Kabanata Apat [Ang Simula]Monday
"Maru iha hintayin mo nalang at pababa na sila"
"Ah sige po Lola Marta"
"Halika dito tayo sa kusina at maghanda ng pagkain"
Sumunod ako sakanya papuntang kusina. May tatlong maid ang nagluluto ng limang putahe ng ulam ang dami naman eh apat lang sila kakain
"Iha patulong nga"
"Ah opo"
Kinuha ko ang pork steak wow ang serep nemen umagahan pork steak agad. Sunod na kinuha ko ang bacon na may kasamang scramble egg
"Salamat Maru"
Nginitian ko si Lola Marta
"Ayy naku ang tagal siguro'y bumalik nanaman sa pagtulog ang magpinsang iyon"
"Ah gusto niyo po ako tumawag sa kanila?"
"Ah naku sige salamat"
Umakyat ako sa napakahabang hagdan. Tumungo muna ako sa ikalawang pinto sa kaliwa iyon ang turo saakin ni Lola kay Sash kuno ang kwartong yun.
Kumatok muna ako ng dalawang beses ngunit wala pa ring lumalabas. Kumatok muli ako na may halong tawag na
"Sash?Sash? Tawag ka ng Lola mo"
Tawag ko pero walang sumagot kumatok ulit ako ngunit natigilan ng biglang bumukas ang pinto at inilabas nun ang oh-so-called-hot-and-perfect-body
Emegesh!! Wow ang ganda ng tanawin sana kada umagang gigising ako ito ang sasalubing saakin oh em ge ang gandang iuwi to
"Ehem...Em"
Bumalik ako sa realidad ng tumikhim itong kaharap ako
"A-no?"
"Miss Beautiful ang sabi ko susunod na"
"Ahh ganun sige alis na ako"
Halaka Maru!! Kahihiyan overload. Pero empernes Miss BEAUTIFUL daw hehe naflattered nemen ako.
Tumungo naman ako sa kwarto ni Grant kuno. Kumatok ako ng malakas isa tapos isa pa tapos isa pa ehh bakit ganun hindi siya tunog na katok dahil ang lambot. Ay ano to cotton door?
"Hey Miss Bano slash Tanga what are you doing?"
Agad na napaangat ang ulo ko sa lalakeng cotton door wait.....may narinig ako eh Bano? Tanga?
"Mister Yabang slash Yabang bakit ka nandito?"
"Hey you Miss BT tinagalog mo lang ang tanong ko"
"Ay ganun? Pake mo ba eh sa tinatanong kita"
"Tss malang nadito ako dahil dito ako nakatira eh ikaw bakit ka nandito?"
"Dahil pinapunta ako ni Lola Marta oh ano?Angal ka?"
"Oo kaso nagbago isip ko wag nalang magsasayang lang ako ng oras at laway kung aangal ako sa kasing panget mo"
"Ay aba sumusobra ka na ha Yabang kahit dito ka pa nakatira wala akong pake ok.Saka ako panget?wow nahiya naman ako sa mukha mo"
"Talagang mahiya ka Panget"
Inaasar talaga ako ng sobra nitong Yabang na to eh. Nakakaimbyerna -_-
"Nakakainis ka talaga kahit kelan"
Umalis na ako sa harap ng kwarto niya at tumungo pababa ng hagdan nakasabay ko pa si Sash sa pagbaba hindi ko nalang siya inintindi naasar talaga ako sa lalakeng Yabnag na yun ang gandang itapon sa Mt. Olympus takte siya
"Ayy gising napala ang mga tamad kong apo grabe kayo hindi na kayo nahiya sa bisita natin at siya pa ang gumising sainyo"
"Lola wala naman nagsabi na gisingun niya kami eh saka bakit ba nandito ang babaeng yan?"
Sabi ni Yabang sabay turo saakin. Hah! Kung makaturo tong lalakeng to ang gandang putulan ng daliri psh
"Siya ang magtuturo sainyo kung paano gumawa ng gawaing bahay"
"Ano/What?"
*-*-*-*-*-*-*-*
A/N:
Annyeong
Ito na po ang ud ko sana nagustuhan niyo. Sorry for the typos guys gabi ko na kasi ito sinulat.
Salamat sa pagbasa😃😃
Leave a vote and comment
Lovelots & Godbless 😘😘