CHAPTER 5-- The Unforeseen

96 2 0
                                        

(Nadine's POV)


"Nadine? It's time to eat our breakfast" sabi ni ate Jane sakin habang nakasilip sa kwarto ko.


"Ok ate Jane, I'll be there in a minute" sabi ko sa kanya habang sinusuklayan ang buhok ko.

Bumaba na si ate Jane.


Kung nagtataka man kayo kung ano ang nangyari kahapon, well, yun ang isa sa pinaka-masayang nangyari sa buhay ko.


Bumaba na ko ng dining room and saw my 2 sisters.


"Ayusin mo nga yang pananamit mo nadine, at masyado kang BOYISH" sabi ni ate Jane na pinangangalandakan ang pagka-boyish ko.


"Alam mo ate Jane, hindi kasi ako katulad ni ate Mika na masyadong PERFECT eh" pagpapatama ko naman kay ate Mika.


Nagulat naman si ate Mika sa sinabi ko at bumawi.


"Sorry naman noh? Simple lang naman kasi ako at hindi katulad ni ate Jane na masyadong FASHIONISTA" at talagang inemphasize niya rin yun.


Sabay tawanan.


Kumain na kami ng breakfast at pumunta na ng school.


Pagdating ng school, syempre, maraming nakaabang samin na chix kaso si ate Jane kasi masyadong deadma lang sa mga admirers niya kya sumunod na lang kami sa kanya papuntang locker room.


"What?!" gulat na sabi ni ate Mika habang nakatingin sa locker niya.


"Bakit?" tiningnan ko yung locker niya. "Anak ng tipaklong! Ba't ganyan?"


Tama nga ang sinabi samin ni ate Jane na sasabog yung drawer at kakalat ang sahig dahil sa dami ng mga gifts.


"Ngayon ay ramdam nyo na ko! Whahaha." sabi ni ate Jane na tatawa tawa.


Aba't talaga naman tong ate kong to oh! May gana pa siyang tumawa ng ganyan!


"Ramdam na ramdam." sabi ni ate Mika na halos maiiyak na.


Sa aming tatlo kasi, si ate Mika lang yung hindi sanay na makatanggap ng mga regalo. Usually kasi, si ate Jane ang pinakamarami. Ako naman, galing halos lahat sa mga tropa ko nung elementary.


Kumuha lang ako ng konting books although nahirapan ako dahil dun sa mga gifts na nakakalat sa sahig, pero atleast nakeri naman.


Pumunta na ako sa room ko.


"Ms. Nadelyne." tawag sakin nung adviser namin.


Tsk. Ayoko talaga pag tinatawag akong Nadelyne eh. Babaeng babae ang dating.


Moving On... (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon