CHAPTER 8

9 2 0
                                    

Althea's POV

Biglang may lumabas na gwapong lalaki sa gate..OMO!!ang cutie naman ng isang toh..

"Ohh Elly nandyan kana pala"biglang napatingin sa akin si Mr.Cutie syempre ngitian ko"Elly sino yang kasama mo?"

Hindi manlang ako ngitian-_- ang suplado naman nito nakakaturn-off sayang gwapo pa naman.

"Ahh..kuya nakita ko kasi siya nung kumukuha ako ng mansanas sa gubat tapos kamuntikan ko siya natamaan nung nagpapana ako kaya yun nalaglagan siya ng mansanas sa ulo,gusto ko lang sana kuya na gamutin yung bukol niya bago siya makauwi"napatingin naman sa akin si Mr.Suplado wala paring reaksyon yung mukha sayang yung kagwapuhan ng isang to

"Sige pumasok na kayo"pinagsisisihan kong nginitian ko pa tong lalaki na to :(

Pumasok na kami sa loob ng bahay nila,bungad pa lang nang bahay napakaganda na,may mga santan at bermuda grass sa paligid*.*

"Ate kuha lang ako ng ice hah.."tumango lang ako sa kanya,inilibot ko ang mata ko sa loob ng bahay..

Ang cute ng bahay na ito..gawa siya sa bricks,paikot yung metal na hagdan papunta sa itaas..napansin ko din sa labas kanina ng bahay nila na meron ding Veranda..tiles yung sahig at ang bango-bango ng paligid..

"Tapos na ba maglibot yung mata mo?"halos mapatalon ako sa gulat paano naman kasi ang tahimik ng atmosphere tapos bigla na lang may magsasalita sa gilid ko

Hindi ko siya pinansin...uso na rin naman na siguro yung revenge diba?dinedma niya ako kanina edi dedma din siya sakin ngayon..sa ganda kong to dededmahin lang ako?! >:/

"Sungit naman nito"bulong niya umalis na siya sa gilid ko at umakyat sa hagdan

Akala niya hindi ko siya narinig?!bubulong na nga lang ang lakas lakas pa sheeezz!!sarap niyang batuhin ng tsinelas ohh!!

"Ate eto na yung yelo pasensya na walang ice cube eh kaya binitak ko muna ng maliliit yung ice sa ref."inabot niya na sa akin yung telang may yelo,tinanggap ko naman ito at idinampi sa ulo ko

"Ate ano nga palang dapat na itawag ko sayo?"hindi ko pa pala nasasabi yung pangalan ko sa kanya kanina pa

"Ate Althea na lang itawag mo sa akin..sayo ba?"nakangiti lang ako habang kinakausap ko siya

"Elly na lang po ate"ngayon ko lang napansin na may dimple pala siya sa pisngi..ugghh..ang kyot!!sarap pisilin ng pisngi nito namiss ko tuloy si Kitty XD

"Nice to meet you Elly"inilahad ko yung kamay ko sa kanya at inabot niya rin ito

"Nice to meet you din po Ate Althea"nagshake hands kaming dalawa ng matapos yon nagtanong uli siya sa akin

"Ate saan ka ba nakatira?para maihatid na lang kita mamaya.."nako patay na anong sasabihin ko...

Isip..isip...

Tingg!!!alam ko na XD

"Okay lang ako Elly ulo lang naman yung napuruhan sa akin hindi naman yung paa kaya,kaya ko kahit ako na lang mag-isa yung umuwi"para akong nilalamon ng kaba dahil sa mga sinasabi ko ibahin ko na nga lang yung topic

"Elly ano palang pangalan nung supladong kasama mo dito?"bakit ba yun yung lumabas sa bibig ko as if naman interesadong-interesado ako sa mokong na yon

"Ahh hahaha!si Kuya Dan yun ate wag kang mag-alala masungit lang yun sa una kasi hindi pa kayo gaanong close pero kung nakasama mo na siya ng matagal im sure makikilala mo yung tunay na pagkatao niya"mukang naging interesado ako sa mga sinabi niya...

"Ahhh okay"na-speachless tuloy ako..^-^

"Hhmm...Ate Althea anong oras po ba kayo uuwi?"anong oras nga ba ako uuwi miski ako hindi ko pa alam....O.O omygosh wala pa lang kasama si Lilia sa bahay...

"Ano na bang oras mo dyan Elly?"tumingin siya kaagad sa wrisk watch niya

"9:00 am po ate"halos naka-isang oras pala ako dito actually maaga pa naman kaso hindi ako pwedeng magtagal hindi na kinakaya ng konsensya ko na iniwan ko sa bahay mag-isa si Lilia

"Ahmm Elly thanks pala hah pero i have to go wala kasing kasama yung pinsan ko sa bahay"aalis na sana ako ng maalala ko yung basket na hawak ko kanina nandun kasi yung libro e..

"Ahh Elly nakalimutan ko pala yung basket"dali dali niya namang kinuha yung basket at inabot sa akin

"Ate balik ka dito hah welcome kana din dito ee ba-bye"ngitian niya ako sabay nagwave siya ng kamay sa akin

"Oo naman babalik ako para makapagkwentuhan uli tayo sige bye"lalabas na sana ako sa gate nila ng magsalita siya uli

"Ate dalhin mo na din dito yung pinsan mo next time para hindi siya nag-iisa sa bahay niyo"then he giggled

Napatawa na lang tuloy ako

"hehehehe!!oo sige next time alis na ako hah"

"Ingat ka ate"matapos niya akong ngitian tumakbo na ako paalis at bumalik sa lugar kung saan naroon yung mga cherry blossoms

Madali lang ako makamemorize ng way kaya hindi ako nawala pero paano nga ba ako makakaalis dito?

Oo nga pala yung libro..

Kinuha ko na yung libro...sa tingin ko yung nasa ibaba ng unang mga salita sa unang pahina yung sasabihin ko para makalabas ako dito napaka-obvious kasi ee..wait basahin ko lang uli

'AKO AY PABALIKIN SA MUNDO NG KATOTOHANAN,SA MUNDONG AKING PINAGMULAN NG WALANG KAPANGYARIHAN'

Tama yung hinala ko biglang nagpakita sa harap ko yung lagusan nilagay ko uli yung libro sa loob ng basket at pumasok na ako sa lagusan..

***

Bumalik na ako sa kwarto ko at bumalik na rin sa pagiging antique na closet yung lagusan na dinaanan ko..

Hawak ko pa din yung basket pero wala ng yung mga cherry blossoms sa loob nito:( sayang naman ipapakita ko pa sana kay Lilia yon

"Ate Althea kain na!"

What??kakain na naman ako?

Binalik ko na naman sa maleta yung mga damit ko bago ako bumaba..

Akala ko ba 9 palang?ee bat kakain na kami kaagad?

Tumingin ako sa wall clock na nasa taas lang ng t.v.

O_o sabi ni elly 9:00 pa lang ee bakit 11:13 na??oo nga pala nakalimutan ko iba ang mundong yon kumpara sa lugar na ginagalawan ko ngayon..

So it means na mas matagal ang oras doon kesa dito...mas maganda pala dun ee...namiss ko tuloy agad yung mga cute na cherry blossoms..

"Ate nagluto na ako ng kaldereta"nakangiting sabi niya sa akin habang kumukuha ng kanin

"Mukang mapapadami na naman nga yung pagkain ko e"then i chuckled

Sabihin ko na kaya sa kanya yung tungkol dun sa libro para makaalis naman kami dito sa bahay at makapasyal kila Elly grabe parang gusto kong libutin yung lugar na yon...

"Ate saan mo nabili yang sando mo?ang cute kasi ng kulay ee"napatingin naman ako sa suot ko..bumalik na din siya sa dati akala ko nakajumpsuit pa din ako pero bakit yung basket naidala ko dito?at saka nakapagtataka kasi inisip ko lang na sana nakajumpsuit ako tapos naging totoo..

Omo!!!!baka sa mundong yon may kapangyarihan akong mag-imagine ng bagay tapos magiging totoo mas lalo tuloy akong naging enteresadong bumalik doon..

"Ahhm..Lilia dalian nating kumain at maghugas ng plato ahh kase may ikukwento ako sayo tapos aalis tayo.."masayang sabi ko

"Ee paano tong bahay ate at saka wala tayong kasama.."nag-aalalang sagot niya sakin

"Edi ilock natin tong bahay at saka meron tayong kasama"nakangising sabi ko sa kanya

"Wag mong sabihin na mga boys yan ate?.."nakakunot noo niyang tanong

"Oo pero para mas maintindihan mo ikukwento ko sayo lahat mamaya"sagot ko sa kanya

Binilisan na naming kumain,naghugas ng plato at dumiretso na kami kaagad sa kwarto ko

--------------

One's Upon A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon