Chapter 2 - Library

38 1 0
                                    

ARMAND GOMES INTERNATIONAL ACADEMY (AGI Academy for short) 

Eto ang malaking banner na nakalagay sa may lobby ng school.

Tapos na ako mag-enroll, pinatawagan ko na kase kay Nay Ella kahapon para mas mabilis.

Hehehe...

Sinubmit ko lahat ng requirements na kailangan at mga papales para sa pag transfer ko. Pwede naman tong ipautos sa iba kaya lang gusto ko ako na lang para naman malibot ko din...

Lumabas ako sa lobby. Tumingin ako sa paligid nung school.

May Gymnasiums-check! (2 talaga?)

May Swimming pool area- check!

Culinary Center- check!

Canteen- check! (Parang hotel restaurant lang ahh)

May Audio-Visual room-check!

May Stage and Theatre area-check!

May Laboratories (T.L.E. , Computer and Science lab ha, magkakahiwalay)

Ang laki rin ng Clinic nila, parang mini hospital na may 20 beds!

May Football field- check!

 May Open Field pa!

May Pond area (bago to ah...)

Marami pang landscape na makikita (Siguro para sa mga aspiring Fine arts students to)

Ang lalaki ng mga classrooms parang pang 100 students per room, pero since International school, mga 35 students allowed lang. Lahat ng room may 2 aircon, and sobrang linis!

Yung mga Comfort rooms parang mga banyo sa hotel, ang gagara at hi-tech!

Dun naman sa open field may fountain sa gitna, dancing fountain pa nga eh. Ang saya sigurong panoorin ung fountain pag gabi na, makukulay na ilaw kase ung ginamit sa fountain habang nagsasayaw ito.

Lahat ng open field covered ng Bermuda grass kaya hindi maputik pag umuulan...

 Para ngang paraiso tignan sa labas itong Academy na to.

Ayun! Sa wakas nakita ko na rin ung Library nila! Pag pasok ko sa loob...

WAHHH! Ang laki!

Grabe lang ha, mga ilang libong aklat kaya tong mga to? Mababasa kaya yan lahat ng students?

By subjects ang arrangement ng mga books. Science... Mathematics... Language... Filipino.... Social Studies... Computer... Wala ba silang Novels? =))

Pumunta ako sa may librarian para itanong.

"Good Afternoon Miss, meron po ba kayong Novel section dito?" –Tanong ko sa librarian.

"Misis na ako iha, Mrs. Villafuerte. Doon sa may literature, nandoon ung mga novels namin... Bago ka dito iha ano? Ngayon lang kita nakita eh..." Nakangiting sinabi ni Mrs. Villafuerte.

Medyo may edad na si Mrs. Villafuerte parang si Nay Ella ko lang... Friendly siya infairness huh...

"Ahh, opo... Transferee po ako, galing States. May kaibigan po akong nag-aaral dito kaya dito na rin ako pumasok J" –Sagot ko sa kanya.

"Galing States ka? Talaga? Ang galing mo pa rin mag tagalog ha, magalang ka rin manalita... Ang gandang pagpapalaki sayo ng mga magulang mo.." –Mrs. Villafuerte

Napangiti naman ako sa sinabi niya. 

"Ako nga po pala si Emma, Emma Villareal po " Pagpapakilala ko.

"Villareal? Parang narinig ko na yang apelyido mo ahh... Teka.."-Mrs. Villafuerte

"Ahh... baka common last name lang po... Ah, sige na po punta muna akong literature section."-Sabi ko

"Ganun ba? O sige iha, enjoyin mo lang ung mga facilities namin dito, para sa inyo talagang mga estudyante yan." –Natutuwang sabi ni Mrs. Villafuerte.

Pagkarating ko sa Literature section, may nakita akong ....

O_O

Naghahalikan!

*Ahem*

Bigla silang tumigil at naghiwalay. Naiinis na tumingin sa akin ung girl, ung guy naman parang nahiya hindi siya makatingin.

Yung girl-average height, Coca-cola ung body (IN CAN), maputi, black hair and dark brown eyes.

Ung guy hottie ung itsura, matangkad, sporty ung body (ewan ko kung may abs ha), may pagka brown yung hair actually dark brown hair, ang haba ng eyelashes, matangos yung ilong, ung kulay niya parang tanned color eh... dahil siguro sporty, laging naaarawan. Perfect na ung mukha nung guy eh, pati lips niya ang yummy! =))

Sad to say, hindi ko siya type... Kase ung mga katulad niya mga habulin ng girls,

nakakadala na....

"Sino ka ba? Ang kapal ng mukha mo namang istorbohin kami!" –Sabi nung girl.

Aba, aba.. Istorbohin daw ba sila? Di ba library to? Hanep na babae to ahhh...

"I'm sorry kung naistorbo ko kayo ha, but don't you know that this is a library? Hindi ito kissing booth." –Sagot ko sa babae

Namutla yung babae. Napatingin naman sa akin yung guy. Ba't ganun? Parang the moment na nagtama ung tingin namin there's something.

Nagkatitigan kami for a minute ata, ang tagal! :))

"Don't you know who I am? Don't you know Seth? Don't you know US?" Naiinis na tanong nung girl.

At dun nabali ung titigan namin ni... Seth ba daw kamo?

"Nope. I'm sorry, I'm a newbie here. I'm Emma and you are?" Pagpapakilala ko sa kanya.

Tinaasan ako ng kilay nung girl. Aba, aba... ung kilay mo pakibaba baka gusto mong maging Mona Lisa ngaun, ahitin ko lahat ng kilay mo.

"Poor you! Di bale, makikilala mo rin ako sa pasukan... Right now, I don't have time for this stupid conversation." Sabi niya habang tinitignan ako mula paa hanggang mukha.

Ang sarap sabunutan ng mga taong ganito! Grr! Hmm.. Ung poise ko, compose yourself Emma...

"Is that so? Ok. Pwede bang tumabi muna kayo? Gusto ko kasi tignan yung mga novels dito eh... Pwede ba?"  Pang-aasar na tanong ko.

"How dare you---" –Impaktang girl

"Meryll, stop it na... Let's just go." Sabi ni Seth?

Meryll pala huh...

"May araw ka rin sa kin Emma! Tandaan mo yan!" –Meryll Sabay walk-out.

Tinignan ulit ako ni Seth? :))

.....at sinundan niya na rin yung Meryll niya.

Sayang naman yung kagwapuhan... Napunta lang dun sa Meryll the devil na yun =))

Erase. Erase. Erase! Di ko siya type... Sheesh!


Author's Note: Ipopost ko na lng hanggang sa Chapter 3 :)) Para naman maging exciting yung story :D Sorry kung may kulang or anything.... Beginner lang eh :))) Basta have fun reading :D 

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon