Kabanata Anim [Amo]"Naiintindihan niyo ba ang sinasabi ko?"
"Yeah"sagot ni Sash at tumango lang si Yabang
"Okay so magsimula na kayo"
Sumunod naman and dalawa at pumunta sila kulungan ng mga baboy dahil maglilinis sila at paano ko napapayag well....
Flashback
"Walanghiya kang babae ka!!"
Tinignan ko si Yabang na nagmamaktol. Hahaha
"Hedewew!"sagot ko
Tinignan ako ng masama ni Yabang at dahil ako'y isang babae na maganda hindi ako nagpatalo at tinitigan ko rin siya ng masama. Ha! Ano ka ngayon
"So Sash and Grant ayaw niyo ba talagang sundin ako?"
"Sino ka para sundin namin?"
"Well ako lang naman si Maru na magandang babae at sexy na magtutro sainyo kung paano..... "
"Aish shut up BT nakakarindi ang boses mo"
"Kung naririndi ka sumunod na kasi kayo saakin para hindi niyo marinig ang maganda kong boses"
"Ha! Nga naman pati boses pinuri"
"Aba bakit hindi eh totoo naman duh.So ano na?"
"Okay susundin na kita"sabi ni Sash. Hmmm madali naman palang kausap tong isang to ah
"What? Sash really?"
"Grant stop being childish okay? Sumunod ka nalang"
"But...hayysss whatever"
"Okay so let's go"
End of Flashback
Oh ano ang galing ko no? Haha
Bilib nanaman kayo sakin hahaha yabang ko? Naimpluwensiyahan kasi charruttSo ayun na nga napapayag ko rin sa wakas at ngayon nagsisimula na sila sa pagpapakain ng mga baboy
"Arghh... Ang baho mo!!wag kang lalapit sakin!!"sigaw ni Yabang haha buti nga sakanya
"Argh...disgusting"
Hay naku ang daming himutok nitong magpinsan na ito grabe.
Makalipas ang halos isang oras
"Tapos na"sabi ni Sash
"Okay so san niyo naman gusto sunod?"
"P-pwede bang magpahinga muna?"
"Okay 10 minute start now"
"What?! 10? We need 1 hour"
"Ha! 1 hour alam niyo bang sa isang oras marami na kayong magagawa?"
"But pagod na kami"
"Pagod? I don't think so isang oras pa lang kayong nagtatrabaho pagod na agad kayo. Paano pa kaya kung buong maghapon at walang pahingahan ha?Halatang hindi kasi kayo sanay"
"Talagang hindi kami sanay saka anong buong maghapon? No hindi namin yun gagawin"
"Na-ah gagawin niyo yun but not now siguro sa isang linggo?"
"No way"
"Yes way. Tapos na ang 10 minute break niyo so dali na at tuturuan ko kayo kung paano naman mag-gatas ng baka at kambing"
"G-gatas? Baka? Kambing?Seryoso ka ba?"
"Yes I'm serious. Let's go"
Narinig kong napabuntong hininga silang dalawa. Sorry pero sa ngayon ako ang masusunod at ako ang amo niyo