mabilis ang takbo...
walang hinto...
kasabay ang hingal...
kasabay ang bilis ng tibok ng puso...
gusto kong tumakbo ng tumakbo. yung tipong walang makakahabol sakin. ayoko na sa loob ng bahay. gusto ko lang tumakbo. yung walang makakakita sakin pagtapos ko tumakbo..
ha. ha. ha. ha. ha (hinihingal)
grabeng pagod to! bat parang ang gabi na?! ang dilim na agad! kanina pa ba ako tumatakbo?
(tumingin sa relo) 5.30pm pa lang naman. bakit parang alas-syete na. ang bilis naman dumilim! wew!
unti-unting dumidilim..
unti-unting humihina ang ingay...
nagiging tahimik ang buong paligid...
ano to?! nakakabingi yung katahimikan? O_O
wala akong marinig... (pinagpapawisan ng matindi..)
bakit nawawala na yung mga tao sa labas? nasaan na sila? nasaan na ang ingay na dulot ng pag-aaway ng mga mag-asawa sa ibang bahay? nabibingi na ako!!!!
may mahinang tunog...
unti-unting papalapit..
unti-unting papalakas...
(kinakabahan)
ano yun?! nasa likod ko?! lumalakas ang tunog... (pinapawisan na)
papalapit na sakin.. (ang tunog ng yapak ng isang naglalakad sa kanyang likod)
nawala ang tunog...
humangin....
" ... ............ ..... .... ......"
O_O syet! ano tong naramdaman ko?! may hangin na umiihip sa aking kanang tenga! uminit ang tenga ko. wala na akong maramdaman.. wala na akong lakas para gumalaw. bakit ganito, hindi ko maihakbang ang binti at paa ko para tumakbo papalayo sa dilim na ito..
(tatangkain na sanang tingnan ang nasa likod nya)
(hinga ng malalim.. sabay lunok)
biglang...
unti-unting lumiliwanag
bumabalik ang ingay...
bumabalik na sa dati ang lahat...
lalong lumakas ang ingay...
(hip-hop music plays in) ♪ ♫
SYET!!!! ANG INGAYY!!! O_O
BINABASA MO ANG
30 Seconds of Darkness
HorrorMartin living good in a village then after one day, he ended up running in a very dark place. This is where the story begins. 30 seconds of darkness will let you scream to the fullest, so never let yourself to be alone in the dark.