CHAPTER 10

6 0 0
                                    

Althea's POV

Gabi na din kaming nakarating sa bahay ayun nagkwentuhan lang kami...naikwento na din namin yung about sa libro at ito nga yung nangyare:

>Flashback<

Kanina pa kami nagkukwentuhan dito kasama yung mokong na nagngangalang Dan tsss!!maganda din siyang kausap este silang dalawa pala ni Elly

"Saan pala kayo nakatira Lilia"tanong ni Dan

Omg!hindi ko pala naikwento kay Lilia yung tungkol dito..(o.o)

"Nakatira kami sa Earth kuya nakapunta lang kami dito dahil dun sa libro diba ate?"tumingin pa siya sa akin na nakangiti yung tipong may ine-expect siyang sagot..

"He-he-he oo tama..tama..tama..."wala na...sikreto ko muna dapat ito ee

"So natrapped din kayo dito?"tanong samin ni Elly

"Hhmm...nope nakakalabas kami kuya dahil sa magic word na sinasabi ni Ate Althea."sagot na naman ni Lilia...grabe yung dila ng batang ito wala manlang preno T.T

Ano kayang ibig sabihin ni Elly na 'natrapped'?

"Elly what do you mean...natrapped?"curious na sabat ko sa usapan nila

"Hmmm...mahabang kwento ate ee.."kahit mahaba pa yon gusto kong malaman kasi enterasado ako

"Ako na lang magkukwento Elly"prisinta naman ni Dan

Kaya po Dan na yung tawag ko sa kanya at hindi na mokong or Mr.Suplado kasi nagka-ayos na po kami kanina pero temporary lang (^_^)V

"Ahhmm ganto kasi yan...actually magkapatid talaga kami ni Elly,walang time sa amin yung mga magulang namin noon busy sila sa company namin lagi na lang sila gabi kung umuwi tapos sobrang aga naman kung pumasok kaya parang hindi sila nag-e-exist sa bahay.Hanggang sa isang araw may kamuntikan kaming mabangga na matanda dahil sa pagmamadali naming magmaneho tumakas kasi kami noon sa bahay kasi gusto na naming maglayas..kaagad naming tinulungan yung matanda dadalhin sana namin siya sa ospital kaso ayos lang daw siya humingi siya sa amin ng pagkain at binigyan naman namin...tinanong niya kami sa kung bakit kami nagmamadaling magmaneho at ayun nga kinuwento namin na maglalayas sana kami then may libro siyang inabot sa amin sa unang pahina non may nakasulat na mga word ang sabi sa amin nang matanda basahin daw namin yon at dadalhin kami ng libro sa lugar na mas makakabuti sa amin kaya matapos namin yung basahin napunta kami sa mundong ito at ayon nga hindi na namin ang alam ang pinto palabas pati yung mga ibang tao dito..nakapagtataka lang kasi...kayo pwedeng pumasok o lumabas dito kahit anong oras niyo gusto"ang haba nga talaga nung kwento nila pero nagets ko naman...

Pero kung kami may hawak na libro meron din kaya sa kanila?

"Na saan na yung libro na binigay sa inyo nung matanda"nakakunot noo kong tanong sa kanila

"Ahmm...matapos kasi kaming makapasok dito ate wala na sa kamay namin yung libro"kaya pala hindi sila nakakalabas sa lugar na to pero paano na lang sila makakabalik sa dati nilang mundo?

"So dito na lang kayo forever??"tanong naman ni Lilia

"Noon nagpakita uli sa amin yung matanda,ang sabi niya darating daw ang prinsesang itinakda para palayain kami sa mundong ito..siya yung magtuturo ng daan para makalaya lahat ng tao dito..."pero paano sila papalayain dito?

"Pero paano kayo makakalaya sa pamamagitan ng prinsesang itinakda?"usisa ko uli

"Hindi rin yon alam nung matanda eh pero ang sabi niya ang prinsesang itinakda lang daw ang mismong makakatuklas nun"buti pa kami ni Lilia nakakalabas dito pero...mukang okay at masaya naman dito ahh..okay na rin para sa akin ang manirahan dito...muka kasing wala sila gaanong pino-problema dito

"Althea pwede bang patingin yung libro niyo"sabi ni Dan sa akin..tumayo ako at kinuha kaagad sa basket yung libro..napansin ko lang...bakit biglang nagbago yung itsura ng libro?parang naging kulay ng ash o abo

"Ate diba hindi ganyan yung kulay niyan kanina?"tanong sa akin ni Lilia

"O-oo h-hindi nga ganto..."binuksan ko uli yung libro

Yung mga dating blangkong pahina nagkaroon ng mga disenyo..para siyang nilalagyan ng drawing mag-isa...lumapit na silang tatlo sa akin at pinagmasdan namin yung larawan...

Matapos yon maiguhit sa libro napansin namin na parang kami yung nakalagay sa larawan saktong sakto sa ang gulo namin habang nagkukwentuhan kanina...

Ang mas ikinagulat ko ng kusang sumara yung libro at naglabas ng maliliit na liwanag na kasinliliit ng glitter..

Bumalik uli sa pagiging kulay ginto ang libro ibinalik ko na ito sa basket at napa-upo uli kaming apat sa couch

"Ibang iba yung librong hawak ninyo kumpara yung sa amin"medyo gulat na sabi ni Elly

"T-talaga?"na-speechless na naman ako

"Hindi kaya...isa sa inyo ang itinakda??"may point si Dan wohhh....gumagana yung utak niya ngayon..pero paanong isa sa amin ang itinakda ee simpleng tao lang din naman kami..

"Paano mo naman nasabi?"curious na tanong ko

"Syempre sa lahat ng tao dito kayo lang ang nakakalabas at nakakabalik sa kahit anong oras na gustuhin ninyo sa lugar na ito samantalang kami hindi namin yun kaya dahil sa wala kaming hawak na libro tulad ng sa inyo"kapag dumaan kaya sila sa lagusan na dinadaanan  namin?oo nga no!baka makalabas din sila doon

"Subukan niyo kaya yung lagusan na pinagdadaanan namin?"sabi ko sa kanila,pinuntahan ko na yung basket at binitbit

"Baka hindi magwork"walang emosyon na sabi ni Dan sa akin...

Ang nega ng lalaking ito wala namang mawawala kung itatry ee

"Mas better siguro if we just try it diba wala namang mawawala ee"syempre think positive ako

"Oo nga try lang muna natin"buti naman agree sa akin si Lilia

Sinabi ko na yung magic word at nagpakita na yung lagusan

Pinauna naming pumasok si Elly pero lumabas lang siya sa likod nung lagusan

Nagtry uli siya pero ganun pa din yung nangyari siguro kami lang talaga yung makakapasok sa lagusan na yon...

"Mas mabuti pa sigurong magpahinga na muna kayo ate...kung gusto niyo bumalik uli kayo dito bukas para makapagbonding uli tayo"nakangiting sabi ni Elly

Napatingin naman ako kay Dan...mukang nag-iba na yung mood niya yung kaninang hyper bumagsak sa pagiging malungkot...

"Oo nga mas mabuti pa siguro"dagdag  naman ni Dan

Sinunod na namin yung mga sinabi nila at umalis na kami sa lugar na yon,pumasok na kami ni Lilia sa lagusan

>End Of Flashback<

Gabi palang excited na akong makabalik sa mundong yon feeling ko kasi mas exciting ang lugar na yon kesa sa mundong ginagalawan ko ngayon.

Pagkatapos kong ginawa yung daily routine ko tuwing gabi,nahiga na din ako at kaagad na nakatulog

Zzzzz....zzzzz....zzzzz

---------

One's Upon A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon