Chapter 1 - Slum book

100 4 0
                                    

Name: Emma Rachelle Gomes Villareal ...  Age:  15 ... Hobbies: Listening to Music, Reading, Painting, Dancing, Singing, etc..

"Ano sa tingin mo? Ito bang pink o itong violet?" Tanong ng bestfriend kong c Jill.

Likes? Dislikes? Food? Dami naman... Ito kinaiinisan ko sa Slum books eh, masyadong matanong!

"Huy! Ano ba?! May kausap ba ko dito? Earth to Emmakins!"  Pagtatampong tawag ng bestfriend ko.

"Kahit ano jan, bagay naman sayo parehas eh" Tanging sagot ko.

Ganito talaga kaming dalawa, siya ang fashion critic ko at ganun din naman siya sa akin. Nagkataon lang ngayon na busy akong sinasagutan tong binili niyang Slum book. Ewan ko ba dito sa babaeng to, ngayon pa nahilig sa mga ganitong kaekekan :))

"Eh, kaya nga kita tinatanong eh.. Hindi ako makapili dito sa dalawa.. Ano bang bagay na suotin sa mga karaoke nights with family?" Namomoblemang tanong ni Jill.

Favorite artist? Actress? Actor? Sinu-sino nga ba? Hmm.. Too many to mention na nga lang!

"Simplehan mo na lang yung susuotin mo... Yung blue kayang T-shirt na binigay ko sayo last Christmas, bagay pa yun dun sa maong mong shorts." Advice ko sa kanya.

"Ayy, Oo nga! Life saver ka talaga Emmakins! Thank you, thank you!" Sabay tili niyang pagkasabi

Hay naku, eto talagang si Jill, panic ng panic di tuloy makapag-isip ng maisusuot.

Buti pa siya may karaoke nights with Family. Sama-sama kasi silang lahat eh may reunion pa minsan, samantalang ako naiiwan lang sa Nay Ella ko. Si Nay Ella ko nga pala ang yaya ko, eh since kami lang palagi magkasama tinawag ko na siyang Nay Ella.

 Sila mama at papa kasi laging may business out of the country, mga negosyante kase. And I forgot to tell you nag-iisang anak lang ako kaya lahat ng luho ko nasusunod. Hehehe! Kahit ganun hindi naman ako pinalaking spoiled brat :D 

Dapat nga may baby sis ako kaya lang ayun sa sobrang workaholic nila parents, nakunan si mama... Sayang din yun, kaya lang siguro nga destined talagang mag-isa lang ako :)) Ayy, wait... di pala ako naniniwala sa destiny na yan..

Don't ask me why ha, malalaman niyo rin yan... Hintay-hintay lang ...

...Hmm, Favorite Music: Avril Lavigne ... I really like her songs lalo na yung Complicated nya :))

"Sure ka bang ayaw mong sumama sa kin? Iniinvite ka rin nila mama eh.... Sama ka na lang o para di ka naman masyadong malungkot." –Jill

"Okay lang ako Jilleng, and family bonding yun... and may lakad din ako mamaya eh, aasikasuhin ko yung mga requirements sa school mo para makapasok na rin ako... Malapit na pasukan niyo di ba, ayoko naman mahuli, alam mo namang ayokong maramdaman na newbie..." Sabi ko naman sa kanya.

Close naman ako sa family niya lalo na sa parents niya. Di ko lang talaga feel na sumama, naiinggit kasi ako sa bonding nila nakaka OP minsan ...

Alam niyo yung feeling na yun?

And besides nga aasikasuhin ko yung sa school kase nga transferee ako... Galing pa kong America... Yuh you heard it right... Negosyante sila parents di ba? And may branch ung business nila sa America kaya I stayed there for a few years... after graduating in grade 6 dun ako nag 1st and 2nd year HS...  Hiniling kong mag-aral dito sa Pinas ulit kase....

Ewan ko :)) Bigla ko na lang naisip yun :))

Si Jill bestfriend ko talaga yan since elementary, kami na talaga magkasangga noon pa. Kaya nung nalaman niyang uuwi ako ng Pinas para mag-aral, nagpresinta siyang mag-aral ako sa school niya... Ang hindi niya alam...

"Ikaw talaga Emmakins feeling mo nanaman ma-oOP ka no?" –Jill

Tsk Tsk! Kilala talaga ako nitong BFF ko >_<

"Hay naku, kung  ayaw mo di ko na lang ipipilit... Gusto mo bukas ka na lang pumunta sa school, samahan pa kita, you want? Malaki kasi yun, baka maligaw ka..." –Jill

(Habang nag-aayos ng buhok)

"Don't worry about me, I can manage... and besides, I need to tour around the school so I can be familiar to it..." Sagot ko naman.

Totoo naman eh, para di ako maligaw pag may pasok na...

"Ayan ka na naman sa Ingles mo! Alam mo namang I speak English when it's English subject only. If that's what you want, then it's what you want. Ano daw? :)) Ang gusto ko lang sabihin Emmakins, kung yan gusto mong gawin edi go na lang " Sabi niya.

"Tapos mo na bang sagutan yang Slum Book? Ang tagal mo naman ata.."  Dagdag pa niya.

Goal in life? Motto? ... Ano nga ba? Hmm... Pass muna dito... What is love? –Ano nga ba?

"Hindi pa nga eh... Bakit kailangan mo na? Nasa What is love pa lang ako... Yung iba wala pa kong maisagot kaya blank muna..." Sabi ko

"What is love, di mo alam? Akala ko ba naging kayo ni----"–Jill

(Di ko na siya pinatapos)

"O, dalhin mo na Jilleng, tsaka ko na tatapusin pag balik mo.... And sasagutin ko na lang ung mga blangko kapag may maisasagot na ako ..." Sagot ko sa kanya sabay iwas.

"Ahahaha... Bitter ka pa rin sa kanya Emmakins? Pero kamusta na kaya si Gabe mo no? Ano na kayang balita sa kanya? Totoo kaya ung sa bagong GF niya, na----" Pang-aasar ni Jill.

(Pinutol ko ulit ung sasabihin niya)

"Ba't di mo itanong sa kanya? Naku Jilleng tama na yang pang-iintriga mo ha... Baka mag-away tayo niyan..." Sabi ko naman. Iniwasan ko ulit siya.

"Sorry Emmakins... Eto naman, naglalambing lang, sorrehhhh na " –Jill

Paawa Mode!

"Aish! Oo na, lambing pala un ha... Eh kayo ni Cliff, musta na?" Pang-aasar ko naman.

Bigla naman siyang namutla nung tinanong ko yun. HAHAHA... Sobra siya magblush!

"Ikaw naman. Ba't naman siya nasali sa usapan? Di ko naman sinasadya ung kay Gabe ahh..." Nahihiyang sagot niya.

Si Clifford kasi, Cliff in short, ung best guy friend niya. Sobrang close nila, dumating na sa point na laging andito sa bahay nila Jill nakikikain at nakikitulog (sa guest room naman nila) paminsan-minsan. Naging close na rin si Cliff sa family niya... Mayaman din family niya, owner ng travel agency... Tas ayun si Jilleng, na inlavavu sa Guy best friend niya! Eh, may GF namang iba...

Saklap!

Tas si Gabe, Gabe Rafael Montero, ang first love ko... Nag meet kami sa Amerika... Same school, year and section... Naging kami definitely, ang bilis nga ng ligawan eh... What to do, nasa States kami eh :l  Akala ko kami na talaga for forever.. Alam niyo ung feeling na yun? Hays, ayun dumating ung araw na nag move ung family niya sa Australia... At first, may communication pero nung tumagal nawala na lang bigla... Then nabalitaan ko na lang na may GF na siyang iba...

Ouch!

"Wag na nga natin silang pag-usapan nakaka BV lang :l ... O, sige na uuwi na ko, have fun na lang mamaya ha... Regards kay tita, pakisabi pasensya na di ako makakapunta... Basta, ikaw na bahala " –Sabi ko sa kanya.

Hinatid niya ko hanggang sa may gate nila at sumakay na ko sa sasakyan ko.... May driver ako ha, Si Mang Domeng. Malamya kasi ako kumilos kaya nag hire sila parents ng driver Hehehehe....

"Saan ho tayo Ms.Em?" –Mang Domeng

"Sa AGI Academy po, mag-eenrol na ko MangDo" Excited na sinabi ko.

(MangDo- Mang Domeng in short, ang cute kase parang McDo ang tunog :)) )

"Ah sige po Ms. Em" –Mang Domeng


Author's Note: Special thanks for Fallingbubbles :) Pia! Tnx sa Cover :)) Tnx din sa inspiration ... Wushuu! :"> 

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon