagaan yung doorbell. At aba, buti at andyan na sila! 

*bukas pinto like a boss*

Natigilan ako. Anu at sino ang mga to?! 

"Ser, baka po makakahingi ng tulong para sa simbahan.." - matandang lalaking may dalang gitara.

Ano daw?! 

Mamaya nagsimula na silang umawit. At, ano to? Bigla silang kumanta ng kantang "Love Me Do" ng Beatles!  

"Ano bang kailangan nyo?" - tanong ko. Tumigil naman sila ng pagkanta.

"Ser, konting barya po para sa simbahan" - sagot naman nung isa. 

Yun lang pala eh! 

"Saglit" - sabi ko naman. Pumasok ako at pumunta sa kwarto ko -- este dun sa ano.. O___O?! May papel na naman dito?! 

"Ji, kinuha ko wallet mo. Hehe! ~ Bianca" - yung nakasulat! @#$%! 

Heh.

Heh.

Heh. 

SO ANONG GAGAWIN KO DUN SA MGA LALAKING NASA LABAS?!

(Book 2) She's No Longer the Ice Princess (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon