*Chapter 17 (Part 2)
[Lea's POV]
Andito ako ngayon sa bahay ni Lenard. Napagdesisyunan kong kausapin siya. Siguro nga tama si Levy. Mas gagaan ang pakiramdam ko kung kakausapin ko siya.
Pinindot ko ang doorbell. Pagkaraan ng tatlong pindot, ay bumukas naman ang gate. At doon nakita ko nanaman siya. Ang taong dumurog ng puso ko. Ang taong mahal na mahal ko parin hanggang ngayon. 'Di ko parin maiwasang masaktan.
"Oh? Lea? Anong ginagawa mo dito?" pamungad na tanong niya. Naaalala ko yung mga panahong pinupunta niya'ko dito sa bahay na ito. Lagi kaming masaya. Nagmamahalan. Pero ngayon, WALA NANG LAHAT.
"Pwede ba tayong mag-usap?" pinipigilan kong manlumo. Ayokong ipahalata sakanya na ang tanga-tanga ko. Save it all later, Lea.
"Sige. Magpapaalam lang ako kay Jane" sabay talikod niya at nagkalukat ng phone niya. Siguro itetext or tatawagan si Jane.
Naaalala ko naman yung mga panahong saakin siya nagpapaalam sa tuwing may pupuntahan siya na hindi ako kasama. Namimiss ko na yung; "Patpat, pwede ba'kong sumama kina Allen? Pupunta sila sa Bar. Birthday ni Emmanuel ngayon eh. Inakit nila ako"
"L-Lea? Ayos ka lang ba? Ba't ka umiiyak?" hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Agad ko namang pinunasan iyon.
"O-Oo. Ayos lang ako. So, pumayag ba s-si J-Jane?" nasasaktan ako. Baka 'di ako maka-survive dito. Baka manlumo agad ako.
"Ha? Oo. Pumayag siya. So, tara na?"
"S-sige"
***
Pumunta kami sa isang malapit na Park. Naka-upo lang kami sa isang bench. Hindi ko alam kung bakit kanina pa kaming tahimik. Ewan ko. Parang biglang umurong ang dila ko.
"So...Ano nga ulit ang pinunta natin dito?" pagpuputol niya sa katahimikang namamagitan sa'ming dalawa.
"Ahhmm...Ahh.." 'pano ko ba sisimulan 'to.
"Hmm..so, kamusta?" sinubukan kong maging maayos.
"Ayos naman. So far so good. Ikaw? Kamusta na? It's been a long time" yeah. It's been a long time. At mahal parin kita. Ang tanga ko 'no? Gusto ko sanang yan ang sasabihin ko sakanya, pero hindi ko kaya.
"Yeah. A long time" mahinang sabi ko.
"So, I heard boyfriend mo daw yung lagi mong kasama? Levy, right?" hindi. Hindi ko siya boyfriend. Dahil ikaw ang hinihintay ko kahit na may iba ka na.
"Hindi ko sya boyfriend. Kaibigan ko lang siya. But--" pinutol niya ang sasabihin ko.
"But he's courting you" pagpapatuloy niyang sagot na para bang alam niya lahat ng nangyayari sa buhay ko.
Umiwas ako ng tingin tsaka mahinang sumagot."Yeah" ngumiti ako ng mapait.
Naaalala ko yung mga panahong nililigawan pa niya ako. Yung mga araw na lagi ko siyang kasama. Kaya lang balewala nang lahat ng iyon. May mahal na siyang iba.
"Ahm, Lea?"
"Hmm?"
"I'm sorry...For what I did a very long time ago. I didn't mean to hurt you..I'm sorry. I hope you'll forgive me" at dun na tuluyang tumulo ang mga luha kong kanina ko pang pinipigilan.
Tumawa ako ng mapait. "Ang tanga ko Lenard, 'no? Hahaha. Kasi, kasi..alam mo? Mahal pa rin kita! At nasasaktan pa rin ako. Ang tanga 'no? Haha. Grabe. Ang tanga ko" at umiyak lang ako ng umiyak. Naramdaman ko namang niyakap niya'ko.
"Sorry Lea, I'm sorry" paulit-ulit niyang sinasabi.
Kumawala ako sa yakap niya at tumayo. "Ano ba kasing meron sa'yo!? At hindi kita makalimutan!?" at tumakbo ako. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa...
"LEAAAAAAA!"