(Mika's POV)
After school, umuwi na kami kaagad. Pagod na pagod na daw kasi si Ate Jane. Nakatulog na nga siya sa kotse eh. Kaya hindi na namin siya ginising at binuhat nalang siya Kuya Oliver, yung battler namin.
Sa pagod din namin, kumain lang kami ng dinner ni Nadine tapos dumeretso na sa kanya kanya naming kwarto.
"A-ate Mika?" ginising ako ni Nadine habang pinipindot pisngi ko.
"Bakit Nads? May problema ba?" sabi ko habang kinukusot mata ko.
"Wala naman ate. Gusto lang daw ni Ate Jane na makausap tayo."
"Ano daw pag-uusapan?"
"Hindi ko rin alam eh. Basta sabi ni Ate Jane, kailangan na daw natin malaman yun."
"Tungkol san naman kaya yun?"
"About daw sa family natin eh. Mga secrets daw ng Smith."
Family secrets? Eh maliban sa hindi kami pare-pareho ng nanay at si Kuya Nico na hindi naman namin nakilala ni Nads, wala na akong alam.
"Ahh. Ganun ba? Sige Nadine. Bumaba ka na. Hintayin nyo nalang ako. Maghihilamos lang ako." sabay punta sa banyo.
"Okay. Bilisan mo ah." sabay alis.
Tiningnan ko yung wall clock.
4:30am. ANG AGA NAMAAAAAN! NAKAKALOKA!
Naghilamos na ako at bumaba.
Pagdating ko sa sala, wala sila dun. Kaya pumunta ako sa arcade room namin. As I expected, naglalaro nga sila.
"Teka nga muna! Akala ko ba mag-uusap tayo?"
Nagulat sila nung sumigaw ako kaya napatingin sila sakin.
"Oo nga! Sino ba may sabing hindi?" sabi ni ate Jane habang naglalaro ng Coin Dozer.
"Then why are you playing?" tanong ko habang naghahand gestures.
"Eh pano ba naman kasi ate Mika. Ang tagal tagal mo. Nainip kami kaya eto! Naglaro na muna kami." sabi ni Nadine.
"Ayy. Ganun? Sorry naman." sabi ko na medyo nahihiya pa.
"Tama na nga yan. Mag-usap na tayo." biglang tumayo si ate Jane.
Pumunta kami sa sala at nakinig sa pagkekwento ni Ate Jane.
"Ganito kasi yun. When dad was young, babaero siya! As in. Marami siyang naging girlfriends. At halos lahat yun, niloko niya lang. Walang tumatagal ng 1 buwan sa mga nagiging girlfriends niya. Not until nabuntis niya yung ex niya which is si Mommy. Pinagbubuntis ni Mommy nun si kuya Nico. Since parehong mayaman ang pamilya nila mommy at ni dad, pinakasal sila ni Lolo para di masira ang reputasyon ng bawal pamilya." pagsisimula ni ate Jane.
"Eh pano nagkakilala sila Mudra, si Mama saka si Dad?" tanong ni Nadine.
"Teka lang kasi teh! Excited? Patapusin mo muna kaya ako, diba?" sagot ni ate Jane.
"Sabe ko nga!" sabi ni Nadine.
"Good. So ayun nga. Dahil mag-ex lang sila, nagkaroon ng bagong girlfriend si dad, si Mama."
"Mama ko?" tanong ko.
"Oo. Kahit na alam niyang kasal si Dad kay Mommy, pinagpatuloy parin nila yung relasyon nila kasi sobrang mahal niya si dad. Ganun din naman si Mommy. Hindi nalang niya pinakelaman si dad at mama dahil mahal na mahal din niya si dad."