Chapter 16 (1)-Mr. and Ms. AGIA 2013

2 1 0
                                    

" Emmakins look o! O di ba ang laki ng tarp namin for you? Sakop na sakop mo yung buong tarp. Ginandahan ko na rin yung pic mo jan hehe" Pagbibida ni Jill sa tarpaulin na hawak niya.




"Ready na lahat ng gagamitin niyo ni Seth, Emma. May mga tarps na kayo and syempre ang audience impact. Nagcheck na ko ng attendance ng buong section natin, I'm glad to say na everybody is present." Pagmamalaki ni Pia.




"Kaya Emma, confidence na lang ang need mo at mapapanalo natin to. Talunin mo silang lahat gamit ng alindog mo. Wait bigyan kita ng alindog ko para sure win ka." Pag aadvise ni Joy.




Nagsingkitan naman ang mga mata namin nila Pia at Jill sa sinabi ni Joy. 




"Alindog? Nakailang kape ka na Joyang? Nasobrahan naman ata, masama yan tsk" Pang aasar ni Pia. Napasimangot naman si Joy kay Pia.




"Ah basta Emmakins, enjoy mo lang lahat ha. Smile lang kahit kabado, padala ka lang sa mga nangyayari. Dito lang kami to cheer you up." Pang eencourage ni Jilleng.




Nagyakapan naman kaming apat. Nandito kami ngayon sa dressing room ko. Lahat ng candidates ay may sari-sariling dressing room kaya nandito nakatambay ang 3 baliw. Kahit papano their presence means a lot to me, nakakatanggal sila ng pressure.




Kasalukuyan akong inaayusan para sa opening prod namin. 


The past 3 weeks were very hard lalo na yung talent portion namin ni Seth. Paano naman kase, wala kaming matinong practice dahil ang loko ay laging wala para sa football and basketball niya. 



Nga-nga na kaming dalawa nito mamaya. 




"Calling all candidates to please fall in line, magsisimula na ang opening prod natin." 



Nauna ng lumabas ang 3 baliw dahil babalik na sila ng pwesto sa audience area. 




Pagkalabas ko ng pinto ay siyang labas din ni Seth sa dressing room niya. Magkatapat lang ang dressing room ng magpartners. 




He seemed to appraised me dahil from head to toe niya talaga ako tinignan. I simply look at him also. 

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon