Althea's POV
Ang ganda talaga dito nagising kasi ako ng walang umiistorbo sa akin pero nakakamiss rin kasi nasanay ako :-/
Dumiretso na ako sa Cr at ginawa ko na yung daily routine ko tuwing umaga..
Pagkatapos nun ay bumaba na ako at nakita ko si Lilia na nakaupo na sa sofa at nanonood
"Goodmorning ate!"bati niya sakin
"Goodmorning din Lilia"sabay lumapit ako kaunti para tignan yung pinapanood niya...cartoons lang pala
"Ate magbreakfast ka muna nagluto na ako dun oh"ngumuso pa siya para ituro yung lamesa
Buti pa siya alam niya ng magluto ng kanin at mga ulam samantalang ako wala medyo nakakahiya na din kasi mas matanda ako ng kaunti lang naman sa kanya pero mas responsible pa siya sa akin..
Tumungo na ako sa table at kumain grabe ang sarap niyang magluto ng ulam meron kasi ditong fried chicken,Spaghetti,Tocino at Bacon...tataba ata ako rito..yum!yum!yum!!!
Pagkatapos kong kumain tumungo na ako sa kwarto mag-isa hindi na ako nagpatulong sa kanyang mag-ayos ng gamit ko miski nagpumilit pa siya kanina nakakahiya na rin kasi siya na yung nagluto,naglinis ng bahay at naghugas ng mga pinggan
Inaayos ko na yung mga gamit ko ipapasok ko na sana sa closet ng biglang tumunog yung cellphone ko..
Drein is calling...
-_-
"Hello Drein,bat napatawag ka?"
{Ahmmm...gusto lang marinig yung boses mo}
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko kinikilig ba?naiinis?o nabubwisit?
Ewan,hindi ko maintindihan basta mix emotions..ang gulo
"O-okay then?"
{How are you?,ayos ka lang ba dyan sa probinsya?}
tss..nagsisimula na naman siyang magtanong..
"Yah..im okay,ayos naman ako dito sa probinsya nakakalanghap ako ng mas fresh air at wala akong nakikitang mga you know asungot"
{Ahh....i make sure lang na okay ka talaga dyan so yung ibig mong sabihin mas okay dyan kesa dito?}
"Hmm...i dont know basta mas tahimik ang atmosphere dito kesa dyan..sige madami pa akong aayusin na damit bye.."
{okay bye I---}
Bigla ko ng in-end yung call kaya hindi niya naituloy yung sasabihin niya..
I think alam ko na yung sasabihin niya hindi naman sa assuming ako pero sa tingin ko I love you yun kung yun man yon kafal naman ng feslak niyang magsabi ng ganun ni hindi ko nga siya type at wala akong balak sagutin siya...geezz..
Binaba ko na yung phone ko sa sahig at binuksan ko na yung closet akmang ilalagay ko na sana yung damit ko ng may napansin akong libro na nakalagay sa gilid..
Kinuha ko yung libro na sa tingin ko matagal nang nagawa kasi medyo luma na yung cover niya puno na ng dust..
Punasan ko nga muna
Bumaba ako ng hagdan at nagtanong ng basahan kay Lilia ang sabi niya meron daw pa lang basahan dun sa kwarto ko kaya ayun bumalik na naman ako sa loob ng kwarto,nang makita ko na yung pamunas kaagad kong pinunasan yung libro at wow!!O.O parang ginto yung cover niya!kumikislap-kislap pa tapos may nakasulat na 'Once Upon A Story' ano kayang nasa loob ng librong ito :-/
Pagkabuklat ko may nakita akong nakasulat sa first page..teka babasahin ko
'AKO ANG PRINSESA AT ANG ITINAKDA KUNG KAYA'T BUKSAN MO ANG LAGUSAN NA AKING DARAANAN PAPUNTA SA MUNDO KUNG SAAN AKO AY MAY KAPANGYARIHAN'
Meron pang nakasulat sa baba niyan eto babasahin ko din
'AKO AY PABALIKIN SA MUNDO NG KATOTOHANAN,SA MUNDONG AKING PINAGMULAN NG WALANG KAPANGYARIHAN'
Ano bang klaseng libro toh?ni wala manlang author at saka author's note kaloka..
Mag-aayos na nga lang uli ako ng damit..ilalagay ko na sana uli yung damit ko pero naging iba yung closet para na siyang lagusan yung parang nakikita ko sa mga movie may iba't ibang kulay na nagmix at parang umiikot-ikot...O.o ano ba tong nangyayare..
Nilusot ko yung kamay ko at parang naipunta siya sa loob..so it means tama ako lagusan nga talaga ito...yung libro tama!!yung libro ang may dahilan nito..kinuha ko uli yung libro...isasama ko to papasok ako sa lagusan para malaman ko kung ano ba ang nasa loob nun..
****
Lumabas ako sa lagusan at naipunta nga ako sa ibang lugar wala akong idea kung nasaan ako pero parang mga cherry blossoms yung mga punong nasa paligid ko..wahhh!!!ang ganda pala talaga ng mga cherry blossoms na ito ib real *.*
May nakita akong basket sa gilid kaya kinuha ko,inilagay ko yung libro sa loob ng basket at namulot ako ng mga cherry blossoms grabe napakaganda naman nito dati dream ko lang makapunta sa mga cherry blossoms na to tapos ngayon napuntahan ko na..yun nga lang naiwan ko yung cellphone ko hindi manlang ako makakapag-picture..
Sa gilid may mga mansanas *.*ngayon lang ako nakakita ng puno ng mansanas yum!yum!yum!ang sarap kumuha nakakagutom hahahhaha!!!
"ATEE!!!"nagulat ako sa sigaw na yon kaya bigla akong napalingon kamuntikang dumaplis sa akin yung arrow ng pana
Bigla akong napaupo at nalaglagan ng mansanas
Lumapit naman sa akin yung batang lalaki at tinanong ako
"Ate ayos lang po ba kayo?pasensya na po hah hindi ko naman alam na dumadaan po kayo dito kayo pa lang po kasi yung nakitang kong dumaan dito"
"Oo ayos lang ako t-teka anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa cute na batang lalaki na nasa harap ko
"Kayo nga po dapat kong tanungin ee ano pong ginagawa niyo sa lugar na ito?"
Haisst...oo nga ako pala yung baguhan sa lugar na toh pero dapat hindi niya yon malaman kasi baka isipin nila isa akong mangkukulam o halimaw kasi syempre hindi ako nakatira dito kaya magtataka na lang sila kung bakit nakapasok ako dito
"W-wala lang gusto ko lang kasing kumuha ng mga cherry blossoms ee"sabay ngitian ko lang siya ng pilit
"Ate gusto mo sumama ka muna sa akin para gamutin natin yang bukol mo sa ulo pasensya na po talaga ahh"siguro mas mabuti pang sumama ako sa kanya para malaman ko din kung may iba pang mga tao ang nakatira sa lugar na ito
"S-sige sasama ako"hinawakan niya na yung basket na dala ko at sinundan ko lang siya sa paglalakad mula sa mga puno ng cherry blossoms at mga mansanas lumabas kami sa isang kalsada na iilan lang ang mga nakikita kong naglalakad na tao
"Ate sunod ka lang sa akin ah"pansin ko lang kanina pa naiilang tumingin sa akin ang cute na batang ito ~_~
Tinignan ko yung damit ko..O.O naka shorts lang pala ako,sando at flip flops..
Nakakahiya naman naglalakad ako ng disente pero yung damit ko parang kakaiba sa paningin nila..
Napapikit ako ng mata..
"Kung nakajumpsuit lang sana ako ngayon edi mas maganda"bulong ko
"Ate ano po yung sinasabi----,wow"napamulat na ako ng mata at napatingin ako sa cute na batang nasa harap ko,parang nagi-spark yung mata niya ng makita ako
"May mali ba sakin?"tanong ko sa kanya
"Ate p-paano ka n-nakabihis ng ganyan kabilis?"
Huh?ano bang sinasabi niya?
Napatingin ako sa suot ko,kahit ako mismo nagulat kung paano nangyaring naka-jumpsuit na ako ngayon..O.o inisip ko lang to kanina ah..
"K-kanina pa naman ako nakajumpsuit ahh.."pagsisinungaling ko
"Haiist baka gutom ko lang ito sige ate lakad na uli tayo pasensya na"nagsimula na uli kaming maglakad hanggang sa makarating kami sa isang second floor na bahay na gawa sa bricks..
"Ate sandali lang hah"tumapat siya sa gilid at may pinindot sa tingin ko doorbell yon
*Ding!dong!*
----------------
BINABASA MO ANG
One's Upon A Story
FantasíaLahat ng iyon ay pawang imahinasyon lamang. Pero pilit kong ipinagdarasal na pwede rin yong mangyayari sa katotohanan.... Pero hindi ko alam kung paano... Nagsimula lahat sa libro na naglalaman ng imahinasyon ni Lola Ordinaryong libro kung titignan...