CHAPTER 1 (Meeting the Characters)

80 6 1
                                    

Ryzel's POV 

Well kanina pa ako nagkukwento. By the way I'm Ryzel Lhianne Gonzales, 17 years old. College na BS Accountancy sa GHU. galing ako sa mayaman na pamilya. May isa akong kapatid si Kuya Adrianne, 2 years lang gap namin. Tama na ok na yan. Makikilala niyo pa naman ako sa mga susunod na Chapters eh. 

Eto na kung paano ko nameet yung ideal guy ko. 

**FLASHBACK** 

10:00 pm 

Wala pa si kuya! Sanay naman na akong gabihin yun pero bakit iba yung pakiramdam ko ngayon. Bakit parng natatakot ako? Parang may nangyaring masama. Tinawagan ko siya pero di niya sinasagot. Tinry kong matulog pero hindi talaga ako mapakali. 

Nag jacket na ako then nag make-up ng napaka-kapal then tumungo na ako sa BG (Battle Ground) ginamit ko yung pink kong kotse kahit 17 lang ako dibale gabi naman. Alam kong nandun siya ngayun dun lang naman yun pupunta pag may problema, nagbreak daw kase sila ni ate Cherry ewan ko nga kung bakit. 

Pumasok na ako sa loob ng building ng makita kong ang daming kalaban ng kuya ko at 

I SAW MY KUYA NA DUGUAN !! 

Dali dali kong tinawagan si Eunice then sinimulan ko ng makipaglaban. Madami kasi sila at baka pag lalabanin ko pa silang lahat baka bawian na ng buhay yung kuya ko. 

Nakalahati ko na sila nang dumating na yung Gang ko. Yeah may gang ako. Tinulungan ako ni Eunice na dalhin yung kuya ko then iniwan ko na sila agad kong dinala yung kuya ko sa hospital.

"Sino kapamilya niya" tanong ng doctor. 

Ako po. Kumusta na po siya? 

"Sa ngayon stable na siya pero kailangan niya munang masalinan ng dugo maraming nawala sa kanya" 

Doc, parehas kami ng bloodtype ng kuya ko. AB po siya diba? 

"Oo buti nalang at meron ka na. Mahirap kasing maghanap ng AB donor. After 2 hours ija tatawagin ka namin." 

Sige po doc. Salamat po.

Nakaupo lang ako sa bench at umiiyak. Grabe natakot ako kanina akala ko mawawalan na ako ng kuya. Mahal na mahal ko kuya ko siya yung laging nandiyan para sa akin since nasa ibang bansa parents namin. 

"Miss, eto oh" abot ng boy sa akin ng panyo. 

Thank you. 

"Ok ka lang ba? Halika muna." Tapos hinila niya na ako ewan ko ba pero siguro kailangan ko muna ng kasama. 

Pumunta kami sa canteen ng hospital.  

"Teka, dito ka muna" tumango lang ako tas umalis na siya. 

Pagbalik niya may dala dala siyang chocolate. 

"Kumain ka oh, pang tanggal stress yan. Try mo effective yan" tapos nag smile siya. 

Thank you ha. Bakit ang bait mo sa kin di naman tayo magkakilala? 

"Ewan ko. Hehe. Nga pala nakita kase kita kanina ng pumasok ka dito sa hospital tas may dala kang lalaki. Sino yun?" 

The Gangster's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon