A/N: As promised, ito na ang next chapter! TTH ang sched nito guys! :)
--
“Mookie, pupunta ka ba ngayon sa shop mo?” tanong ni Vincent sa kanya matapos kumain.
“Oo. Pagkatapos kong mag-urong dito maghahanda na ako para pumasok. Bakit?” nilingon niya ito. Napangiti siya nang makitang inaayos nito ang lamesa at ang ayos ng mga upuan. Pakiramdam niya tuloy ay mag-asawa silang dalawa sa gawi nitong iyon. Ilusyonada ka Mookie! Isa kang ilusyonada!
“Naputol kasi ang isang string ng gitara ko kagabi. Wala akong spare strings. Bibili sana ako doon.”
“Ah.. sige. Magkita nalang tayo sa garahe namin after an hour.” matapos magligpit ay nagpaalam na ito sa kanilang mag-ina. Siya naman ay agad na naligo at nag-ayos. Natagalan siya sa pagpili ng damit. Para siyang teenager na pinaghahandaan ang isang date. Tinawagan niya ang mga kaibigan sa shop at sinabing ayusin ng mga ito ng maayos ang shop dahil pupunta si Vincent doon.
Makalipas ang mahigit isang oras ay nagpunta na siya ng garahe. Nandoon na si Vincent at nakasandal sa pader. Agad niya itong nilapitan.
“Why do girls take a very long time to prepare?” tanong nito sa kanya. “Shall I drive?”
“Hindi, ako nalang. Doon ka nalang sa passenger seat.” Pumasok na sila sa loob ng kanyang Lancer. Doon ito umupo sa backseat. Kumunot ang noo niya. “Ahem Mr. Arellano, hindi mo naman ako masyadong ginawang driver sa pag-upo mo diyan? Try mo kaya dito sa harapan umupo.” saway niya dito.
Mukhang napahiya ito kaya mabilis na lumipat ito sa tabi niya. She breathed his scent. It’s a very masculine scent, nakakahalina ang amoy. Palihim niyang inamoy muli ang pabango nito.
“This is awkward.” makaraang sabi nito.
Napatigil siya sa pag-amoy dito. Nag-alala na nahalata siya. “B-Bakit naman?”
“A girl is driving for me.” mabuti nalang at hindi pala ang pag-amoy niya dito ang tinutukoy nito.
“Kaya narin gawin ng mga babae ang lahat kaya ng mga lalaki ngayon, Vincent. Mas magaling pa nga kami kasi nakakapanganak kami.” Umiral nanaman ang pagtatag niya sa bandila ng mga kababaihan.
He grinned and looked at her. “That’s not true. Isipin mo nga kung paano mabubuntis ang mga babae. Kailangan ng lalaki para mabuntis kayo. And to do that, they engange in s—”
“T-Tama na. Ayos na, I get it. Manyakis mo naman.” N
aaalibadbaran niyang sabi.
Tumawa ito. “Aww, I think there’s a virgin in this car. You can’t even stand hearing the word.” Aliw na aliw ito sa nalaman. Hindi naman sa inisip nito na may naka-una na sa kanya pero dahil sa nalaman nito na ganoon pala siya ka-inosente. “Come on Mookie, you’re already old enough for this topic.”
“Twenty-four palang ako.” giit niya.
“And you think that’s not old enough. I bet hindi ka pa nahahalikan.” Napalingon siya dito nang matigilan ito. Pareho silang may naalala at lumawak ang ngiti nito. “It’s your first kiss, isn’t it?”
“A-Anong bang sinasabi mo.” painosente niyang sagot. Hindi na niya kailangang ipagsigawan na ganoon siya ka-manang.
“Don’t you remember? I kissed you the first day I got here. Sinampal mo pa nga ako eh. I knew it. Hindi ka kasi marunong humalik.” he’s being a jerk again. Nagpuyos ang damdamin niya. Ako na ang manang, ako na ang mangmang! Pinaghahampas niya ang balikat nito.
BINABASA MO ANG
VIXEN: Our Love Is Like A Song [COMPLETE]
Romance“I should’ve trust you more and should’ve took the risk of loving you and being loved by you. I love you Vincent. I really do.”...