Kabanata Isa

3 2 0
                                    


Kabanata Isa [Ang Unang Pagkikita]

"MARUUU!!!!"

"Ano?Bakit ka sumisigaw?"

"Yung mga biik eh nakatakas"y-yung biik?

"Ano pano nangyari?!"

"Eh mamaya mo nalang tanungin kung pano halika na dali!!"

"Hay naku!"

Dali dali kaming pumunta kung saan naroroon ang mga biik na nakatakas... Jusko po kaliligo ko lang naman

"Maru halika na tulungan mo akong hulihin ang mga makukulit na biik na to"

Tawag saakin ni Eliana na nagsisimula ng habulin ang mga bubwit na biik

"Oo na andiyan na"

Tinignan ko muna ang mga biik mayroong kumakain may tumatakbo mayroon ding nakahiga siguro ay napagod na kakatakbo

"Maru!!!Tatayo ka nalang ba diyan?Nakahuli na ako oh"

Tinignan ko siya at oo nga meron na pala hay naku natulala nanaman ako

Nagsimula na rin akong manghuli ng mga bubwit na biik.Sana naman hindi kami pagurin nito

(Makalipas ang halos kalahating minuto)

"Ahh!!!Yes dalawa nalang Eliana"

"Hay naku nakakapagod saka ang dumi dumi ko na"

"Ay wow teh late reaction ka?eh dalawang bubwit nalang dun mo lang napansin"

Iling iling na sabi ko sakanya parehas na kaming pawisan at madumi eh ngayon lang niya nalaman

"Hay naku tara na nga Eliana tapusin na natin to ng makaligo na tayo"

"Oo wait 3 minutes"

"Halika na"

Hinila ko na siya patayo dahil alam kong tatamarin na siya

"Psh... Oo na tatayo na"

"Yan hala sige don ka sa puting bubwit akin naman tong si chocolate bubwit?"

Bubwit wag mo naman ako pahirapan para bati tayo saka kapag nagpahuli ka saakin kaagad sasabihan ko si Mang Caloy damihan ang pagkain mo para tumaba ka na sabi ko sakanya gamit ang isip ko

Oink oink oink come here na andito na si Ate Ganda

Ayan na.... malapit na mahuhuli ko na siya

Gotcha!!

"Nahuli ko na siya Maru!!!"

Masayang sigaw ni Eliana ayy wrong timing naman tong babaknitang to

"Yung biik nabitawan ko!!!"

"Ayy? Sorry Maru"

"Eliana naman!"

"Pasenisya naman....ahh Maru y-yung a-ano yung biik jusko po lagot tayo"

Tinignan ko kung saan nakaturo si Eliana at halos hindi ako makahinga ng makita kung saan na ang makulit na bubwit

Wag mong susubukan na lumapit diyan biik na bubwit naku makikita mo talaga. Hah! Jusmiyo pinagpapawisan na ako ng malagkit

Tumakbo ako para pigilan ang biik malapit na ako ng natipalok ako inihanda ko na ang katawan ko na babagsak sa lupa pero katawan ang nabagsakan ko

At kung kaninong katawan?Hindi ko din alam. Napasubsob ako sa dibdib nitong unknown-body

Hmm.... Ang bango empernes mamahalin ang pabango

Ninanamnam ko ang ang amoy ng bigla akong itulak ni unknown-body

"Ah! Aray ko po makulugon"

"Tss lampa"

Dinadamdam ko ang sakit ng balakang ko grabe ang lakas niya kung makatulak ah. Dahan dahan akong tumayo para sana mapagsalitaan kaso natigil iyon ng bumungad saakin ang oh-wow-ang-pogi

"Pogi ko no?Ang bano mo"

Makakalimutan ko na sana yung pagtulak niya saakin kaso ang yabang eh takte ka mali ka ng binungo

"Hoy Mister Yabang sino ng bano?"

"Ikaw malamang tanga"

"Hah! Grabe ka naman kung makainsulto kanina bano tapos ngayon tanga naman nagtanong lang naman ako ah"

"Tss whatever Miss Bano slash Tanga"aalis na sana siya ng pigilan ko siya hah!akala niya makakatakas siya saakin

"Hep hep hep walk out?Oy siniswerte ka naman ata Mister Yabang slash Yabang ako dapat ang magwowalk out eh. So babush?"

Iniwan ko siya dun na nakatanga hah! Ano ka ngayon sino saatin ang tanga hahahaha sorry ka nalang Mister Yabang dahil ako ang nagwagi ha ha ha tatlong ha(evil but beautiful laugh?) charruuttt








*-*-*-*-*-*

A/N:

Annyeong *kaway*

So kamusta po ang first chapter sana naman po nagustuhan niyo.

Thanks po sa nagbabasa

Please leave a vote and comment

Lovelots & Godbless 😘😘

Maru Castillo sa taas

My First LoveWhere stories live. Discover now