CHAPTER 2-- Unexpected

124 0 0
                                    

Si Michaela Smith po sa may gilid ---------->

-Mai :)

***

(Jane's POV)

Pagkatapos ng flag ceremony, pumunta muna ako sa principal's office para ayusin yung mga gamit ko. Bukas na kasi kaagad ang alis ni Daddy eh. Kaya hindi ako nakapaghanda. Sobrang hindi ko kasi ineexpect na magiging student principal ako sa school na to noh!

"Ate! Bilisan mo na dyan! Sobrang gusto ko pang maglibot libot sa school! Bilis. Dalian mo na." pangungulit sakin ni Nadine habang nakapout ang lips niya.

"Oo Nadine. Wait lang. Saglit nalang to." sabi ko sa kanya habang inaarrange ang mga libro ko.

Pagkatapos ko mag-ayos ng gamit, umalis na ako sa principal's office at sinimulan ang paglilibot kila Nadine at Mika.

Una naming pinuntahan ang Coliseum ng school.

"Wow! Ang ganda naman dito! [echo: dito... dito... dito...]"  sumigaw si Nadine kaya naman nag-echo ang boses niya. "Ay? Gaya-gaya! [echo: gaya... gaya... gaya...]"

Kami lang kasi ang tao sa Coli kaya nag-eecho kapag sumisigaw kami.

Grabe siya! Ignorante teh? Over lang? OA? OA? Wala sa bundok?

Pinagpatuloy lang ni Nadine ang kakasigaw.

"Ang pogi ni Nadine! [echo: pogi ni Nadine... pogi ni Nadine... pogi ni Nadine...]"

Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa bibig niya kaya lalong lumakas yung sigaw niya.

"Grabe! Halatang halata na nag-eenjoy siya ha!" sabi sakin ni Mika.

"Oo nga eh. Hayaan mo na. Wala kasing ganyan sa mental." sabay kaming tumawa ni Mika.

"In fairness ate ah. Maganda tong Coli." pagpuri naman ni Mika.

"Syempre naman. Magaganda rin may-ari eh." kinindatan ko si Mika. Bakit? Totoo naman ah.

Lumapit na si Nadine samin. Medyo napalayo kasi siya kanina kakasigaw.

"Ate! Narinig nyo ba yun? Ang pogi ko daw!" proud na proud niyang sinabi sa amin.

"Naniwala ka naman? Nagjojoke lang yan." biro ko sa kanya.

"Tse! Totoo kaya." sabay dila sa akin. Haaaay. Parang bata. Immature talaga.

"Okay. Sabi mo eh. Anyways, ginagamit lang tong Coli kapag may acquaintance party, js prom at prom date." sabi ko sa kanila.

"Date?" napatanong bigla si Mika,

"Eww. Kadirdir! Date?! Yuck naman! Kadirdir talaga!" sabi naman ni Nadine.

"Yup. Date. Bukod sa js prom, meron pang isang event dito na ang tawag ay Prom Date. Isang celebration yun ng school para sa mga magGirlfriends and boyfriends sa school na to. Kung ayaw nyong mapasama sa event, edi wag kayong maghahanap ng boyfriend." sabi ko sa kanila.

"LALONG LALO NA NG GIRLFRIEND!" pinagdikdikan ko kay Nadine.

"Ate naman eh! Madaya ka talaga! Marami pa namang chix dito na sure na magagwapuhan sakin!" pag-iinarte ni Nadine.

"Tigil tigilan mo nga ako NADELYNE!" pang-aasar ko sa kanya. Ayaw na ayaw niya kasing tinatawag siyang Nadelyne. Masyado daw pangbabae.

Moving On... (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon