Ch. 14 - Pt. 1 - Her crush

108K 1.8K 300
                                    

SNLTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 14 - Pt. 1

"Layzzah?" - Prances. 

Layzzah's POV


Kahit malabo na yung daan dahil ng mg luha sa mata ko, nakita ko si Prances. Pero patuloy pa rin akong tumakbo papalayo ng Quadrangle. Ang dami ding nakatingin sa'kin.. Naawa tuloy ako sa sarili ko.

  

Sumakay ako ng jeep at nagbayad. Uuwi muna ko. 

Ang sakit. Ang sakit sakit! Ang sakit isipin na may taong kaya syang pangitiin ng walang ginagawa! Never pa syang tumawa o ngumiti na wala akong effort. Nagpapakahyper ako para ngumiti siya pero sa konting usapan nila ni Charice, napatawa nya agad sya at napangiti.

  

Sabi nila, yung taong mahal mo lang yung makakagawa nun. At ang sakit isipin na yung mahal mo, iba ang mahal. Napaka cliche no? Lagi namang ganun pero heto ako nagpapakamartyr sa kanya. Nagpapakamartyr na magustuhan nya din ako. Nagpapakamartyr na mahalin din ako.

  

Pero, hanggang kelan ako magpapakamartyr? Kahit siguro maaksidente ako, walang luhang papatak sa kanya. Natandaan ko pa yung first monthsary namin. Ako yung nag effort ng sobra para masurprise sya. Alam ko naman na trial lang ako. Pero, nung sinurprise ko sya, nasa mukha nya wala lang yun lahat. Parang sampal yun sa'kin pero anong ginawa ko? Ayun, nagpapakamartyr at may plano pa kong magpkamartyr. 

Bata pa ko, oo. Alam kong hindi pa ito yung magiging ending ko.. Pero ang sakit talaga. Sya yung unang minahal ko eh. Sya yung minamahal ko. Pero yun nga, may magagawa ba ko kung may mahal syang iba? 

"Para po!" 

Kahit sa pagbaba ko, nagsunudan ang mga tingin nila. Mga tingin na nagtataka. Siguro may ideya yung iba pero yung iba ay wala dahil di pa sila nasasaktan. Mukha syang simple pero masakit talaga. 

"Anak? Anong---" - Mama. 

"Ma, pwede bang saka na?" - Ako sabay takbo sa kwarto ko.

  

Isinusi ko yun at nag iiyak sa unan. Walang humpay nga yata yun. Daig pa yun ng iniyak ko nung 2nd year ako dahil sa pagkapahiya ko sa madaming tao dahil sa maling ingles. Daig pa sa lahat ng iniyakan ko nung bata pa ko.

  

Ang hirap pala kung nagmahal ka tapos hindi ka nga mahal at mas masaya sya sa iba. Idagdag mo pa na umpisa pa lang, alam mo ng hindi ka nga niya gusto pero pinagpilitan mo pa rin.

  

Sana, bata pa rin ako para yung mga luha ko, ay dahil sa inagawan ako ng kung anong laruan ng kapatid ko o kaya ay dahil sa napalo ako ni Mama dahil inaway ko yung kapatid ko. Mas masakit pa yung nararamdaman ko kesa sa palo ni Mama. Sana pinalo na ko ni Mama nung una para nagising ako sa katotohanang itigil na to. Itigil na ang pagmamahal sa maling tao.

  

Pero ayun nga, sa hinaba haba ng sinasabi ko, yung puso ko, iba pa rin ang sinasabi. Di ko naman sya madiktahan na ibahin yun. 

Mahal ko pa rin sya at handa akong masaktan kahit alam kong iba ang tinitibok ng puso nya. I-two time mo man ako, ayos lang. Ayos na yung marinig sa bibig mo na mahal mo din ako kahit kasinungalingan lang. 

(Book 2) She's No Longer the Ice Princess (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon