CHAPTER 9

3 0 0
                                    

Althea's POV

"Talaga ate?"hindi ko masabi yung itsura ni Lilia ngayon para siyang na-e-excite na parang na-a-amaze o parang nashock ewan basta hindi ko masabi..

Naikwento ko na kasi sa kanya lahat...hindi niya daw nakita yung libro ng linisin niya tong kwarto ko..nakakuha pa ako ng info sa kanya itong kwarto daw na ito ay kwarto ng favorite na lola ko si lola Ising lumipat lang daw pala sila dito ng masunog yung bahay nila..

Kaya may idea na ako kung kanino ang libro na nakita ko sa closet kay lola Ising yon at ang hindi ko lang alam kung paano niya nakuha yung libro na yon o kung paano napunta sa kanya yun..:-/

"Ate isama mo na ako doon pleasseee...gusto ko ng pumasyal"ako rin ee gusto ko na ding pumasyal pareho lang kaming na-e-excite nilock na nga namin tong bahay ee...

"Ahmm ate tumawag na pala yung mommy mo kanina sila Tita Faye,si Tito Michael at mga parents ko nangamusta lang naman sila sabi nila baka mga friday na lang daw uli sila tatawag"edi mas masaya wala munang istorbo sa pag-alis namin papunta sa hindi ko matukoy na mundo >:))

"Sige aalis na tayo"sagot ko

Siya nga pala nagbihis na ako ng damit nakakahiya naman kasi kung naka sando at shorts pa din ako..

Kinuha ko na yung libro at binasa yung magic word..

Halos magulat si Lilia ng makita niya yung lagusan...

Hinawakan ko yung kamay niya at sabay kaming pumasok sa loob nito..dala dala ko pa din yung libro at nakalagay ito sa basket

***

Lumabas kami sa likod ng isang malaking puno..naglakad kami kaunti at nakita namin ang napakagandang fountain kulay pink,napakalinis ng tubig na lumalabas dito at hmmm...napakabago ng halimuyak niya

"Ate tara sa mga cherry blossoms"hinila ako ni Lilia papunta sa mga cherry blossoms at parang nag-spark yung mga mata niya naglagay siya sa basket ng cherry blossoms at ayun natabunan na naman yung libro -_-

"Grabe Ate sobra palang ganda dito uwahhh...may mga mansanas pa yieeee!!ang gandang tignan *.*"wala akong ibang ginawa kundi tumawa siguro ganto din yung itsura ko kanina >_<

"Alis na tayo dito Lilia may pupuntahan na tayo.."nakangiting sabi ko sa kanya kinuha niya na yung basket at nagpatuloy na kami sa paglalakad

Nang makarating na kami sa mismong bahay nila Elly at nung supladong mokong na kasama niya pinindot ko na yung door bell

*Ding!Dong!*

Nakita kong bumukas yung pinto nung bahay nila,lumabas si Elly at pinagbuksan kami ng gate..

"Ate Althea buti naman bumalik ka"masayang sabi niya..."ahmm ate sino pala yang kasama mo?"dagdag pa niya

"Ahh..eto pala yung pinsan ko si Lilia"bigla siyang napakamot ng batok

"Oo nga pala ate nakalimutan ko ako pala mismo nagsabi na dalhin mo din siya dito hehehe"

"Hahah ayos lang yon Elly ano ka ba"bigla naman din siyang napatawa

"By the way,Lilia ako nga pala si Elly"inilahad ni Elly yung kamay niya sa harap ni Lilia at ayun nga nagshake-hands silang dalawa ang cute nilang tignan...*o*

"Nice to meet you"nakangiting sabi naman ni Lilia kay Elly

"Ehemm!ehemm!"sensya na panira moment ako ee hahah ^-^

Bigla naman silang nagbitaw ng kamay at nagsalita uli si Elly

"Ate pasok na muna kayo dito sa loob may meryenda na kaming niluto at inihanda don"nakangiting sabi ni Elly

One's Upon A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon