Chapter 1

50 1 0
                                    

Nagising na lang si Ruth na basang basa ng pawis at uhaw na uhaw. "Parang totoo. Ano na kayang ibig sabihin ng panaginip na yun?" Agad na umalis sa higaan ang dalaga at uminom ng tubig. Naghahanda na ang dalaga sa pagpasok sa opisina nang mapatingin siya sa kalendaryong nakapatong sa study table niya. "Ilang linggo na lang twenty five na ako. NBSB pa rin ang peg ko. Pa'no na ang biological clock ko?" Nanghihinang napaupo na lang sa kama ang dalaga. Makalipas ang ilang minuto, napagpasiyahan na rin niyang umalis na bago pa siya mahirapang makakuha ng masasakyan.

Pagdating sa opisina, "Good morning mga bakla!" sigaw na bati ng dalaga sa mga katrabaho niya. "Oh, so you're here Ms. Sebastian. Please take a seat and we'll begin the meeting." Pagbati sa kanya ng kanilang Team Leader. "Patay! Bakit ang aga aga eh nandito si Mr. Sungit?" tanong ni Ruth sa kaibigang si Hailey. "Medyo masama ang lagay ng company natin dahil wala na masyadong mga customer na tumatawag. Alam mo naman seasonal ang account natin, girl." Paliwanag ni Hailey.

Mag-iisang taon ng empleyado sa isang contact center si Ruth at ang kaibigan niyang si Hailey. Mga trainee pa lang sila ay magkasama na sila sa gimikan, kalokohan at kahit sa mga problema pa man. Si Hailey ang tanging nakakaalam ng kaniyang wish na magkaroon na ng kulay ang kanyang love life. Ito rin ang madalas na magkwento sa kaniya ng romantic na mga dates nila ng boyfriend nito. Sa mga naikwento sa kanya ng kaibigan, nakabuo siya ng isang ideal guy. Habang nagmumuni muni, "Yes, Ms. Sebastian, is there something bothering you?" tanong sa kanya ng kanilang Team Leader. "Uhm, yes, I mean no sir. I'm sorry." Sabay upo ng maayos upang makinig sa kanyang boss.

"Guys, we really have to do good this week so we can end up at one hundred ten percent to goal. Understood?" pagtatapos ni Luke sa kanilang team meeting. "Yes, Sir!" sabay sabay naman ang pagsagot ng mga kasamahan nila sa trabaho.

"Girl, anong nangyari sa'yo kanina? Akala ko mabebembang ka na ni Sir Luke." tanong ng kaibigang si Hailey. "Ewan ko ba girl. Malapit na akong mag twenty five, until now NBSB pa rin ako. Tapos patapos na ang season ng company natin. Mawawalan tayo ng work sa loob ng six months. Dilemma yata ang tawag dito girl." madramang inarte ng dalaga sa kaibigan. "Hay! Alam mo, instead na yang mga yan ang iniisip mo, gawin mong inspiration ang mga yan para maka hundred and ten percent to goal ka ulit. Para naman mas maging mabait si Sir Luke sa'yo. Sa'yo lang siya concerned eh." panunudyo ng kaibigan. "Ano ka ba girl. Wala yun. Saka hindi ko siya type. Masungit siya, arogante, mainitin ang ulo at higit sa lahat hindi niya ako magugustuhan." pangangatwiran naman ng dalaga. Saka sila nagsimulang mag-trabaho na.

"Hindi ka pa ba uuwi, Ruth?" tanong ni Hailey sa dalagang abalang abala sa pagtapos ng report. "Sige lang girl, mauna ka na. Hindi pa ako natatapos sa pinaka huling report na dapat na maipasa ko end of day eh. Malapit na ito. Itetext na lang kita pag nakauwi na ako. Ingat kayo ng jowa mo." sagot ng dalaga. "Okay! Mag-ingat ka rin at please, make sure to text me when you get home." Tanging tango lang ang naging sagot ng dalaga sa kaibigan.

Matapos maisend ang kanyang end of day report, nagmamadaling nagligpit ng gamit si Ruth dahil sa takot na maiwanan mag isa sa loob ng opisina. Sa pagmamadali, may malaking bulto siyang nakabangga sa hall way. "Ayy.. Ano ba naman kasi ang laki ng hall way hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!" Galit sa sigaw ng dalaga. "I'm sorry Ms. Sebastian. I was in a hurry kasi magsasara na ang building. Bakit nandito ka pa? Dapat kanina pa kayong nakauwi ah." Sagot ng lalaking nakabangga ng dalaga. "Ay, Sir Luke kayo po pala. Pasensya na po nasigawan ko kayo. Nagmamadali na nga po ako kasi baka magsara ang office building at ma-trap ako rito mag isa." Namatay ang mga ilaw habang nag uusap silang dalawa. Hudyat na sarado na ang office building at wala nang kahit na sino ang makakalabas ng opisina.

"Damn! We're trapped!" Sigaw ni Luke. Bilang madilim sa paligid at dala na rin ng pagkagulat, hindi namalayan ni Ruth na nakayakap siya sa binata. "I'm sorry Sir Luke, I was just terrified. Si manong kasi hindi man lang nag text na magsasara na ang office building. Pa'no na 'to? Tiyak na hindi na tayo makakalabas." hinging paumanhin ng dalaga bagama't halata sa boses nito ang takot at kaba. "Don't worry, I have a room here where I stay whenever I need to work on something. We can stay there." Pang aalo ng binata. "Sir? Tayong dalawa?" tanong ng dalaga, "Oo, bakit? May problema ka ba? May magagalit ba o di kaya ay mag seselos sakaling ako ang kasama mo sa magdamag?" Balik tanong ng binata. "Ah, eh, wala naman po Sir. Pero kasi, ano po eh, hindi ako sanay na may kasamang lalaki sa iisang kwarto lang." Inosenteng pangangatwiran naman ng dalaga. "I knew it. Miyembro ka rin pala ng NBSB." Pangangantiyaw ng binata. Wala nang nagawa ang dalaga kundi ang magpatianod na lang sa kagustuhan ng kanyang Boss.

Soul MatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon