*Chapter 13
FACT: Mas madaling sagutin yung tanong na "Mahal mo ba siya" kesa "MAS mahal mo ba siya"
[Myka's POV]
~ It took one look
And forever laid out infront of me
One smile and I died
Only to be revived by you ~
Nagising ako dahil tumunog yung cellphone ko. May tumatawag? Himala. "Kuya Romel Calling" Romel? Ano nanamang kailangan nito?
"Hello?"
"Mag-usap tayo"
"Ha? Bakit?"
"Itetext ko sa'yo kung saan"
*toot toot toot toot*
Eh? Mag-usap daw kami? Bakit?
BEEP..BEEP..
From: Kuya Romel
Sa Park sa Subdivision niyo. Ala-una.
Mukhang seryoso talaga siya. Kaya naligo na ako at nagbihis. Pumunta ako sa Park ng 12:45. Nakita ko siya.
"Anong pag-uusapan natin?"
"Myka, may gusto ako sa'yo. Myka, hindi ko alam. Mahal na ata kita e"
"Sorry"
"Mahal mo ba siya?"
"Mahal kita, pero--"
"Pero bilang kaibigan lang? Lagi naman eh. Tss"
"Romel sorry"
"Mas mahal mo siya diba?"