Chapter 2
Habang nasa trabaho, laman ng isip ni Ruth ang mga sinabi ng kaibigan na baka ang boss na nga nila ang kanyang the one. "Impossible! Hindi yung pwedeng mangyari. Hindi ang isang tulad ko ang magugustuhan niya." naisatinig ng dalaga. "What were you saying Ms. Sebastian?" tinig ng isang binata ang nagpabalik sa kanya sa malalim na pag-iisip. "Ay Sir Luke. Kayo po pala. May kailangan po ba kayo?" pag-iiba niya ng usapan. "Wala naman. I was just wondering if you will be working over time or uuwi ka na kaagad." sagot ng binata. "Baka po uuwi na ako kaagad. Bakit niyo po naitanong Sir?" balik tanong ng dalaga. "I just want to treat you to dinner kasi kaninang umaga, ikaw ang nagprepare ng tuna sandwich para sa akin." paanyaya ng binata. "Nakakahiya naman po Sir. Baka po abala na ako sa inyo. 'Wag na lang po." tanggi ng dalaga. "C'mon. I insist. Bilang kapalit, araw araw mo na lang akong ipaghanda ng sandwich para sa breakfast ko. Ano, call?" Pangungumbinsi ng binata. "Uhm, sige po. You said, you insist eh. Not a problem. Send ko lang po ang end of day report ko, Sir." Paalam ng dalaga.
Habang nag-aayos ng gamit, hindi pa rin mawala sa isip ng dalaga ang mga tanong na bakit siya inimbitahan ng binata na kumain sa labas. Talagang ininsist pa niya. "He insist daw. Ano kayang meron?" tanong ng dalaga sa kanyang sarili. "It's good to see you ready to leave the office building. Tara na?" bati ng binata sa dalaga na siyang nagpabalik sa kaniya mula sa mga iniisip niya. "Tara!" Sabay na naglakad ang dalawa patungo sa kinapaparadahan ng sasakyan.
"You might seem to be wondering why I asked you out. Gusto ko lang. Trip ko lang, at ang hinihingi ko lang sa'yo ay wag mo akong tatanggihan." Pagbubukas ng usapan ng binata. "Ah, Sir, hindi po ba nakakahiya sa mga katrabaho natin? Baka po tayo ang maging bulung bulungan sa loob ng office building." katwiran naman ng dalaga. "Stop thinking about what they will say about you and I. Hayaan mo sila. We are now out of the office that means I am no longer your boss." Sansala naman ng binata sa katwiran ng dalaga. "Sabagay, may point ka dyan Sir." pagsang-ayon naman ng dalaga. "Will you quit calling me Sir? I just told you, I am not your boss pag nasa labas na tayo ng office building diba? Anyway, nakahanap ka na ba ng ibang trabaho na mapapasukan mo? Patapos na ang season ng company natin." Litanya ng binata. "Ah, eh, Sir, I mean Luke. Wala pa akong nahahanap na work, pero in the mean time, habang naghahanap ako ng trabaho, naisipan kong magtinda na lang muna ng meryenda sa labas ng bahay namin.Tutal, summer naman ngayon, siguradong namimiss na ng mga tao ang halo halo at iba pang mga meryenda na ako lang ang nakakagawa." Pagmamalaki ng dalaga. "Magandang idea yan! Okay lang ba na doon na rin ako magmeryenda pagkagaling ko sa business ko?" Tanong ng binata. "Syempre naman. Kahit libre pa. Lakas mo sa akin eh." natatawang sagot ng dalaga.
Narating na rin nila ang Dampa. Isang bagong sea food restaurant sa may Ortigas Avenue. "Anong order mo Ruth?" tanong ng binata. "I'll have inihaw na pusit at kanin." tugon ng dalaga. "Ako, I'll have relyenong bangus, sinigang na hipon saka itlog na maalat na may kamatis." tugon naman ng binata. "Ang dami mo naman inorder Luke. Dalawa lang tayo. Anong okasyon?" puna ng dalaga. "Wala naman, nagutom ako eh. Kailangan ba may okasyon para mag-yaya akong kumain sa labas?" balik tanong naman ng binata. "Hindi naman. Medyo nakakapagtaka lang na ako ang kasama mo at hindi ang girlfriend mo." katwiran ng dalaga. "If that is your way of asking if I have a girlfriend, the answer is no, I don't have a girlfriend. To satisfy your mind from asking the question why, dahil walang magkamali sa akin." Dire-diretsong komento ng binata. "Weh? Walang nagkakamali sa'yo? Baka naman choosy ka lang talaga sa mga babaeng type mo. Anong bang ideal woman mo?" tanong ng dalaga. "Ideal woman? Hindi ako nakaisip kahit minsan na bumuo ng ideal woman. Basta alam ko, ibibigay yun sa akin ni Lord. Hinihintay ko lang siya. Alam ko hinihintay lang din niya ako." madamdaming pahayag ng binata habang nakatitig sa mga mata ng dalaga.
Walang imikan ang dalawa habang nilalantakan ang kanya kanyang mga orders. "Ruth, may dumi ka sa mukha." pinunasan naman ng dalaga ang kanyang mga labi. Bilang may natirang sauce sa gilid ng kanyang mga labi, agad namang pinahid ni Luke ang bahaging maamos. "Nakakaaliw kang kumain ng inihaw. Makalat, para kang baby." natatawang puna ng binata sa dalaga. Hindi naman maka-react ang dalaga dahil sa naramdaman niyang kakaibang kilabot sa paglapat ng daliri ni Luke sa gilid ng kanyang labi. "Huh? Grabe ka naman sa akin, Luke. Baby pa naman talaga ako ng nanay ko ah." tugon ng dalaga. "Okay, okay, you win. Anong gusto mong desert?" tanong ng binata nang matapos na silang kumain ng hapunan. "Sa bahay na lang Luke, nag bake ako ng cake kagabi. Since dalawa lang naman kami ng nanay ko, tulungan mo kaming lantakan ang cake." paanyaya ng dalaga sa binata. "Oo ba, mahilig ako kumain ng mga cakes. Anong flavor ang cake na binake mo?" pagsang ayon naman ng binata. "Chocolate fudge. Mahilig kasi ako sa matamis, pero 'wag kang mag-alala I'm sure magugustuhan mo yun. I always see to it na hindi nakakaumay ang mga gawa ko para makain ng nanay ko kasi mataas rin ang blood sugar niya so moderate lang ang tamis." pagmamalaki naman ng dalaga.
Habang nasa daan papunta sa bahay nina Ruth, pakanta kanta lang ang binata habang nagmamaneho. "Siya nga pala Ruth, madaya ka. Naitanong mo na sa akin ang ideal girl ko, samantalang ikaw, wala kang naulit sa akin. Anong ideal man mo?" Tanong ng binata. "Para sa akin, hindi ako nag set ng standards ng isang ideal na lalaki although dati meron. Pero na-realize ko na hindi dapat ako mag set ng standards kung anong klase ng lalaki ang mamahalin ko. Ang mahalaga, pagnagkita na kami, alam namin na kami ay bigay ni Lord sa isa't isa." Mapangarap na sambit ng dalaga. Luke find Ruth so refreshing na parang pag kasama niya ang dalaga, nakakalimutan niya ang magulong mundo ng BPO na puno ng stress. She was his peace.
BINABASA MO ANG
Soul Mates
Teen FictionIf you believe in true love, destiny and fate, then this story suits you... samahan natin si Luke at Ruth sa kanilang love story...