Inilapag ni Vincent ang kanyang gitara sa gilid ng kanyang kama saka kinuha ang isang larawan mula sa kanyang pitaka. Malamlam ang titig niya doon at saka ito marahang hinaplos. Why did you leave? Don’t you know how much it hurts me? He let out a sigh. Pinalis niya agad ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata.
Ngayong nasa iisang lugar na sila ulit, hahanapin niya ito. Marami siyang gustong itanong at sabihin sa dito dahil hindi niya maintindihan kung bakit nito nagawang mawala nalang bigla at kung bakit hindi ito nagsabi sa kanya.
Sa kalagitnaan ng pagdaramdam, biglang sumagi sa isip niya ang babaeng hinalikan niya kanina. Bumangon ang inis na nararamdaman niya dito. Unang araw palang niya doon at hindi niya inaasahan na may ganoong mangyayari. Wala na ba itong alam sa privacy? Bakit may mga taong pumapasok na lang sa bahay ng iba? Bukas na bukas din ay ibabalita niya ito sa landlady niya.
Hinalikan niya ito para matahimik ito tutal iyon naman ang gusto ng mga babaeng biglang sumusulpot sa pad niya. Maswerte pa nga ang babaeng iyon at natikman nito ang halik niya ng walang kahirap hirap kaya naman nagulat si Vincent nang sampalin siya nito at nagalit pa. But he must admit, he found her cute nang nagtataray ito.
Kahit man siya ay nadala sa paghalik dito. He was about to make love with her for crying out loud! And he doesn’t even know who she is and why she’s in his apartment. Napansin niyang hindi masyadong marunong humalik ang babae. Iyon marahil ang dahilan kaya galit na galit ito sa kanya. Ninakaw kasi niya ang first kiss nito.
Matutulog na sana siya nang nag-ring ang kanyang cellphone. It’s his mom. “Vincent anak! Kamusta na? Bakit hindi ka man lang dumaan sa bahay eh nakauwi ka na pala? Miss na kita anak.” daing nito.
“‘Ma, I’m sorry. Pero alam nyo naman kung bakit ko ginagawa ito ‘di ba?”
“Oo nga, naiintindihan kita anak. Ang sa akin lang naman ay sana dumaan ka muna dito sa bahay. Hindi mo man lang kami kinamusta.”
Naawa man sa ina ay alam niyang naiintindihan siya nito. Pinangako niya sa sariling pagbubuhusan ito ng atensyon sa oras na matapos ang kalbaryo niyang ito.
“Pasensya na talaga ‘Ma. I’ll make it up to you, okay? Babalik naman ako agad ‘pag nakita ko na siya. Sige po. Bye, love you.” sabi niya upang matapos na ang kanilang pag-uusap saka natulog.
Pagkagising ni Vincent ay naghanda na siya agad para sa araw na iyon. Siguradong matatagalan siya sa paghahanap. Akmang lalabas na siya nang nakita niya ang mangkok na pinagkainan niya ng paradusdos. Dala iyon ng weird na babae kahapon. Ayaw man niyang aminin pero masarap ang niluto nito.
Paglabas ng apartment nakita niya agad ang weird na babae mula kahapon na nag-iistretching sa veranda ng bahay ng kanyang landlady na si Aling Doray. He let out a light chuckle as he stared a the weird girl. Mukhang masayang-masaya ito na nag-iistretching habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin. Mukhang napansin nito ang presensya niya kaya napalingon ito sa gawi niya. Her eyes widened in surprise and shock. Tumayo ito ng maayos at pilit hinihila pababa ang maliit na pang-itaas.
“A-Anong ginagawa mo dito?” kumunot ang noo nito.
“I live here, remember? Sinugod mo pa nga ako kahapon.” he grinned as he recalled what happened yesterday. Mukhang nainis ito. “Ikaw? What are you doing here you crazy girl? Oh, and cute belly button by the way. Bilog na bilog.”
She scoffed. “Bastos! I live here too. Malas mo lang!”
“Yeah, how unlucky of me.”
BINABASA MO ANG
VIXEN: Our Love Is Like A Song [COMPLETE]
Romance“I should’ve trust you more and should’ve took the risk of loving you and being loved by you. I love you Vincent. I really do.”...