Kabanata Dalawa

3 2 0
                                    


Kabanata Dalawa [Ang Proposal]

Tiktilaok! Tiktilaok!

"Umm..."naalimpungatan ako ng sumigaw nanaman yung manok ni Lolo Jim naku ang gandang katayin niyan eh

Babalik na sana ako ng tulog ng may sumigaw naman si Kuya -_-

"Maru-ya bumangon ka na"

"Kuya naman ang aga pa oh tignan mo alas otso y medya palang.... Ay jusmiyo Kuya bakit ngayon mo lang ako ginising?"

"Hoy Maru-ya kanina pa kaya kita ginigising saka lagi mong sinasabi 'ha ha ha ako ang nagwagi' tuwing gigisingin kita"

Ayy? Ganun grabe ah pati ba naman sa pagtulog ko eh nanalo pa rin ako dun sa Yabang na yun at para ngang nanaginip ako dun eh

"Kuya nasaan na sina Lolo? Kasama dapat nila ako eh"

"Sus wala na iniwan ka na ang hirap mo ba naman gisingin at alam mo ba pinalo ka kaya ni Lolo ng sintoron niya saka pinaamoy sayo ni Papa yung damit mo na amoy biik pero ano?waepek tulog ka pa rin"

Mahabang sabi ni Kuya. Ayy sorry naman po eh sa nakakapagod kaya manghuli ng biik

"Eh pasensiya naman pagod talaga ako kahapon"

"Oo alam ko pero sa ngayon bumangon ka na, maligo at kumain at pumunta ka sa mansyon ng mga Buenaventura"

Ha? Buenaventura? Bakit naman kaya

"Bakit?"

"Hindi ko alam basta ang sabi pinapapunta ka ni Senyora Marta"

"Ah ganun sige"

"Oo dalian mo Maru-ya"

Sabi ni Kuya at lumabas na ng kwarto ko

Tumungo ako ng banyo para magtooth brush pagkatapos ay bumaba na ako

"Kuya ano ulam?"

"Scramble egg saka tinapa"

"Sino nagluto?"

"Malamang ako ano ba naman Maru-ya"

Sumandok na ako ng kanin at kumuha ng itlog at tinapa. Nagsimula na akong kumain ng may naalala ako

"Ehh Kuya tigil tigilan mo nga ako sa katatawag ng Maruya dahil hindi ako pagkain at hindi yun ang pangalan ko"

"Ehh sa yun ang gusto kong itawag sayo Maru-ya oh diba parang ang sarap pakinggan"

"Hay naku Kuya bahala ka nga"

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Ng matapos ako ay umakyat uli ako at tumungo na ng banyo upang maligo

(Makalipas ang 20 minuto)

Hmm....ang sarap sa pakiramdam ng bagong ligo

"Oy Maru-ya bumaba ka na dalian mo"

"Oo na po andiyan na"

Bumaba na ako at nadatnan ko si Kuya at ang isang lalake na mukhang body guard naguusap

"Ah Kuya andito na ako"

"Oh andiyan na pala siya"

"Kuya sino siya?"

"Body guard ng mga Buenaventura sinusundo ka"

"Ha? Kaya ko naman pumunta don magisa eh"

"Sus wag ka ng pabebe mabuti nga at hindi ka na maglalakad"

"Heh! Oo nalang"haha totoo nga naman charruttt

"Sus sige na alis na"

Pagtataboy saakin ni Kuya

"Oo na aalis na po ingatan mo ang bahay Kuya"

Tumalikod na ako at humarap na kay Kuya BG

Wow ang gende nemen ng car

"Sakay ka na po"

"Ah opo salamat"

Nagsimula ng paandarin ni Kuya BG yung car. Ang bango dito sa loob panglalake yung amoy mamahalin to malamang

"Ah Kuya BG alam mo po ba kung bakit ako pinapatawag ni Senyora?"

"Hindi ko din alam pero sa tingin ko ay may ipapagawa sayo ang Senyora"

"Ah ganun po ba"

Tumango lang si Kuya BG. Makalipas ang sampung minuto ay nakadating na kami sa mansyon

Bumaba na ako ng kotse. Humarap ako kay Kuya BG

"Ah papasok na po ako?"

"Oo kanina ka pa nila hinihintay"

Hala! Jusmiyo sana naman hindi galit si Senyora

Habang papasok ako ay pinagpapawisan ako ng malagkit hay naku po. Nakaabot ako sa sala at don nalita ko si Senyora Marta at si... Madam Christina?

Umuwi na si Madam so ibig sabihin nandito din ang anak niya?

Lumapit ako sa kanila

"Magandang umaga po Senyora, Madam pasensiya na po at natagalan ako eh napahaba po kasi yung tulog ko hehe"

"Wag kang kabahan Maru hindi naman kami galit diba Ma?"sabi ni Madam Christina at humarap kay Senyora

"Oo naman iha maupo ka"

"Ah salamat po"

"Felly ikuha mo nga kami ng maiinum"

Utos ni Senyora sa isang katulong

"Opo Senyora"

"Ah Senyora, Madam bakit niyo nga po pala ako pianapunta dito?"

Nagkatinginan ang magina at saka nagbuntung hininga

"Didiretsuhin na kita iha may proposal ako para saiyo"

"Ah ano pong klaseng proposal?"

"Turuan at tulungan mo ang mga apo ko sa gawaing bahay"

A-ano? Tulungan at turuan sa gawaing bahay?







*-*-*-*-*-*

A/N:

Annyeong 😃

So ayan na po ang ud ko for today sana nagustuhan niyo kahit maiksi.

Nga po pala ito po ang ibig sabihin ng:

Makulugon- masakit
Maruya- pagkain na gawa sa saging

Salamat sa pagbasa

Please leave a vote and comment guys

Lovelots & Godbless 😘😘

Grant Buenaventura sa taas

My First LoveWhere stories live. Discover now