A/N: Matagal nang tapos ang story na 'to. About 2 years? Hahaha, tinatamad lang po akong mag-upload. Per ngayong bakasyon na, ia-upload ko na lahat. Say, two chapters a day? TTH. Okay? :)
---
HNDI na siya nagtataka kung ang inihahandang hapunan ng nanay niya ay para kay Vincent. Simula kasi nang dumating doon ang binata ay lagi itong may special treatment. Ang gusto pa nga nito ay doon sa bahay nila kumain si Vincent pero tumanggi ang binata. Tuloy ay lagi pa siyang naiistorbo sa pagdadala ng pagkain dito. Nagsandok na ang kanyang ina ng kanin at ulam at inabot sa kanya. Hindi na niya hinintay ang pagtatalak ni Aling Doray at pumunta na siya sa apartment ng binata.
Ilang beses na siyang kumakatok sa pintuan ngunit walang sumasagot. Abuso na ito ah. Nangangalay na ako dito!
“Hoy, ano.. Vincent! Nandyan ka ba? Papasok na ako.” pinihit niya ang doorknob at itinulak ng kaunti ang pintuan upang sumilip. Her eyes scanned the room and she found him sitting on the sofa, his hands cupping his face.
Anak ng tokwa! Nandito lang pala hindi pa ako pinagbuksan ng pinto. Nang-aasar ba? Torture na ‘to!
Tatawagin sana niya ito when she heard him sob. He’s...crying? Hindi makapaniwala si Mookie. Hindi tuloy niya alam kung papasok ba siya o hindi. Tatalikod siya nang may dumaan na pusa sa harapan niya na ikinagulat niya. “Ay pusang mahabagin!”
Itinikom niya ang bibig. Siguradong narinig siya ni Vincent at baka isipin pa nito na tsismosa siya. Narinig niya ang pagbukas ng pinto at lumabas si Vincent mula doon. Nanatili siyang nakatalikod dito.
“What are you doing here?” may bahid na inis ang boses nito. “Humarap ka nga sa akin.”
Can’t you see I’m doing you a favor by not looking at you after you cry? Ang akala niya ay hindi ito magpapakita sa kanya dahil siguradong mahahalata niyang umiyak ito, nagkamali pala siya. Sinunod niya ito. Humarap siya kay Vincent. I knew it, namumula ang mata nya.
His face softened a little nang makita nito ang dinadala niya. “Are those for me?”
“Obvious ba? Ikaw lang kaya ang boarder namin na binibigyan ng pagkain ni nanay.” Inabot niya dito ang plato at mangkok.
“Thanks. Sana kinatok mo nalang ako kaysa naghihintay ka dito sa labas.” muntik na niyang batukan ito kung hindi lang siya nakapagpigil. Kung alam lang sana nito na bukod sa katok ay tinatawag din niya ito.
Isang tango nalang ang isinagot niya dito. “Hindi mo ba ako papapasukin?”
Parang nag-aalangan pa ito kung dapat siya nitong papasukin. Aba! Naman, pinag-iisipan pa ako ng masama.
“Sure, come in. Hintayin mo nalang na itong mga plato. Ililipat ko lang ng lalagyan.”
Dumiretso sa kusina si Vincent at tumuloy naman siya sa sala. Umupo siya sa sofa na kaninang inuupuan nito. Maraming nagkalat na music sheets sa table and crumpled ones sa sahig. Bilang isang organized na tao ay nairita siya sa nakita kaya nagkusa na siyang ayusin ang mga iyon. Sa pag-angat ng music sheet sa table ay may nakita siyang larawan ngunit nakatalikod iyon.
Curiosity got the better of her. Ito ba ang dahilan ng pag-iyak ni Vincent kanina? Gusto niyang malaman kung ano ang nasa litrato. May nakasulat sa likod ng larawan. Kinuha niya ito upang makita ng maayos ang nakasulat.
BINABASA MO ANG
VIXEN: Our Love Is Like A Song [COMPLETE]
Romance“I should’ve trust you more and should’ve took the risk of loving you and being loved by you. I love you Vincent. I really do.”...