Chapter 3

1 0 0
                                    

Walang nagbago

Belle's POV

Kanina ko pa pinupukpok ang ulo. Makinig ka nga, Belle! Ano na lang ang magiging grade mo ngayong second grading kung gaganyan-ganyan ka? Hay!

May biglang nambatok sa akin. "Aray!" Agad ko nilingon si Reesa. "Bakit mo ginawa iyon?!" Naiirita kong tanong sa kaniya nang pabulong. Mamaya mapansin pa kami ni Ma'am.

"Ginagaya lang kita." Bulong nito sa akin kaya napairap na lamang ako at napangalumbaba. Si Reesa ay isa sa mga best friend ko. Actually, siya lang talaga ang bestfriend ko. Mahirap magtiwala noh.

At syempre, 'pag bestfriend, maganda rin. Ayoko ng bestfriend na chaka noh. Ma-stress lang ako lalo at pumangit pa ako kagaya niya.

Inilapit ni Reesa ang mukha niya sa mukha ko at bumulong, "Ano bang problema?" Tanong nito kaya napasinghap na lamang ako. Pumasok na naman kasi sa utak ko ang nangyari kaninang umaga. Sarap pukpukin uli ang ulo eh.

"A-ayokong pag-usapan, Reesa. Sorry." Sabi ko na lamang at napasubsob sa mesa. Naramdaman ko ang kamay ni Reesa sa balikat ko.

"Basta, laging mong alalahanin na nandito lang ako sa tabi mo ah?" Paalala nito sa akin kaya gusto matawa pero hindi ko ginawa. Kahit sino naman kasing kaibigan ang makita ang kaibigan niyang parang may pino-problema ay laging iyon ang sasabihin niya eh. Epic lang talaga ang nangyari kanina.

Hay. Pasalamat talaga ako at may kaibigan akong mapagmahal at maaalalahanin. Kaya kahit anoman ang masamang mangyari sa buhay ko ay sigurado akong siya ang makakasama ko kahit magiging mahirap din sa para sa kaniya ang pagtulong sa akin, alam kong hinding-hindi siya maga-alinlangan.

***

Kasalukuyan kaming kumakain ni Reesa sa canteen. Kanin at ulam iyung kinakain namin. May pera naman kami kahit papaano kaya kaya naming bumili ng ganiyang mga pagkain. Iyung parang nasa bahay lang kami. Hindi katulad ng mga mahihirap diyan, walang ibang pwedeng bilhin kung hindi mga combi, mga sitsirya at mga ice candy lang.

Si Reesa ang bumili ng makakain namin dahil ika nga niya ay may problema daw ako. Hehe. Nag-usap-usap lang kaming dalawa habang nakain tungkol sa mga partikular na mga bagay. Nakikita ko sa mga mata ni Reesa na gusto niyang alisin iyung lungkot 'daw' na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagsasabi niya ng mga jokes sa akin. Pero imbis na sa jokes ako matawa ay sa kaniya ako natatawa. Overreacting kasi eh! Hindi naman ganoon kabigat ang problema ko. Sa totoo nga lang ay nahihiya lang talaga ako sa nangyari kanina.

Ilang sandali ang lumipas at may biglang tumawag sa pangalan ko. "Belle!" Agad akong lumingon-lumingon sa paligid. Boses pa lang niya ay nakilala ko na kaagad siya. At doon nga sa pilahan ng mga bibili ay nakita ko siya. Nakangiti siya nang nakakaloko sa akin. At maya-maya lang ay bigla akong kinindatan. Ibinaling ko na lang ang tingin ko kay Reesa. Buti na lang at nasa likod ko ang bilihan ng mga pagkain kaya sigurado akong hindi ko siya makikita.

"Parang iyun iyung lalaking naninirahan katabi lang ng bahay niyo." Sabi ni Reesa. Nakita rin pala niya. Tumango na lamang ako bilang sagot. "Anong meron sa inyong dalawa?" Tanong nito.

"HA! ANONG MERON?!!!" Takang-tanong ko. Ano bang meron?

"Belle, boses mo!"

"Anong meron sa boses ko?"

"Sobrang lakas. Para namang nagulat ka sa itinanong ko sa iyo." Sabi nito sabay tawa. Malakas ba boses ko? "Ano ngang meron sa inyong dalawa?"

"Sino bang dalawa?" Inis na tanong ko.

"Ikaw. At ang lalaking iyun." Sabi nito sabay nguso niya sa karamihan kaya napatingin ako dito. At agad kong naisip na baka si Josh iyung tinutukoy niya na kasalukuyan nang nabili ng kaniyang makakain. Nilingon ko uli si Reesa.

"Walang meron sa amin." Sagot ko.

"Sus." Sabi ni Reesa habang may nanunuksong mga tingin ang ibinibigay sa akin. AAAAHHH! SAGWA! NASA GILID PA IYUNG LABI NIYANG NAKANGUSO! "Ikaw ah." Sabi niya at dinnali iyung kamay ko kaya inirapan ko na lamang siya.

"Pwede bang makitabi?" Agad kaming napalingon sa nagsalita at agad nanlaki iyung mga mata ko nang makita ko si Josh. Hawak-hawak ang tray na puno ng pagkain. Buwishit.

"Syempre naman." Sabi ni Reesa na mukhang pinagpapantasyahan na si Josh. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla akong nakaramdam ng inis kay Reesa. Bakit? Don't tell me, naiinis ako dahil pinagpapantasyahan niya si Josh?

"Hi." Bigla akong napaigtad nang may bumulong sa kaliwang tainga ko. Pagtingin ko ay si Josh pala. Tumabi siya sa akin. Naririnig ko silang nagtawanan ni Reesa habang pahampas-hampas pa si Reesa sa mga braso ni Josh. Pero hindi ko iyon pinansin. Dahil ang tanging nasa isip ko lamang ay ang malalim na boses ni Josh na bumulong sa akin. Anong masasabi ko sa boses niya? Sexy.

BAKIT BA AKO NAGKO-COMMENT TUNGKOL SA BOSES NIYA?!!!!

Pakiramdam ko ay bigla akong namula kaya agad kong kinuha ang salamin ko sa bag ko at tinignan ang itsura ko dito. Namumula nga ako.

"Hindi mo na kailangang magpaganda." Sabi ni Josh sa akin na may nakakalokong ngiti sa labi habang si Reesa naman ay naririnig kong tumitili na sa sobrang kilig. Hindi pwede. Bakit ganun? Akala ko nawala na ang nararamdaman ko para sa kaniya. Iyon pala, natakpan lang ang nararamdaman kong iyon ng matinding sakit dulot ng pagkakagusto niya nga daw sa babaeng (ti-mi) iyung pangalan. Again, hindi ko alam kung ano ang exact spelling.

Pero...nandito pa rin siya. Sa puso ko. Nagtago lang. Akala ko wala na siya. Akala ko umalis na siya. Pero hindi pala. Crush ko pa rin siya gaya ng dati. Walang nagbago.

Beauty, The Prince, and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon