Pagdating sa tahanan ng mga Sebastian agad na pinatuloy ni Aling Laling ang binata upang makapag himagas. "Halika na hijo at nang matikman mo ang cake na ginawa ni Ruth. Hindi mo pagsisisihan na pinaunlakan mo ang kanyang imbitasyon." Masiglang paanyaya ni Aling Laling sa binata. "Maraming salamat po Ma'am." tugon naman ng binata. "Anong ma'am? Hindi mo ako teacher. Diyaskeng bata ito, Tita Lalaine na lang ang itawag mo sa akin." Pagtatama ng may edad nang ginang. "Hala sige na kumain na kayo at ako ay mamamahinga na." Pamamaalam ng ginang.
"Pasensiya ka na sa nanay ko ha. Mukhang natuwa siya sa'yo Luke. Sa lahat ng mga kaibigan kong lalaki, ikaw lang ang pinakitaan ni Nanay ng pagkamalambing. Weird. Ano kayang nakain nun?" natatawang paghingi ng paumanhin ng dalaga sa bisita. "Okay nga siya eh. Tita Lalaine. Maganda ang pangalan ng nanay mo." natutuwang tugon ng binata. Halatang aliw na aliw ito sa pagtataka ng dalaga. "Kahit Laling ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya at ng iba kong mga pinsan? Haay kakaiba si nanay. Nagmumurang kamatis lang ang peg?" natatawang sagot ng dalaga habang nilalagay sa platito ang mga hiniwang cake. "Mukhang masarap nga ang ginawa mong cake ah. Tara, sentensiyahan na natin 'yan!" excited na sabi ng binata sa dalaga. "Hinay hinay ka lang sa pagkain baka mamaya niyan mapalitan ng tabs ang abs mo." natatawang paalala ng dalaga. Habang tahimik silang kumakaing ng cake, napansin ni Ruth na may dumi sa gilid ng labi ni Luke. "Luke, may dumi ka sa pisngi." Agad na pinunasan ng binata ang pisnging nalagyan ng icing. Bilang may natira pa, pinahid ni Ruth ng daliri ang natirang icing saka ito sinipsip mula sa daliri. "Yun ang paborito kong ginagawa sa nanay ko sa tuwing kumakain kami ng cake." sambit ng dalaga. Hindi alam ni Luke kung anong sasabihin niya dahil sa naramdaman niyang kakaibang sensasyon sa ginawang pagpahid ni Ruth sa kanyang mga labi.
Luke found it so intimate na kinain pa ni Ruth ang icing na naiwan sa gilid ng kanyang mga labi. Mula nang gabing 'yon, hindi na nawala sa isip ng binata ang dalaga. "Ruth, anong meron ka at hindi ka mawala sa isipan ko?" tanong ng binata sa kanyang sarili. Hanggang sa nakatulugan na niyang laman ng isipan ang dalaga.
"Good morning nanay!" masiglang bati ng dalaga sa kanyang ina. "Good morning din anak. Mag-agahan ka muna bago ka pumasok tutal eh maaga pa naman." Paanyaya ng ginang. "Sige po 'nay. Gagawa lang ako ng tuna sandwich. Request ni Luke bilang kapalit ng dinner namin kagabi." sagot ng dalaga. "Infairness anak, gwapo ang batang 'yon at mukhang napakabait din. Boto ako sa kanya para sa'yo." Nanunuksong sagot ng ginang. "'Nay naman! Magkaibigan lang kami. Hindi ako ang hinihintay n'on, at malamang, hindi rin siya ang laan ni Lord para sa akin." Katwiran naman ng dalaga. "Alam mo anak, hindi mo malalaman kung sino ang nakalaan para sa'yo. Minsan, it takes time para masabi mo na siya na nga ang laan sa'yo. God knows what lies ahead, pero ikaw, hindi mo alam. Malay ba natin kung si Luke ang 'the one' mo." Litanya naman ng ginang. "Hay naku 'nay. Kain na lang tayo kung anu ano ang iniisip niyo dyan samantalang dati, kayo pa itong nagpapa alala sa akin na maghintay. Sabi mo pa nga True Love waits. Kaya heto ako ngayon, "No boyfriend since birth." tugon naman ng dalaga. "Aba! Mapalad ang mapapang asawa mo dahil iningatan mo ang sarili mo para sa kanya!" Sanasala naman ng ginang. "'Yan naman ang gusto ko sa'yo 'nay."
Nang makakain ng agahan, agad na nag-abang ng jeep na masasakyan papasok ng trabaho ang dalaga. Habang nag-aabang, nakita ni Luke ang dalaga kaya't agad niya itong tinawag at inimbitahang isabay na sa pagpasok. "Luke, nakakahiya naman. Kahapon sabay na tayo, pati ba naman ngayon? Kung hindi lang ako nahihirapang makasakay, tatanggihan na kita eh." nahihiyang katwiran ng dalaga. "Nasaan ang tuna sandwich ko?" pagbabale walang tanong ni Luke sa mga sinabi ng dalaga. "Ah oo nga pala. Heto oh, dalawa yan para siguradong busog ka. Sinamahan ko na rin ng canned coffee. Enjoy!" sabay abot ng inihandang almusal. "Subuan mo ulit ako, Ruth. Please." paglalambing ng binata. "Ay sumosobra na ang mama! Kahapon, nagpasubo, ngayon magpapasubo ulit?" nanunudyong tanong ng dalaga. "Sige na, nakita mo naman na nag da-drive ako eh. Saka anu ba ang masama na sinusubuan mo ako? Wala namang magagalit ah." himig pagtatampo naman ng binata. "Sige na nga. Pasalamat ka mabait ako." pagpapatianod ng dalaga.
Pagdating sa opisina, masayang nagsimulang magtrabaho si Ruth. "Bakla! Anong ibig sabihin ng nakita ko sa parking lot?" naghihinalang tanong ni Hailey. "Anong nakita mo, teh?" nagtatakang tanong naman ng dalaga. "Sabay kayong pumasok ni Sir Luke? Sinundo ka ba niya?" tanong ng kaibigan. "Ah, yun ba? Hindi niya ako sinundo. Nagkataong taga Pateros si Sir Luke kaya natural na madadaanan niya ang abangan ng mga pasahero. Nakita niya ako d'on kaya sinabay na niya ako. May masama ba dun?" pagkukwento naman ng dalaga. "Hmm wala naman. Pero kagabi daw balita ko nag dinner kayo sa Dampa. Totoo ba 'yun? Bakit hindi mo ako binabalitaan ha?" pagtatampo naman ng kaibigan. "Grabe naman ang mga balita na 'yan teh. Walang malisya yun. Nilibre lang niya ako ng dinner kapalit ng almusal na tuna sandwich na binigay ko sa kanya kahapon ng umaga." sagot naman ng dalaga. "Ah... So, wala talagang meron sa inyo? As in hindi siya nanliligaw sa'yo or nagpaparamdam man lang? Alalahanin mo girl, one week na lang birthday mo na." concerned na paalala ng dalaga. "Wala nga teh. Kung meron man, siyempre ikaw ang unang makakaalam. Pambihira ka talaga. Huwag ka nang maingay dyan at baka maging tampulan pa kami ng chismis."
Magaan ang pakiramdam ni Ruth hanggang sa matapos ang shift nila. Last day na nila sa opisina sa susunod na araw. May end-season party na magaganap sa susunod na araw at ni-request ni Luke na siya ang mag bake ng cake. "Luke, nakakahiya. Ako na lang mag-isa ang mamimili ng mga kakailanganin. Malapit lang naman ang grocery sa bahay namin eh." nahihiyang pagtanggi ng dalaga. "Ruth, you are doing me a favor and this is just something that I can do in return. Ayaw mong magpabayad. Ayaw mo rin akong isama sa grocery. I will not let you go alone. Sasama ako at tutulungan kita sa pagbake ng cake. Bawal tumanggi." litanya naman ng binata. "Okay. Makulit ka eh." pagsuko ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Soul Mates
Teen FictionIf you believe in true love, destiny and fate, then this story suits you... samahan natin si Luke at Ruth sa kanilang love story...