Prologue

2 0 0
                                    

Naalimpungatan ako sa malakas na pagtunog ng alarm clock ko. Kaagad akong bumangon. Pupungas-pungas pa ako sa mata ko habang tinutungo ang bintana.

Kagaya ng lagi kong ginagawa ay lagi kong tinitignan ang bakuran namin sa baba. Nasa taas kasi ang kwarto ko eh.

Kagaya nung nakaraang linggo ay may nakita na naman akong maraming rose petals sa baba.

At katulad din nung nakaraang linggo ay petals na naman ng pulang rose ang nasa baba.

Sino kayang naglalaglag ng rose petals sa bakuran namin? At sa harapan pa ng kwarto ko.

Admirer ko kaya ito?

Ganda ko talaga.

Sana naman, gwapo ang gumagawa no'n. Tiyak! Sasagutin ko na siya!

Ma-tiyempuhan ko lang talaga siya.

Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba na.

"Kain ka na, anak." Sabi ni Mama sa akin nang makita ako kaya kinain ko na ang nakahain nang pagkain ko sa center table doon sa sala namin.

Pagkatapos kong kumain ay nag-toothbrush na ako at naligo. Kain kasi muna ako bago ligo.

Nang makaligo na ako ay bumaba na ako.

"Bye, Mama." Paalam ko kay Mama.

" Ingat, Anak." Sabi nito sa akin bago ako makalabas.

Maglalakad na lang ako papuntang school since maulap naman ngayon. Natatakpan ang araw kaya hindi naman ako masyadong maaarawan kaya hindi rin ako mangingitim nito.

Habang naglalakad ako ay nakita ko si Josh na naka-uniform. Mukhang papasok na. Naglalakad pa lamang ito papuntang gate nila.

"Hi Josh!" Bati ko sa kaniya at saka siya nginitian. Ngumiti rin naman siya sa akin. Saktong-sakto at nasa harap na ako ng kabahayan nila nang makalabas siya sa gate.

"Maglalakad ka lang ba papasok?" Tanong nito sa akin.

"Oo." Sabi ko.

"Sabay tayo. Maglalakad din ako eh." Yaya nito sa akin.

"Ano pa nga bang magagawa ko?" Sabi ko sabay tawa. At iyun nga. Nagsabay na kami sa paglakad.

Tahimik lamang kami habang naglalakad. Kapwa nakatutok ang mga mata sa kani-kaniyang cellphone.

Buti na lang at wala pa kaming nababangga kahit na hindi kami nakatutok sa daan.

Malapit na kami sa school nang may maalala ako. Ewan ko ba. Parang gusto ko lang i-kwento sa kaniya. Ipagmayabang kumbaga. Kahit na hindi naman kami masyadong close at ngayon pa lang kami mag-uusap at magsasabay.

"Alam mo bang tuwing paggising ko sa umaga, kapag tumitingin ako sa bintana, madami akong nakikitang nakakalat na rose petals sa bakuran namin. At sa harapan pa ng kwarto ko." Pambabasag ko sa katahimikan. Nakita kong natigil siya sa pagce-cellphone niya. Weird man ang reaksyon niya ay nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Admirer ko kaya iyung gumawa no'n?"

Tanong ko habang nakatingin na sa daanan. Pinagsalikop ko pa ang dalawa kong kamay at ipinatong ang baba ko dito. Abot-tenga ang ngiti ko. Kahit pa na magmukhang baliw ako sa harapan ng mga taong nasa paligid ko ay wala akong pakialam.

Lumilipad na naman ang isip ko.

Kung admirer man iyon, sana gwapo.

"A-admirer?" Rinig kong sabi ni Josh sa tabi ko kaya tinignan ko siya. Nakatingin lang siya sa akin. Para bang nakakita siya ng multo.

"Oo. Bakit?...May problema ba?" Tanong ko sa kaniya. Anong problema niya? Para bang kinakabahan siya na ewan.

"W-wala." Sabi nito sabay iwas ng tingin. "N-Nandito na pala tayo, Belle. Sige, mauna na ako." Sabi nito sa akin nung nasa harapan na kami ng school at naglakad na ito palayo sa akin.

Weird.

Bakit naman kaya bigla siyang nautal-utal? Parang sinabi ko lang naman ang tungkol sa mga rose petals na lagi kong nakikita sa bakuran namin sa harapan ng kwarto ko tuwing paggising ko ah?

Wala akong ibang makitang dahilan para kabahan siya nang ganoon. Depende na lang kung...

Siya ang naglalagay ng mga rose petals sa harapan ng kwarto ko.

Beauty, The Prince, and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon